Chapter 13:

78 8 0
                                    

  Dianna***

  Bisi ako sa pagsusulat sa Diary ko habang sila ay bisi rin para sa pagpi-prepare ng party para daw sa aming pagbisita dito sa hacienda courtesy syempre ni lola

Bumaba ako para tignan sila habang nagaayos ng garden

"hows you and bryan?"
nagulat ako ng biglang sumulpot si ate phen

"were good friends" sagot ko

"ano ka ba talaga dianna? bulag o tanga?"

Napatingin ako kay ate phen bakit ba kasi nangengealam sya ng love life? e ayoko nga talaga kay bryan e

"engot mo talaga para baliwalain ang isang Bryan Mercado!" dugtong pa nya

"e wala nga akong nararamdaman para sa kanya! bakit ba kayo namimilit?"

"at sino naman ang gusto mo? yung joshua na yon?"

"its none of your business ate!"
nag-walk out ako at bumalik sa aking kwarto

sawang sawa na ko sa mga pangengealam nila..

e ano kung si joshua ang gusto ko? wala naman akong magagawa dun di ko kayang turuan ang puso ko

kung tutuusin sana nga si bryan nalang ang minahal ko atleast sa kanya siguradong mamahalin ako pero hindi talaga e. ang hirap diktahan ng puso lageng si joshua nalang kahit alam kong never nya akong magugustuhan

Joshua***
   Maaga palang nasa kapitbahay na kaagad tong si tomas

kaya maaga palang naperwisyo na nya kame

may nabubuong idea daw kasi sya.. kaya ayun nagtimpla na ng kusa ng kape nya at kinain nA ang almusal naming pandesal

"salamat sa almusal aling rosa ha, medjo nakakahiya nga sa inyo dito pa ko naki kain"
sabe nya habang puno ng Pagkain yung bunganga nya

aba may gana pa syang mahiya ah..

"sige lang kain ka lang jan ng kAin"sabe ni mama habang nagaayos sya para umalis na

"Sige po aling rosa kakain lang ako" hayy.. nahihiya pa sya sa lagay na yan

"o pano anak, aalis na ko kelangan kasi ako dun para tumulong magayos ng party nila"

hinalikan ako ni mama sa noo at umalis na

"ano ba yang naiisip mong plano ha?" agad kong tanong nang makaalis na si mama

"kasi ganito yun, naalala mo na may utang pa sayo si alfred di ba?"

"o ano naman yun?"

"magpapatulong tayo sa kanya sa pagse-set up ng lugar ng magiging date nyo ni dianna"

"anong date ang sinasabe mo jan? wala naman akong sinasabeng ganyan kay dianna!"

"natural, dahil sosorpresahin naten si dianna, at sa gabeng yun pwedeng pwede ka ng magtapat ng totoong nararamdaman  mo para kay dianna"

"pano kung pumalag si alfred?"

"di yun papalag lake kaya ng takot nun saken!"

Tinignan ko lang si tomas habang umiinom ng kape at sa twing lumalagok sya ng kape naaalala ko ang kakapalan ng mukha nya

"tuloy na tuloy na ba talaga to?" tanong ko

"tuloy na tuloy yan! alam mp na naman na hangad ko ang kaligayahan mo pare e!"

Sus nambola pa

"baka mamaya nyan namamakla ka na ha ako na ang gusto mo at hindi na si dianna!"

"sira ulo"

tumayo ako para ligpitin yung mesa kasama na rin yung iniinom nyang kape na may laman pa

"hoy may laman pa yang kape ko!! akin na yan! bastos ka talaga!"

hindi ko sya pinapakinggan at tuloy tuloy lang ako sa kusina

Dianna***
  May sariling parlor si lola sa loob ng hacienda dito sya nag-aayos kapag may nalalapit na mga party or event syang pupuntahan

kasalukuyan kaming narito nila lola marie at ate phen

"you know lola, bryan is so cute" sabe ni ate habang kinu-curly yung hair nya

"phenelopie? sino ba talaga ang may gusto kay bryan ikaw ba or si dianna?" tanong ni lola na nagpatawa sa akin

"lola naman! i like bryan for my little sister dianna!" paliwanag nya dahil akala nya totoo ng ganun ang inisip ni lola sa kanya , nagulat pa nga sya at muntik ng mapaso nung pang curly sa kanya e!

"and speaking of bryan, nakita nyo ba sya?"

tanong ni lola

"nagre-ready na rin po, nagbibihis na rin po sya" sabe nung isang katiwalang naroon

"wait, lahat tayo naka formal wear sa party mamaya? tanong ni ate phen

"oo iha, ayan ang napagkasunduan nating atire para sa party dba" sagot naman ni lola marie habang mini-make up-an sya

Maya-maya ay biglang lumapit sakin yung isang katulong na may dalang papel, pagkatapos ay ibinigay ito sa akin

"may nagpapabigay po nito mula sa labas!" sabe nung katulong, pagkatapos ay umalis na

"what's that?!"

Agad natanong ni ate phen, napakibit balikat naman ako dahil hindi ko alam kung kanino ba ito nanggaling

hindi pa tapos ang pagbi-braid sa buhok ko pero lumabas na ako agad ng parlor room para basahin yung nakasulat

nabasa ko kasi na galing ito kay joshua, ayokong ituloy ang pagbabasa sa loob dahil nanduon si ate phenelopie

"hi dianna
      magkita tayo mamayang 8 sa may tabi ng sapa, may importante akong sasabihin sayo
   please pumunta ka

                     -Joshua

Pagkabasa ko nito ay bigla akong kinabahan, ano naman kaya ang importanteng sasabihin nya?
tinignan ko yung orasan

alas 7  na pala.. magsisimula ang party ni lola ng alas 7:30, suguro'y 30minutes ay dadalo ako sa party pagkatapos ay pupuntahan ko na si joshua sa may tabe ng sapa ng bandang alas otso!

********
after 15 munites ay nakapagbihis na ko ng formal wear, naka red dress ako na mejo hapit sa may hips pagkatapos sa may paa nama'y simpleng doll shoes lang

ayoko rin kasi ng malaki ang wedge bukod sa mataas ito masyado ay masakit pa ito sa paa

sa pagbaba ko ng hagdan ay bigla kong nakasalubong si bryan

"are you ready for the party?" tanong nya

"yes!"

"ahmm .. napakaganda mo tonight dianna"

"thanks"

nginitian ko sya pero ang awkward lang dahil nakatitig talaga sya sa akin

"tara na'" sabe ko pagkatapos ay inalalayan na nya ako patungo sa may garden

Nang makarating na kami sa may garden, pinagmasdan ko ang buong paligid, maraming mayayaman mula sa iba't ibang lugar ang dumalo

marami talagang kaibigan si lola

nagsasayaw, nagkakainan , nagtatawanan at nagku-kwentuhan ang lahat

kaya nga mejo na-op ako dahil wala naman akong kakilala dito

si ate phen naman nanduon sa mga ka-age nya at nakikipag sosyalan , may mga kasama rin si bryan na mga lalake

hayy.. kaya eto ako sa kumakain nalang magisa

******

thanks...❤

My Girlfriend's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon