Dianna***
Kakaibang araw ang sumalubong sa akin kinabukasan,
marami ng paintings ang nakapaskil sa loob ng coffee shop. sa katunayan ang ganda na ng shop namin
pero nakapagtataka dahil ngi hindi nga natuloy yung date namin ni joshua
sakatunayan di na nga iyon matutuloy e, pero nagawa parin nyang tuparin ang kasunduan namin
"good morning" aniko kay helena
pero hindi sya sumagot at parang iniiwasan nya ako
Ano kayang nangyari dun?
Baka tinotopak lang. di ko nalang pansininnagpatuloy nalang ako sa duty namin
hayy.. kahit na mukhang kakaiba ngayon si helena, kakaiba rin ang daloy ng mga costumers namin ngayon. padami na ito ng padami
mukhang effective nga yung mga paintings ni joshua sa shop namin
teka, galit pa ko sa kanya di ba! hindi ko pa sya kayang patawarin
naalala ko pa yung tungkol sa diary ko na matagal na palang nasa kanya. siguro nung time na binabasa nya yun ay pinagtatawanan nya ako dahil sa sobrang korny ko.
"helena, mukhang tahimik ka jan. kanina ka pa hindi kumikibo?"
napansin ko si helena na parang namumugto ang mga mata, hindi nya parin ako kinikibo. ano kayang problema nito?!
ang weird lang dahil dapat ngayon ay natutuwa sya dahil sa mga costumers na unti- unting dumadami
Hindi sumagot si helena sa tanong ko, tumayo lamang sya para i-assist yung dumating na costumer
hayy ang weird nya talaga ngayon parang hindi sya eh.. ano kayang problema nya? isipin Ko nalang na pagod na sya
Lumipas ang maghapon nang hindi ako kinikibo ni helena..
na-ilock na namin lahat-lahat yung coffee shop di parin nya ako pinapansin
"helena sabay na tayo umuwi hintayin na lang natin yung driver ko!"
pero imbis na sumagot ay inirapan nya lang ako. may nakain kaya tong ampalaya? o kaya apdo ng isda? mejo bitter ang asal nya ngayon e
"may problema ba tayo?"
"pwede ba, wag mo muna ako kausapin?!?! nakakairita ka na eh!! uuwi akong magisa hindi ko kelangan sumabay sayo kaya kung pwede lumayo ka sa akin"
na-shock ako sa inasta nya sa akin. as in natulala nalang ako habang umaalis sya palayo. ngayon lang nagkaganun si helena sa akin.
hindi ko alam kung bakit o may nagawa nga ba akong hindi maganda sa kanya
Wala talaga akong idea kung bakit sya galit..
hayy.. sa bandang huli napagdesisyonan ko na lang isipin na napagod lang sya sa maghapong duty namin
Helena**
Yan na naman tumutulo na naman itOng luha ko. nakakainis na dahil walang pinipiling lugar itong pagpatak ng luha ko. nasa gitna kaya ako ng daan. feeling ko tuloy pinagtitinginan ako ng mga tao
alam ko namang walang kasalanan si dianna sa mga nangyayari eh. ngi wala nga syang alam na nasasaktan ako ni bryan.
kayalang hindi ko mapigilan na sisihin sya sa pananakit ni bryan sa damdamin ko. ayokong mawalan ng kaibigan pero hindi ko kayang pigilan tong sarili ko na magalit.
Nakauwi na ako ng bahay after ng ilang munite na pagsakay ko ng taxi
"hi mom" bati ko sa mom ko na naglalaba
"oh, bakit ganyan ang itsura mo? kumain ka na ba?"
"pagod lang ako ma, mamaya na lang ako kakain papahinga lang muna ako"
"ok sige baba ka nalang mamaya"
Agad akong nagbihis ng damit pagdating ko sa room ko. after nun humiga na ako. sakto naman ang pagring ng phone ko
si bryan pala yung tumatawag nan silipin ko yung phone ko
ewan pero nagdadalawang isip akong sagutin itong tawag nya.
gusto kong sagutin kaya lang gusto ko na syan iwasan
sa huli ay napagdesisyonan ko na lang na patayin yung tawag nya.
pero ilang minuto ang nakakalipas ng tumunog muli yung phone ko. sya na naman kaya nagmadali ulit akong patayin ang tawag nya
hayy ganyan ba talaga kahirap kapag may iniiwasan kang tao?
"bakit hindi mo sinasagot yung tawag ko?"
binasa ko yung message nya nang bigla syang magtxt.
"hello po? kumain ka na ba? yayayain sana kitang kumain eh" muli syang nagtxt
"reply"
"reply"
hayy.. hindi ko sya nireplyan dahil ayoko kaya natulog na lang ako
****
Kinabukasan, ganun parin ang drama ko kay dianna. di ko parin sya pinapansin. pero sa totoo lang namimiss ko na sya, nahihiya lang talaga akong lumapit sa kanya eh
kay Bryan lang ako galit or sabihin na nagtatampo.
"good morning sir, welcome to Bright day coffee!" sabe ng marinig yung bell sa may pintuan
pero hindi pala costumer yunv pumasok, si brysn pala. umupo sya dun sa may table at nanghinge ng menu
at dahil nasa kitchen si dianna, napilitan akong i-assist sya. binigay ko yung menu sa kanya at inantay yung order nya
"i like 2 strawberry cakes and 2 chocolate coffee"
pagkasabe nya ay kinuha ko na agad ang kanyang order
after a munite ay nilagay ko na ito sa kanyang table.
akmang aalis na ako nang bigla nyang hinawakan yung kamay ko para pigilan ako sa paglalakad
"san ka pupunta? akala ko pa naman nagets mo kung bakiy tig dalawa ang in-order ko!"
"ha? syempre kakainin mo lahat ng yan" sambit ko
"mag usap naman tayo, pwede ka bang umupo muna"
"tungkol saan ba an paguusapan natin?"
"alam ko na galit ka sa ginawa kong pag iwan sayo sa may park last time"
"wag mo ng ibalik yung nangyaring yun, lalo lang akong naiinis!"
"kaya ko binabalik yun ay dahil gusto kong magsorry sayo, i swear na sincere ako sa mga sinasabe ko, di kasi ako makatulog sa konsensya eh"
ahh talaga? kino-konsensya ka pa pala. nakatahimik lang ako habang nagsasalita sya
napapaisip kung ia-accept ko ba yang apology nya. kung sa bagay ayoko na rin naman ng magalit.
hayy sige na nga papatawarin ko na sya. pero siguro hindi ko na lang rin bibigyan ng chance na maging close kame ulit
"ok. i forgive you na! "
"talaga? pinapatawad mo na ko?"
biglang lumiwanag ang mga mata nya nang patawarin ko sya..
"but, ayoko ng kakausapin mo pa ako ulit. ibalik natin yung dating hindi tayo close!"
"ano? e parang mas masahol pa yun sa hindi mo ko patawarin eh!"
"mas ok kung na lang tayo!"
tumayo ako sa table nya at bumalik sa counter. sakto naman ang pagdating ni dianna na nagulat pa nang makita su bryan
lumapit sya dito para kamustahin
ako nama ay pumunta na lamang sa may kitchen. nagseselos kasi ako sa kanila, iniisip ko na magmove on na lang kahit na alm kong hindi naman naging kami
*******
BINABASA MO ANG
My Girlfriend's Diary
RomancePrologue; Sa pagbabakasyon ni Dianna sa hacienda ng kanyang lola, ay nakilala niya si joshua , anak ng katulong nila.. Sa di inaasahang closeness ng dalawa ay nahulog na sila sa isa't isa ng di nila namamalayan ngunit paano nila aaminin sa isa't isa...