Dianna***
**dingdong***
Napababa ako sa hagdan ng may narinig akong nagdoorbell
ako sana ang magbubukas ng pinto dahil baka si joshua yung dumating pero naunahan ako ni yaya sa pag bukas.
buti nalang, thanks God dahil iba yung nagdoorbell
"delivery po, para kay miss dianna!"
"para saken?"
nagtataka naman ako habang lumalapit yung lalakeng may dalang malaking parang square na nakabalot sa manila paper
kinuha ni yaya yung square na yun, ako naman ay pinirmahan yung papel na hawak nya.
tulong-tulong naming inakyat yung malaking square sa may kwarto ko, at nang makarating na kami roon ay agad ko na itong binuksan
napahawak nalang ako sa bibig ko na nakanganga
ito yung portrait na pinaint sa akin noon ni joshua sa zambalez. natapos na pala nya ito..
hinawakan ko yung paintings kung totoo bang nasa akin na to ngayon. di kasi ako makapaniwala na after 5 years ay ibibigay nya rin ito sa akin
dahil malaki naman sya ay pinatong ko na lamang ito sa may gilid ng kwarto ko..
umupo ako sa may tapat nito at pinagmasdan lang yung portrait ko.. ang galing nya talaga magpaint kamukhang-kamukha ko yung nasa larawan
**kriiing**
.
.
sinagot ko yung phone ko nang mabasa ko kung sino ba yung tumatawag"nagustuhan mo ba yung paintings?! " tanong ni joshua sa kabilang linya
"hindi eh.. kasi.. gustong gusto ko!!"
"ha ha! pinakaba mo ko akala ko hindi mo nagustuhan!"
"thank you dito ha, akala ko wala ka ng balak ibigay sakin to eh"
"ang totoo nyan, wala talaga pero napagisip-isip ko na nasa akin ka na kaya hindi ko na kelangan yan!"
natawa aki sa kanya ang hilig nya kasi akong pakiligin eh
sa gitna ng paguusap namin ay may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko
"little sis, can i come in?"
biglang nagsalita si ate sa kabilang pinto kaya nagpa alam na ko kay joshua at pinatay yung phone"ok ate phen bukas yan pwede kang pumasok!"
sigaw ko rinlumapit si ate phen sa akin nang makapasok na sya sa kwarto ko tumabi sya sa akin at ginaya ang indian seat ko
"ang ganda naman ng paintings nato si joshua ba an gumawa?" tanong nya
"yes ate phen!"
"so, may dapat ka bang aminin sakin?"
Hindi sya nakatingin sa akin habang nagtatanong sya, marahil ay alam na nya yung tungkol sa amin ni joshua
"opo ate, boyfriend ko na po sya!"
"talaga? im happy for you"
tinanggal na nya ang pagtingin sa painting pero di parin sya nakatingin sa akin. this time sa ibaba na pala sys nakatingin
kaya pala di sya makatingin ay dahil umiiyak na pala sya
"what's the problem ate?"
"wala ha! tears of joy to oh? di ba nga sabe ko happy ako para sa inyong dalawa ni joshua!"
"hay nako si ate.. nagka-boyfriend lang ako.. di naman ako magpapakasal!"
pinunasan nya yung mga luha nya at nagsmile sa akin
BINABASA MO ANG
My Girlfriend's Diary
Roman d'amourPrologue; Sa pagbabakasyon ni Dianna sa hacienda ng kanyang lola, ay nakilala niya si joshua , anak ng katulong nila.. Sa di inaasahang closeness ng dalawa ay nahulog na sila sa isa't isa ng di nila namamalayan ngunit paano nila aaminin sa isa't isa...