Chapter 24:

85 9 0
                                    

Dianna***

Gabi ng mga oras na to,
dinala nya ako sa condo unit nya at mabilis akong pinahiram ng towel at t shirt nya

"suotin mo to para di ka magkasakit!"

"salamat"

agad akong pumunta ng c.r para magpalit

hayy di ko inaasahan na mangyayari ito

pagkatapos kong magbihis nagpunta ako sa maliit na mesa para ilabas lahat ng gamit ko sa bag

basa kasi yung bag ko at kelangan patuyuin buti nalang gawa sa leather itong bag ko hindi masyadong basa yung mga gamit ko lalo na yung cell phone!

"tara na, let's eat baka nagugutom ka na"
tawag ni joshua sa may dining room

agad akong pumunta roon pagkatapos kong ilabas ang mga gamit ko sa bag

nakita kong may nakahaing mainit na sabaw sa mesa kaya umupo ako roon at inamoy amoy yung soup

"hmm!! ang bango lalo tuloy akong nagutom"

kumuha ako ng spoon para tikman yung sabaw

ngunit nang akmang titikman ko na ay mabilis na inilayo ni joshua yung soup sa akin at mabilis ding pinalitan ng ibang pagkain

"noodles?"
sabe ko nang makita ko kung anong pagkain yun

"noodles ang sayo, akin naman tong prawn soup, di ba bawala sayo to kaya di ka pwedeng kumsin nito!"

prawn soup pala yun tama sya, allergic nga pala ako sa hipon

teka nga,
bigla akong natigilan, pano nya nalaman na allergic ako sa hipon?

hindi naman nya alam yun diba

"o bakit di mo pa ginagalaw yang pagkain mo? mas gusto mo bang malamig na noodles?"

Umiling lang ako pagkatapos ay nagsimula ng kumain

"kamusta na si nay rosa?"
tanong ko habang hinihipan yung mainit na noodles

"ok naman sya, maganda na ang buhay nya sa amerika sinasama ko nga sya dito ayaw nya ng sumama"

natawa na lang ako bigla sa ikwinento nya

"talaga? haha, ang init kasi dito kaya nasarapan sa lamig ng amerika"

"oo nga, hindi na aircon ang gusto nyang ipabili saken, heater na!"

"nakakatuwa naman si nay rosa"

"e ikaw? kamusta ka na?"

"a-ako?"

nagtatakang tanong ko

Dahil for the first time tinanong nya ako kung kamusta na ako

"sino pa bang kausap ko"

"ok lang ako, masaya!"

"talaga ba? masaya ka sa pilingni bryan"

teka pano napasok sa usapan si bryan

Nagulat ako ng biglang tumayo si joshua sa upuan nya at bigla akong ikinulong sa kanyang dalawang bisig

nakadikit kasi sa pader yung upuan ko kaya naisandal nya yung dalawang kamay nya sa pader kung nasan ako naroon

mesa lang ang pagitan naming dalawa pero sobrang lapit ng kanyang mukha sa mukha ko

"sana kahit isang gabi lang mahiram kita kay bryan"

pilit akong umiiwas sa mukha nya..

ano bang nangyayari sa kanya?

"gusto ko ng umuwi!"

My Girlfriend's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon