chapter 3:

189 18 6
                                    

joshua**
"wala akong pakealam kung sino ang naghamon! ang ikinagagagalit ko, kung bakit mo inilaban sa karera si oliver?! paano kun mapilayan o magkasakit yan? ang malala pa hindi ka pa nagpaalam sa ken!!"

pasigaw na sermon ni mang agustin sa aken

ako nama'y nakayuko lamang habang pinapakinggan ang walang kamatayang boses ng matandang lalake

"hindi nyo rin kaso ako papayagan-----"
Sabat ko di na kasi ako makatiis sumagot pero hindi nya ito pinansin kaya di ko na rin natapos ang sasabihin ko

"natural joshua!! hindi ako papayag, lalo na't alam kong madidisgrasya lang si oliver sa mga kamay mo!"
Sabe pa nya

"ano na naman bang pinagtatalunan nyo jan?

Napatigil si mang agustin sa pagsasalita at parehas pa kaming napalingon sa likod ko kung saan nanggagaling ang kanina'y nagsalita

Si mama rosa pala, habang lumalapit sya saken.

"ibalato nyo nalang sakin tong anak ko mang agustin "
sabe ni mama

"Hayyy! sige kayo nalang bahala jan kay Joshua!! naku halos hihimatayin na ko sa tigas ng ulo ng batang to!"

nginitian ni mama si mang agustin pagkatapos ay bigla na lamang umalis ang huli

pagkatapos ng lahat, lumapit na si mama sa kinaroroonan ko si mama kasama ang isang magandang babae

Ay mali pala......

Isang magandang- magandang babae!!

Nakatitig lang ako sa kanya habang papunta sila sa derektyon ko,

Sa mga oras na to, halos magblanko ang utak ko,
di ko alam kung paano sya babatiin o anong kilos ang dapat kong unahin

"ikaw talagang bata ka, pasaway ka talaga!! masyado mong pinapataas ang presyon ni mang agustin!"

Di na ko nakasagot kay mama.. nakatitig kasi ako sa babaeng katabe nya, mukha syang mayaman at elegante

"Oo nga pala, kasama ko si maam dianna , mukhang atat ka ng makilala ang magandang dilag na kasama ko"
Sabe ni mama na mukhang nahalata sa pagtitig ko dun sa magandang babae

"ha?"
Maang na responde ko kay mama, napangiti naman yung magandang babae pagkatapos nun

"maam dianna, sya ho si joshua, ang aking pasaway na anak.
pero mabait yan"
pakilala ni mama sa akin

"hi, im Dianna nice meeting you"
sabe ng magandang babae pagkatapos nyang ilahad ang kanyang kamay para makipag- shake hand
"masaya rin ho akong makilala kayo"
maputi , makinis at mukhang malinis ang mga kamay ni maam dianna, nakakahiya naman kung madumihan ko ito kaya ipinunas ko muna sa pantalon ko yung mga kamay ko bago makipagshake hand sa kanya

ngumiti sya pagkatapos nun

Ang ganda nya talaga!!....

Dianna**
"apo sya ni madam marie, at nagbakasyon sya dito para magpahinga at makalanghap ng sariwang hangin, ako ang inatasan na maging personal maid ni maam dianna"
pahayag ni nay rosa pagkatapos namen magshake hands ni joshua

nakangiti lamang ako kay joshua nang mga oras na yun, di kasi ako makapaniwala na anak pala ni nay rosa ang lalakeng nagbigay ng kakaibang spark sa damdamin ko

"Siguro kay madam marie ka nagmana kasi parehas kayong mabait"
bigla akong natawa sa sinabe ni joshua

haha!

"ikaw ha mahilig ka palang mambola!"sabe ko

"hindi naman ako nambobola eh, totoo yun" sagot nya

"hala-hala, tama na ang bolahan nyo jan, joshua gusto kong ipasyal mo si maam dianna sa buong hacienda, para naman hindi sya maboring dito"
Singit ni nay rosa

"talaga? ngayon na ba? sige sandali lang magpapalit lang ako ng t-shirt"
bakas sa mukha ni joshua ang excitement nya habng nagmamadaling pumasok sa isang kubo malapit sa amin

********
Dalawa nalang kame ni joshua habang naglalakad,
may iba rin kasing gagawin si nay rosa

"ahh, maam dianna, ganyan po ba talaga sa maynila kapag namamasyal ang mga tao?"
Tanong nya

"Ha?! bakit naman?"

"mataas po kasi yung takong ng sandalyas nyo eh baka kasi sumakit yung paa nyo"

Napatingin ako sa paa ko di na pala ako nakapagpalit ng sandals, ito kasi yung nasuot ko nung pumunta kame ni nay rosa sa may animal farm at hindi ko rin alam na mamasyal pala kame,,

"okz na okz lang to, kaya kong maglakad ng malayo kahit na ka heels, wag mo na kong alalahanin"
pagsisinungaling ko pero sa totoo lang masakit na yung paa ko,, binabalewala ko lang sya
ngumiti lang ako sa kanya at nagpatuloy maglakad,, agad naman din na syang sumunod saken

Ilang minuto ang nakalipas
ay napadpad kami sa may taniman ng mga mangga
malawak at maraming puno ng mangga , talagang sagana ang mga tao rito

"Uy!!"
sigaw ni joshua para pansinin sya ng mga nagtatrabaho doon

"nice one joshua, ang ganda naman ng kasama mong babae ha, yan na ba ang girlfriend mo?" tanong nung isang lalakeng nagbubuhat ng isang basket ng mangga

"tumigil ka nga jan tomas, nakakahiya kay maam dianna, apo sya ni madam marie kaya wag kang magbiro ng ganyan" Saway ni joshua sa lalake

Nang marinig ng lahat ang sinabe ni joshua,lahat sila ay nagulat at nagmadaling yumuki para magbigay galang sa akin

"naku wag kayong magaalala, ok lang yun,sige na wag na kayong yumuko!'"
sabe ko habang winawasiwas at nginingitian ang lahat ng tao

"ituring nyo kong katulad nyo, yun bang kaparehas nyo, medjo awkward kasi kung ituturing nyo akong prinsesa"
Lahat sila ay ngumiti pagkatapos

"naku ang bait nyo naman po maam dianna "
sabe nung isang nanay sa kanila

"di naman nakakagulat na mabait di maam dianna, dahil mabait din si madam marie at ang ama nyang si sir fernando"
sabe naman nung isa pang lalake

"pamilya sila ng mga mababaet" sabe naman nung isa pang lalake

"naku,,, tama na ang kwentuhan, halika maam dianna, tikman nyo ang pinagmamalaki ng mga taga-zambalez dito, ang mangga, masustantya na at siguradong mapapa-wow ka pa sa sarap"
sabe nung isang babaeng humihila sakin papunta sa mahabang mesa

"pili ka,, may hinog at may hilaw din"sabe pa nito nang makaupo na kame ni joshua sa mesa

"bigyan nyo sya ng hinog baka ayaw nya ng hilaw"
suggest ni joshua

"paborito ko ang hilaw na mangga" sabe ko agad

Agad kong tinikman yung mangga,, at totoo ngang napakasarap nito matamis yung hinog habang maasim naman yung hilaw

"kuya joshua, pwede magtanong? halimbawa ka-level naten si maam dianna at hindi rin sya anak mayaman,, liligawan mo ba sya?"
tanong nung isang dalagitang nasa harapan namen

at dahil sa tanong nito, naduwal ni joshua ang kinakain nya
lahat ay nagtawanan nang mapansin sya

"ano bang klaseng tanong yan dorina?! nakakabigla ka!""
sabe ni joshua nang makainom na sya ng tubig

"tanong ng isang curious"
sabe ng dalagita

"kung ka-level natin sya,, bakit hindi" sagot ni joshua habang nakatingin sya saken,,
medjo kumabog yung puso ko sa sinabe nya.. ewan pero kinikilig ako, pero syempre kelangan ko yun itago para di ako mahalata

"e kaso hindi naman. mayaman sya at tayo ay trabahador lang ng hacienda nila" pinag patuloy nya yung sinabe nya kaya mejo nagbago rin ang feeling ko, nakakadisaappoint dahil hadlang ang estado namen sa isatisa

Magsasalita pa sana ang dalagita ngunit agad na syang pinigilan ni joshua

"last mo na yan ha!! sige na at mauuna na kame" sabay tayo ni joshua at hila sa kamay ko para mapatayo rin ako

My Girlfriend's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon