Chapter 45

540K 13.1K 3K
                                    

Chapter 45


Kasalukuyan akong nakatulala sa kisame ng kwarto ko. Ano na ang gagawin ko? Litong lito na ako sa mga pangyayari sa buhay ko.

I'm totally mess up.


From Ashong's mother, Nero, these number of death threats, Aylip and ofcourse Tristan's reason. Ano na ang dapat kong unahin sa dami ng problemang ito?

Hindi ko pa muling nakikita ang mama ni Ashong, kamusta na kaya siya? Is she doing well? Walang kahit anong nasabi sa akin si Ashong tungkol sa sitwasyon ng mama niya nang ihatid niya ako dito. Alam kong pilit niya itong iniiwasan para hindi na dagdagan ang iniisip ko.

Pero alam kong sa kabila ng katahimikan ni Ashong sa loob ng sasakyan ay may mga naglalaro na sa isipan niya. At malaki ang pasasalamat ko nang hindi niya tinangkang buksan ang usapang ito sa loob ng sasakyan. Hindi ko pa alam ang tamang takbo ng isip ko.


Si Nero, alam kong sagad na sagad na siya sa akin, lalo na sa nangyari kanina. Siya ang laman ng sasakyang 'yon, ang lalaking mahal ko ang taong laman nito. Bakit sa dami ng maaari niyang makita ay ang pagdating pa ni Ashong? Damn. Sana naabutan siya ng mga pinsan niya.

Isang malaking tanong din ang mga taong nasa likod ng death threats na ito. Hindi kaya posibleng si Cassidy at Mrs. Ferell ang nag utos na gawin ito sa akin? Bakit kailangan nilang palakihin nang ganito? Hindi ba nila alam na maaari silang makulong sa mga ginagawa nila?


My cousins will definitely find their way to locate the source of this continuous death threats, not only my cousins but also those Ferells. But how's that? Pinapalayo na ako ni Nero sa pamilya niya. Posible kayang patigilin niya ang mga pinsan niyang muling tumulong sa akin?

This Aylip, isang malaking tanong sa buhay ko. Alam kong nalalapit na ang araw para malaman ko ang malaking koneksyon ko sa organisasyong ito. Koneksyong hindi nagpatahimik sa buong organisasyon. Who are you Aylip mistress? Bakit ako?

And for the last, the guy with the wonderful eyes. Minsan napapaisip ako, may kalahati kaya ang nalalaman ko sa lahat ng mga sekreto ng mga Ferell? Simula ng tumapak ako sa mansyon nila wala na silang ginawa kundi magtago ng mga bagay sa akin. Why?

Hindi ko alam kung bakit hindi kayang magpaliwanag sa akin ng mga Ferell. Bakit kailangan nilang ilihim si Tristan ng napakahabang taon? Damn. Hindi biro ang anim na taon. What about Lina? Alam niya kayang buhay si Tristan?

Kahit kaylan hindi ko na siguro sila maiintindihan.


Ferells are full of secrets. They're all damn unpredictable. Behind their childish acts, annoying grins and lazy gestures are tons of secrets that I can't even imagine. After living with them, I can't say that I know them too well. They are still my mysteries..

Ferells are my unsolved mysteries.


Hinagip ko ang unan ko at iniharang ito sa mukha ko. Hindi ko na alam ang mga dapat kong gawin. Nang dumating si Ashong sa pinangyarihan ay agad niyang itinanong sa mga pinsan ko ang mga pangyayari. Hindi ko mabasa ang ekpresyon niya nang sabihin ni Troy na sa mansyon nila ako nagpalipas ng gabi. May pagtataka sa mukha niya pero pinili niyang hindi ako tanungin.

Natigil ako sa pag iisip nang marinig kong nagriring ang telepono ko kaya mabilis ko itong sinagot. Si Ashong ang tumatawag.

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago ko ito sinagot.

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon