Dianna**
ang hilig talaga magpa-surprise nitong si ate phen. wala talaga akong clue na darating sya ngayon
Sabay- sabay kaming nag lunch nina ate phen at joshua. tahimik lang kami haban kumakain.. ay mali pala.. si ate phen lang ang maingay na nagku-kwento about sa experients nya sa ibang bansa
sya lang rin yung tawa n tawa.. minsan nakikitawa rin kami ni joshua pero kadalasan sya lang yung natatawa sa mga kwento nya
"so, how about you joshua? magkwento ka naman sa mga experiences mo and kung pano mo ka naging isang sikat na painters!"
biglang na-corner ni ate phen si joshua
si ate talaga kahit kelan!!
samantala nagkwento naman si joshua kay ate phen
"oh, talaga? napakaswerte mo naman!" sabe ni ate na nakasandal pa yung chin nya sa palad nya
"hindi yun dahil sa swerte ate, dahil yon sa sipag, tyaga at galing ni joshua" sabe ko kay ate habang nililipat ang tingin kay joshua
"edi sabihin na natin na ang galing mo naman joshua dahil nagawa mong magtagumpay
Nginitian lang ni joshua si ate saka sya nagpasalamat
"e gaano ka na ba nanliligaw sa kapatid ko?"
"matagal-tagal na po ate!" mabilis kong sagot. kasi naman baka sabihin ni joshua na kahapon lang sya nag-start na manligaw sakin which is.. totoo naman
"ah.. ok.. ikaw naman dianna kelan mo naman sasagutin itong si joshua?"
this time ako naman ang tinanong.. tsss... si ate talaga ang daming tanong, sya kaya ang ang tadtarin ko ng mga tanong!!
"ate! i dont know!" sambit ko ng may tonong pananaway sa kanya
"naku! magpapakipot ka ba dianna? e halata naman na gusto nyo ang isa't isa!"
nabitawan ko yung spoon ko nang biglang sabihin yon ni ate at napatingin nalang kay joshua na sekretong nags-smile.. tss.. halata naman
"ate ano ba? nakakahiya?"
"why? may nakakahiya ba sa love?"
Hindi na ko sumagot, nonsense kung makikipagtalo pa ko sa ate ko, besides kakarating lang nya at dapat ay pinagpapasensyahan ko nalang sya
ilang minuto ang lumipas ay natapos din ang lunch namin na sobrang nagpainit sa akin sa upuan dahil kay ate.. ang kulit at ang daldal nya kasi.
****
Naglakad-lakad muna kami ni joshua after ng launch. mainam daw ito pampababa ng kinain. samantala si ate phen naman ay nagbeauty rest na pagod daw kasi sya sa byahe. mukhang may jetlag pa ata.."pagpasensyahan mo na si ate phen sa pagiging pranka nya ha. pero du rin magtatagal masasanay ka rin don!" sambit ko kay joshua
"oo nga e kelangan kong sanayin ang sarili ko sa kanya, alam ko naman na malapit ko na syang maging sister in law diba!"
"haha, ikaw talaga ang hilig mo rin magbiro"
"di kaya ako nagbibiro? tignan mo nga tong mukha ko kung may nakita kang seryosong mukha na nagbibiro?"
tinuro-turo pa nya yung mukha nya para lang mapatunayan na di nga sya nagbibiro
"sige na.. sige na!!" pagsu-surender ko sa kanya
ilang minuto pa ang nakakalipas ay biglang tumahimik na kaming muli
"o anong iniisip mo jan?"
biglaang tanong ko
BINABASA MO ANG
My Girlfriend's Diary
RomancePrologue; Sa pagbabakasyon ni Dianna sa hacienda ng kanyang lola, ay nakilala niya si joshua , anak ng katulong nila.. Sa di inaasahang closeness ng dalawa ay nahulog na sila sa isa't isa ng di nila namamalayan ngunit paano nila aaminin sa isa't isa...