Chapter 11

628K 17.3K 4.2K
                                    

Chapter 11


Bakit sa dami ng tao sa hotel na ito ay siya pa ang nakasakay sa elevator na 'yon? Talaga bang nananadya ang pagkakataon sa akin?

Pwede ko naman siyang makasalubong na lang? Bakit kailangan pang ang halikang 'yon ang bumungad sa akin?


And for all the scenes, those lips..fuck!

Bakit hindi mawala wala sa isip ko ang binti ng babaeng nakapulupot sa kanya..? Bakit hindi matanggal sa isip ko ang mga kamay ng babaeng 'yon sa buhok niya..? Bakit naiirita akong makita ang kamay niya sa balat ng babaeng 'yon?


"Florence.."

Natauhan ang isip ko nang narinig ko ang boses ni Ashong.

Nasa lamesa na kami ngayon at kumakain, hindi muna kami lumapit kay Kuya Nik at sa kambal dahil sa dami ng taong lumalapit sa kanila para bumati. Hindi ko kailangang makipagsisikan para sa pagbati sa mga pamangkin ko tutal naman ay napakahaba ng oras, marami pa akong pagkakataon.


"Are you okay?" nag aalalang tanong niya sa akin. Pinilit kong ngumiti sa kanya.


"Ofcourse, I'm good. May naalala lang ako.." pinagpatuloy ko na lang ang pagkain kahit wala na akong malasahan.


"I hope it's not from the past.." muli kong inangat ang tingin ko sa kanya. Am I too obvious?


"Ofcourse not! Naalala ko lang ang regalo ko sa kambal naiwan ko sa bahay.." katwiran ko sa kanya.


"Shit! Nakalimutan kong bumili ng regalo, nagpapalakas pa naman din ako sa mga pamangkin mo" may pagkamot pa siya sa kanyang ulo.

Hindi ko mapigilang hindi mapangisi sa reaksyon niya. He's too cute.


"Pwede mo namang i-cash, aanhin mo ba ang mga cash prize mo sa karera ng kabayo kung hindi mo ibabahagi?" pagbibiro ko sa kanya


"Nakavault 'yon, para 'yon sa future Florence" natatawang sagot niya sa akin.


"Sabihin mo kuripot ka" ngumuso lang siya sa sinabi ko.

Sa lahat ng lalaking nakilala ko, si Ashong ang may pinakamaamong mukha. Yes maamo rin ang mukha ni Aldus Ferell, pero iba talaga ang mga ngiti ni Ashong.

Sa tuwing ngumingiti siya parang mapapangiti ka na rin. He has this light attitude, na talagang madaling magugustuhan ng kahit sino man. Kaya siguro kahit anong kalokohan niya noong college ay siya pa din ang pinipili kong kausapin.


Agad kong kinuha ang tissue malapit sa akin at ipinahid ito sa sulok ng kanyang mga labi. Natigilan siya sa ginawa ko, kahit ako ay nagulat sa biglaang pag angat ng aking mga kamay. I did that unconsciously.

Mabilis naman siyang nakabawi sa pagkagulat sa ginawa ko at lumapad ang ngiti niya sa akin.


"Why so sweet Florence Almero? Gusto mo na ata akong lumuhod at magsuot ng singsing sayo..wala pa akong ipon" natatawang sabi niya. 

Agad kong ibinaba ang kamay ko sa narinig ko.

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon