Joshua**
nagsimula na syang maglakad palayo sa akin. pero pasekreto ko syang sinundan,
nag aalala ako sa kanya baka kung anong mangyaring masama sa kanya hindi yun kakayanin ng konsensya at puso ko
Nakita ko syang umiiyak. pinagmamasdan ko lang sya dahil magagalit sya paglumapit pa ko at lalo lang syang lumayo
nadudurog ang puso ko habang nakikita syang nagkakaganyan kung sana ay hinayaan nalang nya akong magpaliwanag ng maayos eh!!
HelenA**
magkahawak ang kamay namin ni bryan habang kaharap si mama..
Sasabihin na namin sa kanya ang sekreto namin dalawa ni bryan
Alam ko sa sarili ko na merong kaba pa rin akong nararamdaman. at maraming thoughts ang bigla- biglang pumapasok sa utak ko.
paano kung pagtabuyan nya ako at itakwil bilang anak nya. ready or not kelangan namin itong sabihin sa kanya
Hinigpitan ni bryan ang pagkakahawak nya sa kamay ko at nagsmile sa akin. hindi man nya sabihin sa akin pero nagpapahiwatig syA na kaya namin to
"ma, im sorry dahil sinira ko ang tiwala ninyo!"sambit ko dahil ayokong tignan ang reaktyon nya. isa pa napapaiyak na rin ako sa magkakahalong emosyon na hindi ko na alam i-figure out isa-isa
"ano bang problema helena?" tanong ni mama
"im pregnant!" sambit ko nang ganun parin ang ayos namin
si mama naman ay halatang nabigla sa sinabi ko. hindi ko sya nararamdaman gumalaw. ngi hindi ko rin naman sya naririnig na magsalita
"i promise tita, im here for helena. hindi ko po sya iiwan. papananagutan ko pa sya"
narinig ko nalang na nagsalita si bryan
"ok! if that's all, pwede ka ng magpahinga helena para di makasama sa baby!"
napalingon ako kay mama, yun lang ba ang sasabihin nya? nasan na yung sermon? yung sigawan moment? yung iyakan moment? hindi nya ba ko palalayasin dito?
"ma, hindi ka galit?" agad kong tanong
"bakit naman ako magagalit? anak kita! anak ko na kayo! mahal ko kayong mga anak ko at dapat iniintindi ko kayo"
niyakap kaming dalawa ni mama. sa totoo lang di ko parin mapigilan itong pagiyak ko"thanks ma"
"thanks tita" magkasabay naming sambit ni bryan"Tulong-tulong tayo para mabuhay yung baby ha! tulong tulong sa hirap at tyaga"
marami pang sinabi si mama about sa pagaalaga ng baby sa sinapupunan. maswerte talaga ako dahil napakabait ni mama. gusto kong maging kagaya nya kapag nailabas ko tong si baby. sya ang idol ko....
******
Dianna**Nagri-ring yung phone ko kanina pa. pero imbis na sagutin ito ay tumatalikod ako sa pagkakahiga ko!
Basang basa ng mga luha ang mukha ko at parang nanghihina ako kapag tumatayo ako.
sa twing maiisip ko na iiwan lang pala ako ni joshua hindi ko kinakaya yung damdamin ko. nasasaktan ako. kung pwede nga ayoko syang umalis
maya-maya ay may kumatok sa kwarto ko. narinig ko si ate na biglang nagsalita
"dianna, labas ka na jan! kanina pa kita inaantay na kumain"
"busog pa ko!"
sigaw ko sa kanya. isa la tong si ate phen. aalis na rin to bukas. lahat nalang sila aalis. lahat sila iiwan ako!
napahawak ako sa aking ulo, nanakit na ito bunga ng matagal na pagiyak ko
kinuha ko yung phone ko at tinignan ito..
30 missed call from joshua
Bakit ba kasi sya tawag ng tawag? alam naman nyang aalis na sya di ba?! ibig sabihin walang ng sense para magusap pa kami!
bwisit lang!!
****
Kinabukasan, ginawa ko nalang bisi ang sarili sa coffee shop para di ko na maalala pa si joshua"uy best!" tawag sakin ni helena nang pumasok sya dito sa kitchen at nilapag yung hugasan na cup sa may tray
"uhmm?" walang gana kong sagot
"ok na kay mama yung tungkol sa pagbubuntis ko!" sandali kong sinilip yung expression nya.. naka- smile na sya kaya minabuti ko nalang tapusin itong ginagawa ko sa loptop ko
"mabuti naman!" yun lang ang sagot ko
"o? parang di ka masaya para sa akin!"
"masaya ako maniwala ka!"
"parang di talaga eh! may problema ba?
"wala noh!" mejo napasigaw ako nung sabihin ko yun ang kulit kasi tanong ng tanong
"o eh bakit depensive ka? simpleng tanong lang naman yun! jan ka na nga may aasikasuhin pa kong costumers sa labas!"
lumabas na nga sya sa may kitchen, pero ilang segundo ay bigla nalang syang bumalik
"uy best! nanjan sa labas si joshua, hinahanap ka!" sambit nya na may excited na tono
"sabihin mo wala ako!" iritable kong sabi sa kanya
"ha?! pero bakit? nag away ba kayo?" agad nyang tanong
"basta! sundin mo nalang ako!"
"naku may problema nga kayo, kayapala nagkakaganyan ka kanina!"
lumabas na si helena, siguro ay susundin na rin nya ako
Joshua**
" wala sya dito joshua eh, di ko alam kung nasan sya. kanina ko pa nga sya tinatawagan eh" sambit ni helena.
pero ramdam kong nagsisinungaling sya dahil hindi sya makatingin ng deretdo sa akin
"ahh.. ganun ba? sige pupuntahan ko nalang sya sa kanila!"
sinakyan ko nalang ang pagsisinungaling ni helena at lumabas na ko ng coffee shop
sumakay ako sa kotse ko at nagpunta sa may park.. alam ko kasing madadaan ito mamaya ni dianna paguuwi na sya
umupo ako dun sa may bench at agad na inilagay sa may tenga ang headset ko para hindi ako maboring. maya-maya pa kasi ang labas nya
****
ilang oras an lumipas ay sa wakas nakita ko rin na dumaan na si dianna
"dianna!" sigaw ko sa kanya nang makita ko sya sa may highway na paran may hinihintay
malamang na si kuya agapito ang inaantay nya
"dianna!" muli kong sambit nang hindi nya ako marinig
kaya minabuti ko na lumapit na sa kanya
"dianna!" sa pangantlong tawag ko'y lumingon na sya dahil nasa may likod na nya ako.
bakas sa mukha nya an pagkagulat ng makita nya ako sa likuran nya. ang akala nya siguro kanina'y nakauwi na ko nang sabihin ni helena sa akin na hindi sya pumasok
pero ilang segundo ang lumipas nang bigla sya tumakbo, pero dahil sa mabilis ako'y nahawakan ko sya sa kanyang mga kamay kaya napigilan ko syang makalayo..
********
Hayyy.. ang sarap palang makatapos ng kwento dito sa wattpad kahit konti lang readers ko.. hehe!!
May last chapter pa..
BINABASA MO ANG
My Girlfriend's Diary
RomancePrologue; Sa pagbabakasyon ni Dianna sa hacienda ng kanyang lola, ay nakilala niya si joshua , anak ng katulong nila.. Sa di inaasahang closeness ng dalawa ay nahulog na sila sa isa't isa ng di nila namamalayan ngunit paano nila aaminin sa isa't isa...