Chapter 12:

72 7 0
                                    

Joshua

"hi joshua"

Biglang dumating si Dianna kasama yung boyfriend nya habang pinapaliguan ko si oliver

Nakangiti si dianna habang binabati nya ako, ang hirap tuloy tumingin sa kanya

"kasama mo pala yang boyfriend mo" sabe kong walang gana

"ha! ha! ha! hindi ko sya boyfriend" tinawana nya pa ko... tss...

pero teka, di nya boyfriend yung lalakeng yun?! bakit parang bigla akong nabuhayan ng loob?!

"I' am dianna's suitor!"
sabe nung lalake

"by the way, joshua sya si Bryan mercado,and bryan ya naman si Joshua Billano!"

Pakilala samen ni Dianna sa isa't isa! Bryan pala ang pangalan ng lalakeng to!

"nice meeting you joshua!"
nilahad nya yung palad nya para makipagshake hands

tinitigan ko muna ito ng ilang minuto pagkatapos ay nakipag shake hands na rin ako

"ako rin" sabe ko

"you know guyz, i use to ride on a horse but not in kalabaw" sabe ni bryan na biglang hinimas himas ang ulo ni oliver

Tss buti nalang at maamo tong si oliver

"ahh,, oo este yes he is maamo" sagot ko dun sa bryan na to! wala e gusto ko lang makipagsabayan sa ingles kahit di ako marunong nun, minsan may magpasensya nalang kung wrong grammar ako

"haha! turuan mo naman kaming sumakay sa kalabaw oh" sabe ni Bryan

Pumayag ako sa gusto ni Bryan, sumakay sila ni dianna sa likod ni oliver habang ako naman ay inaalalayan si oliver habang  naglalakad ito gamit ang hawak kong lubid 

"dianna wag kang matakot, kasama mo ako" sabe ni Bryan habang nakayakap sya sa likod ni dianna

Nakaka asar talaga ang lalakeng to! ang sarap suntukin!

"pero nakakatakot talaga"
sabe naman ni dianna habang nakapikit yung mga mata nyA

"dapat hindi mo pinipikit yang mga mata mo, pano mo makikita yung ganda ng paligid kung nakapikit ka naman? walang ganito sa maynila!" sabe ni bryan

tahimik lang ako habang naguusap sila, wala naman akong karapatan para sumabat sa kanila e

"mabuti nalang at alagang alaga ni joshua si oliver kaya napakamo nya e.. diba joshua!"

Nagulat ako ng kausapin ako ni dianna kaya napa-oo nalang ako

"bakit kanina ka pa tahimik jan? bakit hindi ka sumali sa usapan namin?" tanong ni dianna

"ah.. eh.." wala talaga akong masabe e

"mukhang napapagod na ata si joshua, dianna ang mabuti pa bumalik na tayo" sabat ni bryan

"hindi-hindi ok lang ako"
sabe ko habang sumisenyas yung kaliwa kong kamay

"tama si bryan, tara na at bumalik na tayo" wala na kong nagawa pa at bumalik na nga kame.

wala e, si dianna na ang nagsabe

Bryan***

   After namin mamasyal, parehas na kaming nagpahinga ni dianna sa mga kwarto namen,

Nakahiga lang ako sa kama habang iniisip lahat ng mga nangyari kanina

Nararamdaman ko na may gusto rin yung joshua na iyon kay Dianna, nakikita ko sa twing tumitingin sya sa mga mata ni dianna

alam ko yug dahil lalake rin ako, at sa totoo lang ayoko sa lalakeng yun!

tumAyo ako para lumabas ng kwarto at mag libot libot dito sa hacienda ni lola marie

Umakyat ako sa may 3rd floor, doon ay may narinig akong tumutugtog ng piano kaya binuksan ko ito para silipin kung sino ang tumutugtog

Si dianna pala...

"anong ginagawa mo dito?" tanong nya kaya bigla syang napatigil sa pagtugtog

"napadaan lang, madalas kitang nakikita magperform sa mga stage nung high school, pero ngayon ko lang nakita ng solo ang pagtugtog mo"

sabe ko naman habang lumalapit ako sa kanya

Unti unti syang lumalayo saken habang papalapit ako sa kanya

"bryan bakit saken pa? ano bang meron saken?" tanong nya

"na ano ba?"

"bakit ako pa ang minahal mo?"

"kelangan bang  lageng may dahilan ang isang tao kung bakit sya nagmamahal?"

"Nakikiusap ako, Wag na ako Bryan! marami namang ibang babae jan"

"ano bang magagawa ko kung ikaw palage ang tinitibok ng puso ko?"

"ano rin bang magagawa ko kung hindi kita kayang mahalin?"

ilang ulit ko ng naririnig yung mga salitang ganyan kay dianna kahit sa magkakaibang porma ng kanyang salita paulit ulit din akong nasasaktan

Gusto kong umiyak at sumuko nalang pero mas nasasaktan ako kung mawala sya sa kin

bakit ba kasi ang lakas ng tama ng babaeng ito sa ken?

Bigla kong naalala si joshua, sya ba ang dahilan ng lahat ng ito?

"dahil ba kay joshua kung bakit hindi mo ko magustuhan?"

"alam mong bago pa sya dumating , sinabe ko na sayong hanggang kaibigan lang ang turing ko sayo!"

"pero mahal mo ba sya?"

Hindi sya sumagot sa tanong ko, yumuko lamang sya at nanahimik

Pero kahit na ganun, umaasa at naghihintay lang ako sa sagot nya

"Kelangan ko ng bumaba may gagawin pa kasi ako e"
sabe nya na tuluyan ng hindi sinagot ang tanong ko

Joshua***

   pumunta ako sa bahay ni tomas pagkatapos kong ipasyal sina Dianna at yung manliligaw nyang ingles ng ingles

Syempre katulad ng dati ikwinento ko kay tomas kung anong nangyari kanina

"yun naman pala e, manliligaw lang pala,, di naman pala Boyfriend!"
sabe nya habang yung mga braso nya ay nakapulupot sa leeg ko at parang sinasakal ako

"aray ko bitawan mo nga ako!" sigaw ko sa kanya, mukhang natakot kaya agad nyang tinanggal yung mga braso nyA

"sa tingin mo? ano bang laban ko dun? gwapo inglesero, mayaman, may pinagaralan, matagal ng nanliligaw sa tingin mo may lamang ako dun? kapraso nalang ako dun noh!"
sabe ko ng huminahon ako

"sabe mo nga diba matagal ng nanliligaw ibig sabihin walang gusto dun si maam dianna, kasi kung meron edi matagak na nyang sinagot yun"

"baka naman sa tagal ng panliligaw, paunti unti ay nahuhulog na yung loob nya dun"

"pare may laban ka basta umamin ka lang sa kanya may laban ka, wag mong intindihin yung sitwasyon para hindi palageng negatibo yang naiisip mo"

Tumayo ako para Umuwi, tuloy tuloy akong naglalakad ng hindi manlang nagpapaalam sa kanila

Habang naglalakad ako, iniisip ko parin yung mga sinabe ni tomas na may laban ako

kung tutuusin tama sya e, hindi pa naman sila nung bryan na yun

ang ikinatatakot ko lang pano kung hindi naman ako mahal ni dianna?

My Girlfriend's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon