Chapter 20:

82 7 0
                                    

Dianna** 

   Haizzzz! nakakapagod ang araw na to, dumiretso ako agad sa aking kwarto pagkauwi ko ng bahay, di pa ako nakakapagbihis pero agad na kong humiga sa kama...

maya-maya pa'y di ko alam na nakatulog na pala ako

Kringg.... kringg...

Agad akong bumangon, sa gulat ko sa pagring ng aking phone napatayo ako sa aking higaan

OMGgg.. umaga na pala.. nakatulog na pala ako kagabe

hinanap ko yung phone ko sa may tabi ng higaan at binasa yung text message

si kuya fin pala ang nagtxt .. tinxt nya yung location ng art exhibit mamaya

teka.. mamaya??!!

hayyyy! ngayon na pala yun!!

*****

Pagkatapos kong maligo at magbihis, ready na ako para umalis

pero pagbaba ko sa may sala, nakita kon si bryan na nakaupo sa sopa

"andito ka pala, kanina ka pa?" tanong ko

"yayain sana kita kumain, but dont worry, it my treat!"
tumayo sya sa may sofa para lumapit sa akin

"salamat nalang, pero di pwede ngayon eh may pupuntahan pa kasi ako"

"san? hatid na kita"

"ok na, nanjan naman di kuya agapito"

"please"

Hayy pumayag na lang ako dahil alam ko na hahaba na naman tong usapan namen mangugulit lang sya

"sige na nga!" payag ko

*****
ilang oras ang lumipas nang makarating kame sa location ng art exhibit.

pagpasok namen doon, sinalubong kaagad kami ni kuya fin

"hi dianna mabuti at nakarating ka, ikaw din bryan!"

"oo kuya fin, di ba nga sabe ko sayo para sayo tutugtog ako"

"ok, feel free lang kayo dito ha,"
pagkatapos nun ay umAlis na sya

Ako naman ay tumingin muna sa mga paintings ganun din naman si bryan

Napakaganda ng mga painting dito, ang galing ng painter na gumawa ng mga ito

Biglang nagflash back sa utak ko si joshua, naalala ko habang pini-paint nya ako

siguro kung nakapag aral lang sya ng fine arts, ganito rin sya katagumpay sa painter ng mga paintings dito

"anong nangyayari sayo?"
tanong ni bryan

"ha? wala may naalala lang ako"

"sige kapag may naramdaman kang masama sabihin mo saken ha"

"ok!"

Ilang saglit pa'y tinawag na ko ni kuya fin para sa opening performance kaya pumunta na ko sa mini-stage para magperform ng piano

"let's give her around of applause"

Bago ako nag-start ay nagpalakpakan ang mga taong naroon

(piano from the song 'everyday i loved you')

Lahat sila ay tumahimik nang simulan ko ang pagtugtog

Lahat sila ay taimtim na pinapakinggan ang bawat nota sa pagtugtog ko

nakakakaba at nakakapreasure na baka magkamali at pagtawanan ka nila. itinigil ko na ito noon kaya kelangan kong  antayan ang sarili na baka magkamali

Ngunit... ewan ko kung nagkakamali na ba ako

nawawalan ako ng focus

bigla ko syang nakita samay audience, may hawak syang baso na may lamang wine at may kasamang ibang babae

si joshua ba tong nakikita ko? ibang iba na sya! makinis ang kanyang balat at iba na rin sya kung magsuot ng damit, pero may isang hindi nagbabago sa kanya parehas parin ng dati ang mga ngiti nya

pero bakit ganun? HINALIKAN NYA SA LABI YUNG KASAMA NYANG BABAE?!

hinde!! hindi yan si joshua! hindi yan gagaein ni joshua!!

Nakabalik lang ako sa focus nang biglang nagkamali ako ng isang nota

Lahat sila ay nagtinginan pati narin yung kamukha ni joshua at yung babaeng kasama nya

"im sorry"
sabe ko pagkatapos ay bumaba na ako ng mini-stage

"maraming salamat sa iyong napakagandang performance miss dianna sanchez!"

Mabilis naman nagpunta si kuya fin sa mini stage para maghost sa nasabing event

"ok ka lang ba?"
mabilis naman akong sinundan ni bryan papunta sa mini table sa may gilid

Sasagoy pa lang ako sa tanong ni bryan nang biglang magsalita si kuya fin
kaya natuon nalang ang atensyon namin no bryan sa kanya

"ladies and gentlemen, the man behind of all this successful painting, mr. joshua Billano!!"

kasabay ng palakpakan ng mga tao ay ang mabilis at paglakas ng tibok ng puso ko!

Habang papunta si joshua da mini stage, di ko maiwasang mapatayo sa kinauupuan ko

Nakatulala lang ako habang pinapanuod ko sya

"good afternoon sa inyong lahat ladies and gentlemen, welcome sa lahat ng dumalo sa aking art exhibit.
    5 years ago nang may makadiscover sa aking isang amerikano, sad to say nasa ibang bansa sya ngayon.
  pinag aral nya ako sa amerika. pagkatapos ay tinulungan nya akong maging tanyag sa larangan ng pagpipinta
   and now im here in the Philippines to give back what he gave to me! isang pasasalamat sa lahat ng mga ginawa nya para sa akin.
  i am planning to auction all the paintings that you saw here awhile ago and guess what, kalahati ng kikitain ko sa paintings, ay ido- donate ko sa church ni mr. fin cabral"

Nagulat si kuya fin sa sinabi ni joshua habang ang mga tao nama'y sabay sabay na nagpalakpakan

"let's go dianna"

sumunod na ko kay bryan para umuwi, di ko na rin kasi kaya ang laha ng nalaman ko tungkol kay joshua, isa pa biglang sumama na rin ang pakiramdam ko

******
Sa kwarto ko,

    nagpapahinga na ko sa aking higaan nang maalala ko na naman ang mga nangyari kanina sa exhibit,

ang laki na talaga ng pinagbago ni joshua , hindi na sya yung dating kaibigan ko sa probinsya

feeling ko napakalayo nya na para maabot ko

nag- succeed na talaga sya sa pagpi-paint.. masaya ako para sa kanya

pero....

hayyy.. sino kaya yung girl na hinalikan nya kanina?

Girlfriend nya kaya yon?

nakakalungkot meron na palang ibang nagpapatibok ng puso nya!

pero kung sa bagay di na nga dya maabot diba

bigla kong nahawakan yung unan ko sa may ulunan ko, basa ito dahil sa luhang pumatak sa mukha ko

di ko kasi mapigilan eh,
sumasakit yung dibdib ko na parang napupuno na ng luha at gusto ng magunahan para lumabas sa aking mga mata

ano ba naman kasi yan eh.. 5 years na ang nakakalipas pero bakit parang bumabalik sa kin yung feelings ko para sa kanya!!???

sabe ko habang itinataklob ko sa aking mukha yung pillow sa ulunan ko

******
thanks😄

My Girlfriend's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon