Dianna**
"dianna"
nagulat ako nang marinig ko ang boses ni joshua na tinawag ang pangalan ko
akala ko'y wala na sya kanina, pero nandito pa rin
napalingon ako para siguraduhin kung siya nga ito! sya nga yun. gusto kong umiwas sa kanya pero paano?
akmang tatakbo na ko ngunit agad nyan hinawakan ang aking mga kamay. sinikap kong pumiglas dito pero sobrang lakas nya!
maya-maya pay bigla syang yumakap sa likoran ko! ramdam ko ang init ng hininga nya sa batok ko habang mahigpit nya akong yakap. ewan ko pero ayaw ng gumalaw ng katawan ko parang gusto kong ganun nalang kami habang buhay.. eto yung palaging hinahanap hanap ko eh!
"bakit ka ba kasi umiiwas? pwede bang wag mo na kong iwasan?"
bigla syang nagsalita. at sa simpleng salita na yun ay biglang kumirot ang puso ko
"bakit ka ba ganyan? di ba iiwan mo naman ako?"
"hindi ko naman magagawang iwan ka eh! mahal na mahal kita kaya pwede ba naman kitang iwan ng basta!"
napa-ayos ako ng tayo at humarap sa kanya. this time nawala na ang pagkakayakap nya sa akin
"anong ibig mong sabihin?"
tanong ko na may pagtataka. hindi na kaya sya aalis?hindi nya sinagot yung tanong ko, bagkus ay may kinuha sya sa bulsa nya at pinakita nya ito sa akin
napatakip ako sa aking bibig dahil sa gulat. pinakita nya sa akin yung hawak nyang maliit na box na kulay pula
binuksan nya ito at kinuha yung laman
isang singsing! ano ba to? bakit bigla akong kinabahan?
Hindi kaya....
Bigla syang lumuhod sa harapan ko at kinuha ang aking kamay
"dianna! will you marry me?"
Yung kaba ko kanina'y napalitan ng tuwa at pag iyak
totoo ba to? totoo bang nagpo-propose sya sa akin??
"yes joshua! i will marry you!"
ngumiti sya at napahinga ng malalim pagkatapos nyang ilagay sa kamay ko yung singsing..
Niyakap nya ako ng mahigpit at pagkatapos ay Hinalikan nya ko sa labi..
Oh my Gaddd.. first time nya kong hinalikan... matagal... halik na sobrang sarap.. ang lambot ng kanyang labi na parang nakaka-addict na
mayamaya ay namalayan ko na lang na itinigil na pala nya ang paghalik sa akin..
nakakabitin...
"dianna please sumama ka sa akin sa amerika! dun tayo gagawa ng pamilya kasama si mama, please!"
"si-sige! kahit saan ka pumunta nadun ako kasi mahal kita joshua"
Tama! sasama ako sa kanya sa amerika. ayoko ng mawala pa sya sa akin. kaya hindi na ako nagdalawang isip pa sa sinabe nya
"after natin magpakasal, aalis na tayo agad-agad" hinawakan nya ang kamay ko habang sinasabi nya to sa akin ng mata sa mata
muli ay hinawakan nyang ang magkabilaang pisngi ko
"i love you dianna!"
"i love you too, joshua"
at sa pangalawang pagkakataon..
he kiss me again,
*****
After 2 months

BINABASA MO ANG
My Girlfriend's Diary
RomancePrologue; Sa pagbabakasyon ni Dianna sa hacienda ng kanyang lola, ay nakilala niya si joshua , anak ng katulong nila.. Sa di inaasahang closeness ng dalawa ay nahulog na sila sa isa't isa ng di nila namamalayan ngunit paano nila aaminin sa isa't isa...