Chapter 42

549K 13.4K 6.1K
                                    

Chapter 42


Nagpaalam sa akin si Nero na tataas muna para makapagbihis na. Habang ang pinsan niya naman ay naiwan ditong nagtatawanan at nag aasaran.


"Pikon talaga ni Nero" natatawang sabi ni Aldus sabay kagat ng barbeque na hawak niya.


"Hindi ka na nasanay sa pinsan mong 'yon" ismid na sagot din ni Owen na nanguya rin ng pagkain.

Kung makapagsalita siya ay parang hindi niya rin pinsan si Nero. Haist. Nakakastress talagang makinig sa usapang Shokoy.


"Nagtaka pa kayo. Menopausal baby si Nero, pagpasensyahan nyo na" seryosong sabi ni Troy na nagpahaglapak ng tawa sa kanyang mga pinsan maging ako ay napatawa na rin.

What the hell? Seriously?


"What the fvck?!" natatawang sabi ni Owen.


"Gago! Ang sabi ni LG, ikaw daw Troy ang menopausal baby sa ating lima!" natatawang sagot ni Aldus.


"Fvck off! Si Nero hindi ako!" iritadong sagot ni Troy.

Mas pinili ko na lang na hindi makisali sa pinag uusapan nilang magpipinsan. I'm contented and happy watching them like this.

Masaya na akong makita silang nagkukulitan ng ganito katulad ng dati. Nagtatawanan at nagkakantsawan, mga simpleng bagay na ginagawa nila sa harapan ko nang mga panahong nakatira pa ako sa mansyong ito. Mga simpleng bagay na bumubuo sa akin sa bawat araw na naglagi ako sa magandang paraisong ito.

Yes, I considered this place as a kind of paradise. Not because of the beauty of this whole place, not because I am surrounded by these gorgeous men but because this whole mansion teach me to be a great person.

Madami akong natutunang mahahalagang bagay sa pagtigil ko sa mansyong ito. At isa na dito ang pagpapahalaga sa pamilya na noon ay hindi kayang bigyan nang pansin dahil sa galit at paninisi ko sa sarili kong ama, sinong mag aakalang ang mga lalaking nasa harapan ko ngayon na walang habas kung makapagmurahan sa isa't isa ay ang siyang magtuturo sa akin ng mga bagay na hindi ko pinapahalagahan noon? They taught me the real value of family.

To value a family whether it is by blood or not.

Ipinilig ko ang ulo ko. Hindi ko maiwasang magbalik alaala sa tuwing nagkakasama sama kaming muli na ganito. Akala ko noon ako ang aayos sa mga pariwara nilang mga landas pero mukhang nagkamali ako sa bagay na ito. Ang mga Shokoy na nasa harapan ko ngayon ang mga taong nagturo ng mga bagay na hindi ko pa nalalaman, mga bagay na hindi ko kayang harapin noon. Kung hindi ko siguro sila nakilala malamang ay may malaking kulang sa aking pagkatao.

Pero sa lahat ng mga nasaksihan ko sa pananatili ko sa napakalaking mansyon na ito, may kaisa isahang pangyayari akong nakita na nakapagpataas sa mga balahibo ko sa katawan at kailanman ay hindi ko makakalimutan gaano man ito kababaw para sa iba.


I won't ever forget that day.

Sa kauna unahang pagtapak ko sa mansyong ito kung saan ipinakilala ako ni LG sa kanila. Halos lumukso ang dibdib ko, hindi dahil sa nakakatulala nilang pisikal na katangian at sa paraan ng mga titig nila kundi sa paraan nang pagsalubong nila sa matanda.

Hindi ko makakalimutan ang kauna unahang araw na nakita ko silang limang nagmano kay LG.

That sweet scene touched my heart. Hindi ko maiwasang hindi lihim na mapangiti sa ginawa nilang pag manong lima. At simula nang nasaksihan ko ang ginawa nilang 'yon kahit gaano man kasimple ito ay agad itong tumatak sa puso at isipan ko.

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon