Dianna***
"helena?" tawag ko sa kanya na parang bisi sa kakapunas sa mga tables ng shop
Hinintay ko syang magsalita pero ni isa ay wala akong narinig
"sorry kung naging dahilan ako ng conflict ninyo ni Bryan, di ko alam na may something na pala kayong dalawa"
bigla syang huminto sa pagpunas ng tables. naka-stay lang sya sa dati nyang pwesto at hindi gumagalaw
alam ko na kahit hindi ko nakikita ang mukha nya, alam kong umiiyak sya
dahil sa sinabi kong yon ay napayuko na lamang ako
"im sorry din best!" sambit nya na ikinagulat ko.
napatingin ako sa kanya na unti-unting lumalapit sa akin. nang magtagumpay sya ay bigla na lamang nya akong niyakap
"bakit ka nagsosorry?" tanong ko habang nakayakap parin sya
"e kasi nasungitan kita nitong mga nagdaang araw"
Sabe naman nya habang tinatanggal ang pagkakayakap nya sa akin
"wala na yon. ok na"
"thank you best"
muli ay mabilis na naman nya akong niyakap
"teka nga, nagiging close na pala kayo ni bryan, hindi ko pa alam!"
"e pano lage kang bisi jan sa joshua mo!"
"hindi ah.. hindi ka nagku-kwento jan"
"wag na, masyadong awkward"
"hay na ko parang di mo naman ako bestfriend sige na magkwento ka na!"
Pinilit kong magkwento si helena tungkol sa kanila ni bryan and after an hour ay nagsidatinan na yung mga costumers
grabe pala dahil ako ang dahilan kung bakit sila naging close. pero infairness perfect pair sila
Grabe lang kasi kalahati palang ng araw pero pagod na kami ni helena dito sa coffee shop. padami kasi ng padami yung mga costumers namin. mukhang kelangan na naming maghire ng mga applicant para makatulong namin dito ni helena
*****
Bisi kami sa paga-assist ng mga costumers ni helena nang biglang dumating si bryan na may dalang mga flowers
para kay helena siguro
"bakit may dala kang bulakalak? ang daming tao dito baka kung anong sabihin nila!" pagaalala ni helena nang makalapit sa kanya si bryan
"e ano naman kung may masabi silan masama?! wala akong paki dun dahil mahal kita"
"loko ka!"
"oo naloloko na ko sayo! wala na kong paki alam kung galit ka sa akin, basta ang gusto ko lang malaman ngayon kung gusto mo rin ba ako o hindi!"
"pwede bang mamaya na tayo magusap!"
"hindi, gusto ko ngayon!"
Biglang pumunta sa gitna si Bryan at nagsalita ng malakas. tama lang para makakuha ng atensyon sa mga costumers
"alam nyo ba guys, mahal na mahal ko an babaeng yun!"
sabay turo nya kay helena na halatang napapahiya sa ginagawa ni bryan
samantala, nakangiti naman lahat ng costumers namin ng mapalingon sila kay helena
ako naman ay natatawa at kinikilig sa kanilang dalawa
"kayalang po, galit sya sa akin. ayaw nya parin akong patawarin" pagpapatuloy ni bryan
"ano ba miss, patawarin mo na yung boyfriend mo kawawa naman!" sigaw nung isang lalaking costumers

BINABASA MO ANG
My Girlfriend's Diary
RomancePrologue; Sa pagbabakasyon ni Dianna sa hacienda ng kanyang lola, ay nakilala niya si joshua , anak ng katulong nila.. Sa di inaasahang closeness ng dalawa ay nahulog na sila sa isa't isa ng di nila namamalayan ngunit paano nila aaminin sa isa't isa...