Chapter 20
Halos isang linggong abala si Ashong sa hindi ko maintindihang dahilan habang si Nero naman ay mag iisang linggo na rin na walang text o tawag sa akin.
What's wrong with them?
Dahil wala naman akong trabaho dito sa Pilipinas kung hindi ako tambay sa bahay ay naghahatid ako sa tutorial class ng kambal, kasama na rin ang walang kasawa sawang shopping kasama si Aira at Camilla.
Nakakatamad na rin.
Ngayon ay kasalukuyan akong nakaharap sa aking laptop. Online shopping naman ngayon habang nagfafacebook.
Habang nababrowse ako sa facebook, nagulat na lang ako nang may bigla na lang nagchat sa akin.
Antonia Scarlett: Hi Florence! Welcome back, aatend ka ba? Next week na 'yon.
Nag isip muna ako ng ichachat ko sa kanya. Matagal tagal na rin nang huli kaming nakapagchat, noong nasa US pa ako.
Ako: Yes, hindi naman maaaring hindi umatend hindi ba?
Antonia Scarlett: Oh well, sort of. Haha
Ako: Sige, see you there!
Pagtatapos ko, naglog out na ako. Ayoko muna ng usapang Aylip, dapat ay mas paghandaan ko ang pag uusap namin ng kapatid ko sa darating ng biyernes. Dalawang araw na lang at habang mas nalalapit ang araw ay mas kinakabahan ako.
Ano kaya ang nangyari sa kanya sa nakaraang anim na taon? Bakit ngayon lang siya nagpakita? Sino ang kasama niya sa loob ng anim na taon? Namuhay ba siyang mag isa? Sinubukan naman siyang hanapin ni LG pero masyado siyang mailap.
Anong pag uusapan namin?
Ako lang at ang mga katulong ang tao sa malaking bahay na ito, sobrang bagot na bagot na ako. Bakit kung kailan ko pa kailangan ang mga kaibigan ko, ngayon pa sila mga wala? Nasaan kaya ang dalawang 'yon at hindi nagpaparamdam?
Nang marinig kong tumunog ang phone ko ay mabilis ko itong kinuha. Si Ashong ang natawag.
"Florence, bukas na ang alis ko" agad niyang sabi sa akin.
"Bakit parang napaaga yata?" nagtatakang tanong ko. Akala ko ay next week pa ang alis niya. Hindi siya agad nakasagot sa tanong ko. Napapansin ko nang may itinatago talaga sa akin si Ashong. Bakit kailangan niyang itago sa akin?
"Just..just change of sched Florence, don't worry kung mapapaaga ang tapos ng seminar I'll go home right away" I even heard that he's stammering.
"Oh, okay. Ihahatid na lang kita sa bukas, tutal naman ay free ako bukas"
"Aww. Mamimiss mo ba ako?" birong tanong niya sa akin.
"Ofcourse!" sagot ko sa kanya.
"That's good to hear..I'll call you later Florence may meeting pa kasi ako"
BINABASA MO ANG
Back In His Arms Again
RomanceI used to be the girl in his eyes. I used to be the girl who can make him laugh, I used to be the girl who can taste his lips. I used to be his everything. Now that I came back, I need to get used seeing another girl in his arms. Written in F...