Chapter 33
Natigilan ako sa narinig ko mula sa mama ni Ashong pero kahit anong hina ng boses niya, agad rumehistro sa aking isipan ang mga salitang sinabi niya.
Kasal?
Kahit si Ashong ay natigilan din sa sinabi ng mama niya. Kasal? Napapikit na lang ako. Ano na naman ito Florence? Hindi pa ako nakakabawi mula sa sinabi ni Tania sa akin, mukhang ito na naman at may panibago na naman akong isipin.
May sakit ang taong kaharap ko ngayon at alam kong kahit isang simpleng salita ay maaaring makasama sa kalagayan niya ngayon.
Huminga muna ako ng malalim, alam kong sa pagkakataong ito ay walang lakas si Ashong na sagutin ang tanong ng mama niya. Pinilit kong ngumiti sa harapan ni Tita Elisa. Come on Florence, you can do something for him atleast.
"Yes, tita pag uusapan po namin 'yan ni Ashong" kitang kita ko ang bahagyang pangiti ni Tita Elisa sa sinabi ko.
Samantalang si Ashong naman ay lumingon sa akin ng may nagtatanong na mga mata. Sa halip na sagutin ang mga mata niya ay pinili kong iwasan ito.
"Anak, magpahinga ka muna. Ako na muna ang bahala sa mama mo" napalingon kami ni Ashong sa boses mula sa likuran namin. Kahit ang papa ni Ashong ay kakikitaan ko na ng panlalambot. Bahagya lamang siyang tumango sa akin bilang pagbati.
"Ashong, let's go" marahan kong pinisil ang balikat niya.
"Ma, babalik po ako" hinalikan niya sa noo ang kanyang ina bago siya tuluyang tumayo.
"Pa..babalik agad ako" tinapik ng kanyang ama ang balikat ni Ashong.
"Florence hija, samahan mo muna si Elias.." marahang sabi sa akin ni Tito. Hindi na niya kailangang sabihin, hindi ko iiwan si Ashong sa mga oras na ito.
"Opo tito, ako na po ang bahala sa kanya.." maiksing sagot ko.
Nang nakalabas na kami ng kwarto ay dirediretso lang ng lakad si Ashong. Hindi ko alam kung sasabayan ko ba siya o hahayaan ko muna siyang mag isa?
Gusto ko lang gawin ay yakapin at aluin siya. Ang sama pala talaga sa pakiramdam na makitang nagkakaganito ang taong lagi mong nakikitang nakangiti at tumawa sayo. Ang taong walang ibang ginawa kundi patawanin at pangitiin ka. I'm too useless, wala man lang akong magawa para sa kanya.
Natigil ako sa pagsunod sa kanya nang tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin. Nagulat ako nang hawakan niya ang magkabilang balikat ko.
"Bakit mo sinabi 'yon? Baka umasa si mama Florence...." nahihirapang sabi niya.
"Ano sa tingin mo ano ang dapat kong sabihin? hindi pwede? Na wala sa plano natin? I can't do that Ashong.." mahinang sagot ko sa kanya. Wala kong ibang pwedeng sabihin sa mama niya ng mga oras na 'yon.
"Ayokong napipilitan ka Florence.." kinapa ko ang sarili ko sa sinabi niya. Napipilitan lang ba ako? All I want is to help him..all I want is to do something for him.
We need white lies sometimes Ashong.
"Hindi ako napilitan nang sabihin ko 'yon...mas mabuting iparinig natin sa kanya ang mga gusto niyang mangyari para gumaan ang pakiramdam niya. Saka na natin isipin ang mga susunod, ang mahalaga magpahinga ka muna. You need sleep Ashong, kailangan mo rin ng lakas.."
BINABASA MO ANG
Back In His Arms Again
RomanceI used to be the girl in his eyes. I used to be the girl who can make him laugh, I used to be the girl who can taste his lips. I used to be his everything. Now that I came back, I need to get used seeing another girl in his arms. Written in F...