Chapter 43

526K 14.1K 3K
                                    

Chapter 43


Walang ampat ang pagpatak ng mga luha ko. Ganito na naman ba ang mangyayari sa amin? Muli na naman akong lalayo sa kanya? Lalawak na naman ba ang distansya namin sa isa't isa? Hindi na ba kami pwedeng muling magkasama?

Hindi ito ang gusto kong mangyari. Ikaw lang ang lalaking gusto kong makasama habang buhay. Ikaw lang ang lalaking mamahalin ko, ikaw lang ang kaisa isahang lalaking nagmamay ari sa puso ko. Pero bakit ganito?


Ngayon ay kailangan ko na namang pumili. Kailangan ko na namang pumili sa isang gipit na sitwasyon. Bakit lagi na lang akong nagigipit? My heart wanted him, my whole body and soul wanted him but what about my brain and conscience?

Pilit nitong ginugulo ang mga desisyon ko. Hindi ba pwedeng lahat na lang masaya kapag magkasama na kami ni Nero? Pwede ba na wala kaming maaapakang tao kapag naging masaya kaming magkasama?


Hindi paglayo ang gusto kong mangyari, hindi ganito ang gusto kong kalabasan. Bakit hindi niya maintindihan ang sitwasyon ko? I can't be happy with him while this damn conscience is eating me. Hindi ko matutumbasan ang pagmamahal niya kung habang magkayakap kami ay nilalamon ako ng konsensiya ko.

At kung pababayaan kong mangyari muli ang nangyari noon, hindi ko na alam kung kakayanin ko pa. Hangga't maaari ay ayokong makarinig ng buhay na mawawala. Mawawala ng dahil na naman sa akin.

Pero ano itong sinasabi ni Troy? Totoo ba ang sinabi niya? Totoo ba na buhay pa ang pinsan nila? Pero papaano? Hindi ko maintindihan! I saw him. Nakita ko ang burol niya. Ano 'yon? Panibagong pagpapanggap na naman? Naguguluhan na ako. Kaya ba napakalakas ng kutob ko na tunay ang magagandang mata na tumitig sa akin nang nasa mall ako? Si Tristan Ferell nga kaya ang lalaking nakita ko? Mga mata kaya niya ang tumitig sa akin ng araw na 'yon? Pero bakit? Bakit nila inilihim sa akin? Bakit pinanatili nilang patay sa kaalaman ko si Tristan? Bakit Ferells?


Bakit? hindi ba nila alam kung gaano kabigat itong dinadala ko? Hindi ba nila alam kung ilang taon ko dinala ang pagkawala ng buhay ni Tristan? Ano na naman ito Nero? Bakit ka na naman naglihim sa akin, lihim na may napakalaking epekto sa buong buhay at pagkatao ko. Hindi ba at may karapatan akong malaman ang tungkol dito? Bakit sa sitwasyong ito ko pa kailangang malaman?

Kinapa ko ang sarili kong damdamin. Bakit hindi lang ito kumikirot sa mga salitang binitawan ni Nero? Sa mararahas niyang salita, sa paraan ng pagtataboy niya sa akin? Hindi lang ito kumikirot dahil sa sinabi mo Nero. Mas lalo pa itong kumikirot sa lihim niyo sa akin. Pinaglihiman na naman ako ng mga Ferell. Bakit sila punong puno ng sekreto?

Bakit nila ako pinaglihiman? Ano pa ang kayang itago sa akin ng mga Ferell? Bakit punong puno kayo ng mga sekreto? Mga sekretong parte ng buhay ko. Mga sekretong hindi nyo dapat inililihim sa akin dahil karapatan ko itong malaman.


Hindi ko na inabala ang sarili kong punasan ang patuloy na pagbuhos ng mga luha ko. Luha mula sa pagtataboy ng lalaking mahal ko, mga luhang punong puno ng tanong, mga luhang nasasaktan at luhang nahihirapan.

I can't even see the street. Damn.

Hindi ko kayang itigil ang sasakyan, gusto ko na lang lumayo. Malayong malayo. Hindi ko na alam kung anong dapat kong maramdaman ngayon. Bakit hindi siya magpakita sa akin? Bakit hinayaan niya akong paniwalaang patay siya ng napakatagal na panahon?


Bakit hinayaan niya akong mabuhay na punong puno ng konsensiya? Bakit ako muling pinaglihiman ng mga Ferell? Alam naman nila kung ano ang lubos kong naramdaman nang mawala si Tristan.

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon