Chapter 8:

94 8 0
                                    

Dianna***

   Kinabukasan agad kong pinuntahan si joshua sa bahay nila,

Sakto naman na nagpapaapoy sya sa ulingan nila kaya nakiupo ako dun sa may kahoy na katabe nya

"hi joshua!"

Pero wala syang sinabe mukhang hindi nya ako pinapansin

"hmn joshua may dala akong biskwit para sayo"

inaabot ko sa kanya yung isang karton ng biskwit pero hindi nya ito kinukuha

"ano ba yan? suhol?"
tanong nya

"peace offering!"
sabe ko naman

kaya napatingin sya saken kaya medjo nagpacute ako bakasakaling madaan sa ganun para hindi na talaga sya magalit

"joshua sorry na!"

"e bakit kasi hindi mo man lang ako pinansin o pinuntahan man lang kahapon? nagmukha pa kong engot don kakatawag sayo"

"ah.. kasi.."
ano naman ang sasabihin ko?

"nasa study room kasi ako at may tinatapos kaya sorry kung hindi kita napuntahan"
pagsisinungaling ko

Hinintay ko syang sumagot pero pinagpatuloy lang nya ang ginagawa nyang pagpapaapoy

"sige na naman sorry na please! patawarin mo na ko"

this time sinandal ko na yung ulo ko sa balikat nya  habang nagpapa-cute at nanghihinge ng sorry

"tsss! sige na sige na, ano pa nga bang magagawa ko? e hindi naman kita matiis"
sabe nya, siguro ay nakulitan na rin sya sa akin

"talaga? as in bati na tayo?"
sabe ko habang nakangiti

"oo na"

"yehey bati na kami!!"

"pero akin na yang biskwit"
agad nyang inagaw yung karton ng biskwit sa kamay ko kaya medyo nagulat din ako, pero ok lang sa kanya naman talaga yun

Tinignan ko yung nagbabagang apoy na ginawa ni joshua sabay naisip ko na ang cool palang tumira dito sa probinsya, parang nagcacamping ka lang. ikaw na bahala magsiga ng apoy para sa kakainin mo, isama mo pa yung hangin na dumadampi sa pisngi mo, ang layo nito sa kabihasnang kinalakihan ko, sarap siguro tumira dito

"o, bakit tahimik ka? anong inisip mo jan?"
biglang nagtanong si joshua

"iniisip ko na parang ang saya mamuhay sa probinsya"

"ha! ha! ha!"
bigla syang tumawa pero hindi ko alam kung  bakit

"bakit? may nakakatawa ba sa sinabe ko?"

"alam mo baligtad naman tayo ng iniisip, ako naman gusto kong tumira sa maynila!"

"bakit naman?"

"kasi gusto kong makapag-aral at makatapos sa maynila, gusto kong maranasan kung paano mabuhay doon"

"talaga? maraming masasamang loob sa maynila"

"pero nandoon ang tunay na buhay"

"bakit fake ba ang buhay dito sa probinsya!? masarap ngang tumira dito kasi tahimik e"

"hayy nagsasawa na ko rito"

Bigla syang sumimangot, at bumato ng maliit na sanga sa may apoy, kaya saglit na katahimikan ang namayani sa gitna namen ni joshua

"oo nga pala dianna, salamat dito sa binigay mong biskwit ha" pagiiba nya sa usapan

"naku wala yun di ba nga peace offering ko sayo yan"

My Girlfriend's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon