Chapter 65

524K 14K 6.3K
                                    


Thanks @snowdrops_violet :)


Chapter 65


Nanatiling nakatakip ang kanyang mga kamay sa akin habang pakinig ko ang iba't ibang ingay mula sa putukan ng baril, mga katawang binubuhat at ang malakas na alingawngaw ng iyak ni Cassidy.



"She's mad" pakinig kong sabi ng lalaking may pinakamagandang mata. Ramdam ko ang higpit ng hawak niya sa akin sa paraang wala ng kahit sinong makakapanakit sa akin.



"Tristan.." pilit kong tinatanggal ang kamay niya.



"You've seen enough Florence, just stay like this for a while. Ayoko nang makakita pa ng karahasan ang mga mata mong 'yan" nanatili kaming hindi gumagalaw dalawa habang panay ang utos niya sa mga kasamahan niya.



"Walang hiya ka! Pinatay mo si Daddy" pakinig ko ang malakas na sigaw ni Cassidy kay Tristan. Hindi nakatakas sa akin ang marahang pagbuntong hininga ni Tristan dahil sa sinabi ni Cassidy.



"I'm done with this" bigla na lang akong kinabahan sa sinabi niya.



"No, no Tristan. Wala siya sa tamang pag iisip.." pilit kong hinawakan ang braso niya para sa anumang pwede niyang gawin.

Akala ko ay muli siyang magpapaputok ng baril pero nagulat na lang ako nang walang kahirap hirap niya akong binuhat at mabilis siyang humarap palikod. Saglit ko lang nakita si Cassidy na pilit nang pinuposasan ng mga kasamahan niya. Habang ang iba ay abala nang itinataas ang itim na telang inilalagay sa bawat katawang wala ng buhay.



Nanatili kaming dalawang walang imikan habang buhat buhat niya ako. Para akong tangang nakatulala ngayon sa lalaking may napakagandang mata, akala ko noon magagalit ako sa kanya sa anim na taon niyang pagtatago sa akin pero wala akong makapang galit sa sarili ko.

All I want to do right now is to look into his eyes. All I want to do is to hug him.

Tulad pa rin siya ng dati, buhay na buhay pa rin ang kanyang mga mata na talagang umaakit sa kahit sinong taong pagmasdan ito ng napakatagal.



"Tristan, ibaba mo muna ako. Can you please look at me? Pwede ba kitang yakapin?" hindi ko alam kung saan pa ako kumuha ng lakas para sabihin ito sa kanya.

Awtomatiko siyang tumigil sa paglalakad at marahan niya akong ibinaba. Halos lumukso ang dibdib ko dahil sa mga ngiti niya hindi lang mula sa kanyang mga labi, maging ang kanyang mga mata.

Kusang tumaas ang aking mga kamay sa mga pisngi niya. Bahagya siyang yumuko para lamang maabot ko.



"I can see your eyes again. It's beautiful Tristan...it's damn beautiful" naramdaman ko na lang ang mainit na luhang naglalandas sa pisngi ko. I'm so happy that he's still alive and breathing. Masaya akong muling makita ang lalaking nagmamay ari ng pinakamagandang matang nasilayan ko.

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon