A/N: Sa mga wagas kung magcomment at 'yong tipong parang nobela sa haba. Hahaha. Thanks thanks angels :) Nakakamotivate kayo.
Thanks @RoseGalang8 :)
Chapter 54
Halos punitin ko na ang bedsheets sa paraan ng pagkakahawak ko sa ilalim ng makapal na comforter.
I don't expect this.
Imumulat ko na ba ang mga mata ko? Papaano? Mag iinat inat muna ba ako para hindi niya mapansin na kanina pa akong gising? Should I call his name like I was dreaming? Damn.
Marahan niya pa rin hinahaplos ang aking mga pisngi na para bang hinihintay niya ang aking pagmulat. Hindi ko alam ang gagawin ko. Damn. Kinakabahan akong mumulat.
"Tsss, what am I doing? She's sleeping Nero. At tulog mantika ang babaeng 'yan" Damn. He's talking to himself, how cute. Hindi ko akalaing ginagawa din ito ni Nero.
Naramdaman kong muli niyang hinalikan ang mga labi ko bago niya inayos ang comforter ko.
"I love you" huli niyang sabi bago ko marinig ang pagsasara ng pintuan.
Dito na ako marahas na napabangon. Humugot muna ako nang napakalalim na hininga bago ko binuhay ang lamp shade sa side table. Damn, pigil hininga ang ginawang 'yon ni Nero.
Muli kong ibinakgsak ang sarili ko sa kama at hindi ko na mapigilang hindi magpagulong gulong. Damn damn. Gusto kong magtitili, gusto kong magsisigaw. Magiging okay na kami bukas.
"Uhh, Nero Ferell. Bakit hindi ko nagawang imulat ang aking mga mata?" napahawak ako sa dibdib kong panay pa rin ang paghataw sa hindi normal na bilis. Oh fuck sana mag umaga na.
Pinatay ko na muli ang lampshade at nakatulog akong may ngiti sa mga labi.
--
Maaga akong nagising dahil sa magandang nangyari nitong madaling araw. Masaya kong hinawi ang kurtina at agad kong sinalubong ang magandang umaga.
"Good morning Isla Ferell!" malay ko ba kung ano ba talaga ang pangalan ng islang ito. Basta ang mahalaga kasama ko si Nero dito.
Dahil masyado akong excited makita ang Shokoy na bumulong sa akin kaninang madaling araw ay mabilis na akong nakapanligo at nakapag ayos ng sarili. Nagmamadali akong bumaba sa hagdanan para makita kung gising na si Nero.
Wala siya sa sala, wala din siya sa kusina at wala naman sa labas. Baka natutulog pa. Mabilis akong nagpunta sa kusina para maipaghanda siya ng almusal.
Nakakagood mood talaga ang Shokoy na 'yon. Kung naging mas marahas lang siya kagabi, baka mapamulat na talaga ako.
Ipinilig ko ang ulo ko habang panay ang tampal ko sa pisngi ko. Damn Florence, hindi ka makakaluto.
"Oh, hija ang aga mo yatang magising" napalingon ako kay Manang na may hawak na basket na punong puno ng mga pinamili niya. Agad ko siyang tinulungang buhatin ito.
BINABASA MO ANG
Back In His Arms Again
RomanceI used to be the girl in his eyes. I used to be the girl who can make him laugh, I used to be the girl who can taste his lips. I used to be his everything. Now that I came back, I need to get used seeing another girl in his arms. Written in F...