Chapter 16:

72 7 0
                                    

Dianna***

  Kinabukasan, nagpahanda ako kay nay rosa ng pagkain para sa mga trabahador ng manggahan

syempre dahilan ko na rin yun para makapunta dun at mabisita si Joshua

Hanggang ngayon kasi hindi pa ako nakakahingi ng sorry sa kanya ngi hindi nga kasi ako kinakausap e

Nang mailagay na namin sa styro yung mga pagkain nagpunta kame agad duon sa manggahan kasama si kuya agapito

Pinapila ko lahat ng nagtatrabaho sa doon pagdating namen

"magandang umaga sa inyo, tara at kumain muna tayo!" sabe ko sa kanilang lahat

tinulungan naman ako ng ilang mga babae roon para magpamigay ng pagkain

"salamat maam dianna dito sa pagkain, nagabala pa talaga kayo" sabe nung isang babae na katabe ko

"wala yun, alam ko naman na pagod kayong lahat dito"

lahat ng nakapila ay binibigyan ko, kabilangna si joshua

"gusto ko lagi kang ngumingiti sana ngumiti ka naman" sabe ko sa kanya pagkabigay ko ng pagkain at bottled water

Pero bigla kaming natigilan pareho nang magtama yunv mga mata namin at maghawak ang mga kamay namin

parang may gusto syang sabihin na hindi ko alam

biglang lumakas yung tibok ng puso ko, ano bang nangyayari sa kin?

may gusto na nga ba ako sa kanya?

"salamat" sabe nya pagkatapos ay umalis na rin agad

******
"pwede po bang tumulong?" agad akong nagtanong dun sa isang nanay na namimitas ng mangga at inilalagay sa may basket

mababa lang yung punong pinagpipitasan nila kaya abot lang ito ng tao

meron naman gumagamit ng hagdan para makaakyat sa taas, pero syempre dito lang ako sa mababa

"naku maam dianna baka mapagod ka "

"gusto ko pong tumulong sana po pagbigyan nyo ako"

"sige po kung gusto nyo" pumayag din sya pagkatapos

kaya kumuha ako ng isang basket at nagsimula ng magpitas ng mangga

Joshua***

Medjo nakakapagod din pala itong trabaho nila tomas, kung makipagpalit na ulit kaya ako sa kanya?

papunta na ako sa may truck habang buhat ang isang basket na puno ng mangga nang bigla akong mapatingin kay dianna na tumutulong magpitAs ng mga mangga

Nang mga sandaling iyon, pakiramdam ko ay nagi-slow motion ang lahat

Nakatitig lang ako kay dianna habang ininda yung bigat ng buhat kong basket ng mangga

napakaganda nya talaga, habang namimitas sya ng mangga pagkatapos ay aamuyin nya ito, pagakatapos ay igugulong nya sa kanyang leeg para tignan kung makinis ba yung mangga pagkatapos ay biglang lilingon sa akin....

ngingitiian ako at kakawayan...

hayyy yung mga ngiti nya talaga ang nagpapatunaw sa akin

Pero nang mga sandaling iyon ay bigla akong natauhan

nakatingin na pala sya sa akin!!

tsss! agad kong itinuon yung tingin ko sa may truck kung saan ako pupunta!!

shet kasi eh, bakit ba kasi lumingon pa sya!!

*******

Dianna***
   Nang magdilim na, nagkaroon ng salo-salo ang mga tao dito sa manggahan

dinner na raw nila ito at ganito daw sila magbonding pagkatapos ng kanilang trabaho

nakiupo ako sa mahabang mesa nila at nakisali sa kanilang salo salo

Sakto naman na umupo si joshua sa kabilang gilid ng mesa na katapat ko

"kumain lang kayo maam dianna wag po kayong mahiya" sabe nung babae roon

"sige po"

binigyan nila ako ng kanin na may ulam na tinapa at ang plato ay dahon ng saging

"salamat po" sabe ko at ngumiti lang sila

nilibot ko ang mga mata ko at napansin kong hindi sila gumagamit ng utensil bale nagkakamay lang sila kaya ti-ry ko rin na magkamay
pagkatapos kong maghugas sa may tabo

masarap pala ang magkamay,

lahat ng tao roon ay may kanya kanyang kausap kaya mejo tahimik lang ako

napansin ko si joshua na kaharap ko na tahimik lang habang kumakain

pinagmasdan ko lang sya, hindi ko kasi makausap e wala kasi syang imik

"teka, kayong dalawa ba ay may LQ?"

biglang nagsalita yung katabi nyang matandang lalake habang umiinom ito ng alak

"umuwi na kayo mang domeng lasing na kayo!" sabe ni joshua sa kausap

"e bakit kasi hindi kayo nagpapansinan jan? kanina ko pa nahahalata yun e" sabe nung matanda na hindi pinansin yung sinabe ni joshua

"sige na tay, napaparami na yang inom nyo ng alak!"
muling sabi ni joshua

"e bakit ba kasi hindi ka nga namamansin?"

Di na ako nakatiis, naipukpok ko yung dalawa kong wrist doon sa mesa at nailakas ko pa yung boses ko na nagpatahimik sa lahat at nagbigay ng atensyon sa akin

"DAHIL HINDI KO GUSTONG NAKIKITA KA PA, AYOKO NG MAPALAPIT SAYO! KASI HABANG TUMATAGAL NAHUHULOG NA AnG DAM...."

bigla syang tumayo at sinigawan ako

pero sa bandang dulo na ng kanyang sinasabi ay bigla nyang pinutol yung sasabihin nya

Tssk.. AnO ba talaga ang problema nya

dahil doon ay bigla nalang syang umalis na

Nakatingin pa rin yung mga tao roon sa akin kaya nakayuko lamang ako dahil sa kahihiyan

di ko rin napigilan yung biglaang pagtulo ng mga luha ko

mabuti na lamang ay niyakap ako ng isang babae roon

******
Joshua***
 
    Bakit? bakit?

Nasuntok ko yung pader paguwi ng bahay

nakakaasar kasi!!

muntik ko ng masabi sa kanya yung nararamdaman ko!! ang tanga tanga ko talaga!!!

Umupo ako sa upuan namin habang sinasabunutan ang sarili

Maya-maya ay biglang dumating si mama na larang nag aalala nang makita ako

"nak bakit?"

bigla nya akong niyakap

at sa mga oras na yun napaiyak nalang ako

"_dahil ba to kay maam dianna?"

tanong nya na ikinabigla ko, paano nya nalaman to?

"nak, kilala kita alam ko at ramdam ko ang bawat nararamdaman mo, nanay mo ako eh"

"kahit anong pilit ko hindi ko sya makalimutan, lage syang nandyan sa isip ko, dito sa puso ko!" sabe ko habang pinapalo ko yung dibdib ko  manhid na to kaya di ko na nararamdaman n yung sakit ng palo ko

"lahat ng tao sa mundo ay may itinakda ang Diyos para mahalin kahit na magkaiba pa sila ng estado sa buhay kung para sayo, para sayo talaga kahit na marami pang humadlang , hinding hindi ka hahayaan ng Diyos na masaktan ng matagalan, malay mo sa huli makikita mo rin kung sino ba talaga ang itinalda ng Diyos para sayo"

Niyakap ako ng mahigpit ng nanay ko

alam nya talaga kung paano mababawasan ang sakit na nararamdaman ko

*********
❤❤❤

My Girlfriend's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon