Chapter 72

563K 13.9K 2.2K
                                    

Thanks @KylaGandaSmith :)


Chapter 72


Lalong gumaan ang aking pakiramdam nang makitang nakangiti sa akin ang apat na babaeng alam kong panghabambuhay nang mag aalaga sa mga hindi pangkaraniwang lalaki na minsan ko nang inalagaan.


Inalagaan ko nga ba? O sila ang nag alaga sa akin? Hindi ko na pahihirapan ang sarili kong sagutin ang sarili kong katanungan. Akala ko noon, isa lang akong pangkariniwang babae na naligaw at kailangang matutong makisama. Nagkamali pala talaga ako ng inakala, simula nang tumapak ako sa mansion ng mga Ferell nagsimula na ang lahat, mga pangyayari sa aking buhay ko hinding hindi ko makakalimutan. At kung sakaling bigyan ako ng pakakataong makabalik sa nakaraan, hindi ako magdadalawang isip na maglayas at muling mapadpad sa napakalaking mansion na naglalaman ng mga lalaking kayang magbigay ng uumapaw na pagmamahal.


Nakakatuwang dumating na ang araw na ito, ilang beses ko nang hiniling na sana makasundo ko silang lahat. At mukhang nasabi ko ng maayos ang mga gusto kong sabihin sa apat na babaeng ito.


"Kainis, bakit parang ang heavy ng mga sinabi mo Florence?" natatawang sabi ni Nicola dahil sa katahimikan na bumalot sa loob ng kwarto.



"Wala akong masabi" mahinang sabi naman ni Laura.



"Bakit hindi na muna kaya tayo lumabas? Hindi nyo ba naririnig na kanina pa na may kumakatok?" halos sabay sabay kaming napatingin sa pinto sa sinabi ni Lina.



"Let's go out, mukhang nakapag usap na naman tayo ng maayos. Hindi ba kayo nagugutom?" tanong ko sa kanilang apat.



"Baka yabangan lang naman tayo ng magpipinsan na 'yan" ismid na sabi ni Sapphire. Hindi malayong mangyari ang sinasabi niya, malamang magyayabang talaga ang limang 'yon lalo na at sama sama na naman sila.



"Sinabi mo pa" nakita ko pa ang pag irap ni Nicola.



"Bakit kaya hindi pa rin ako nasasanay?" parang dismayadong sabi ni Laura. Dapat talaga matuto na siyang masanay, tagapagmana lang naman ni LG si Troy Ferell.



"They are Ferells, habaan na lang natin ang pasensya natin sa kanila" kibit balikat na sabi ni Sapphire. Tumango na lang kami sa sinabi niya.

Napagpasyahan muna nilang mag ayos muna ng mga gamit bago lumabas ng kwarto pero hindi pa man nakakailang minuto ay may narinig na kaming katok mula sa labas.



"Mahal? Galit ka pa ba sa akin? Laura naman.." sabay sabay kaming napalingon kay Laura na kasalukuyan nang may naniningkit na mga mata. Mahal ang tawagan nila? Hindi ko mapigilang hindi mapangisi.



"Kailan pa nauso ang 'mahal' na 'yan Troy?" napangiwi na lang ako sa sinabi ni Laura. Mukhang pauso lang naman pala ni Troy. Tsss, typical Ferell.

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon