Chapter 46

526K 14.3K 1.7K
                                    

Chapter 46


Mas pinili ko na lang manahimik sa loob ng sasakyan ni Antonia kahit pakinig ko ang patuloy niyang pagsasalita ng kung ano ano.

Maiintindihan ko pa ba ang mga sinasabi niya kung tumatakbo sa isip ko ang mga nakita ko? Alam niya kayang makikita ko siya? Sinadya niya kayang makita ko ang ginagawa niya? Binabawian niya ba ako?


"Florence stop thinking about that jackass, just focus on this event. Anyway, hindi tayo didiretso sa venue" dito na ako napalingon sa kanya. What the hell? Saan pa kami pupunta? I need to see that Aylip mistress as soon as possible.


"What do you mean? Saan pa tayo pupunta? I need to see her" mabilis na sagot ko sa kanya


"Chill Florence. May sinabi ba ako na hindi na tayo pupunta? I mean, we need to fix you first. Look at your outfit? Siguradong agaw pansin ka dahil wala ka sa theme ng event. We're supposed to wear anything with the theme of water" lalong nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit kailangan pa ng mga ganyan?


"Anong problema ng Aylip sa gustong isuot ng miyembro nila? Bakit lagi na lang may ganyang pakulo ang event ng organisasyong 'yan? Can't we wear something we want? Simple dress will do" humalukipkip si Antonia sa sinabi ko na para bang tamad na tamad na magpaliwanag sa sinabi ko.


"Wala na tayong magagawa, we need to follow the rules. Ano ba ang masama kung paminsan ka namang sumunod Florence?" hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Tanging pag irap na lang ang nagawa ko.

She did hit the home.


"So that explains your weird outfit" muli kong tinapunan ng tingin ang weird crown flower sa ulo niya pati na rin ang manipis na kulay aqua niyang dress na bahagya na lang tinakpan ang katawan niyang may napakagandang hubog. Tang ina, bahagya akong nanliit.

Yes, I have a nice body but not as seductive as hers. Hindi sila nagkakalayo ng katawan ni Sapphire. They've both got a fvcking nice body. I wonder why her boyfriend dumped her.

Don't tell me she's suffering to this Aylip syndrome too? Damn. Bakit ba pati lovelife niya iniisip ko?

I should prepare myself for this event.


"Yes, at kailangan mo na rin magbihis. My announcement din na gagawin ang mistress ngayon" announcement?

Bakit bigla yata akong kinabahan sa announcement na sinasabi niya.


"Nakita mo na ba siya?" nagtatakang tanong ko sa kanya.


"Not yet, and tonight is my first time seeing her. I'm so excited, ilang taong na kaya siya? Is she beautiful? Totoo kaya 'yong naririnig ko na nasunog daw ang mukha niya kaya hindi siya nagpapakita? Damn. Nakakaintriga talaga siya.."

Tumango tango lang ako sa sinabi niya. Even me has an intense curiosity on her, the moment I first heard her voice.


"Hindi ba at sinabi mo na nagpakita na siya sa iba? Dapat nagtanong tanong ka.." nasabi ko na lang sa kanya.


"Oo nga pala, so hindi tunay 'yong tsismis na may sunog siya sa mukha kasi wala akong narinig na ganun sa mga nakakita sa kanya. Damn that. Saan ba nanggaling ang tsismis na 'yon?" napabuntong hininga na lang ako. Kahit kailan hindi na talaga mawawala ang tsismis sa sistema ng mga tao.

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon