Chapter 63

474K 11.8K 3.8K
                                    

Thanks @MadilynRamos4 :)


Chapter 63


Hindi na sila nag abalang talian ako kung sakaling magtangka akong manlaban. Paano pa ako makakapag isip na tumakas kung sa isang bantay lang ay kaya na akong idispatsya ng isang iglap?



Basta na nila ako pinasakay sa kanilang itim na van at hindi lang iilang lalaking armado ang sumakay din dito para masiguradong madadala ako sa lugar kung nasaan ang misteroyong hudas na gustong pumatay sa akin.

Pilit kong inaalalayan ang sarili ko sa bawat mararahas nilang pagtulak sa akin. Damn, hindi lang ako ang maaaring masaktan at mapahamak sa mga oras na ito. May buhay akong dinadala ngayon at sa abot ng aking makakaya ay puprotektahan ko ang anak namin ni Nero hanggang sa kahuhulihan kong hininga.



Kasalukuyan nang kausap ng hudas na lalaki ang misteryosong amo niya na hindi ko pa rin malaman kung sino. Imposibleng si Mrs. Ferell ang may kagagawan nito dahil alam kong binabantayan na ng magpipinsang Ferell ang bawat galaw niya at hindi na nila hahayaang may makalapit at makapanakit pa sa akin. Samantalang ang mga Falcon naman ay nakikipagmatigasan sa amin sa korte, alam kong hindi gagawin ng pamilya Falcon ang bagay na ito dahil maaari itong sumira sa tinitingalang senador ng Pilipinas.

Sino pa ang maaaring manakit sa akin ng ganito? Galit na galit siya sa akin na gugustuhin niyang sa kanyang mga sariling kamay dumanak ang aking dugo. Damn. Bakit ang dami ng taong may napakalaki ng galit sa akin?



"Ayos na ayos po! Hindi ko naman siya ginalusan dahil alam kong kayo na ang bahala sa kanya"

Madami pa silang pinag usapan ng walang hiyang amo niya bago niya pinatay ang telepono niya.

Pagkatapos niyang pagtuunan ng pansin ang telepono niya ay sinilip niya ako sa likuran kung saan napapagitnaan ako ng dalawang nakabonet na lalaki na hawak ang kanikanilang baril.



"Bakit hindi ka na nag iiiyak Almero? Umiyak ka ulit, nakakatuwa kang panuorin" nawiwiling sabi sa akin ng hudas.

Naningkit ang mga mata ko sa kanya. Hindi ko hahayaang pagkatuwaan at paglaruan nila ako sa huling biyahe ng buhay ko, kung ito na nga ba ito. Lalo na at nakumpirma kong hindi nila ako kayang patayin dahil nakalaan ako sa hudas na amo nila.



"Kapag umiyak ba ako ipuputok mo sa ulo mo 'yang baril na hawak mo? Tang ina ka" seryosong sabi ko. I will definitely trash talk them until I reached the place of my last destination. I will never give them their damn entertainment.



"Kung tuluyan na kaya namin ito Boss?" halos sabay itinutok ng mga tauhan niya sa tapat ng aking sentido ang mga baril na hawak nila. Pilit kong pinapatatag ang sarili ko sa kabila ng kabog ng dibdib ko. Hangga't kaya ko ipapakita ko sa kanilang matatag ako, dahil sa sandaling ipakita ko sa kanila ang takot na nararamdaman ko mabibigyan ko lang sila ng kasiyahan na huling bagay na gagawin ko.

Mas lalo kong pinatalim ang aking mga mata habang nakikipagtitigan sa hudas na lalaking nakangisi sa akin. Hindi lang dalawang nguso ng baril ang tumutok sa akin noon. Aylip's had their hundreds of gun on me the moment I let down their mistress's invitation. Hindi na bago ang nguso ng baril sa akin.

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon