Chapter 41
Kaysa pakatitigan ko pa ng napakatagal ang kisame ng mansyong ito, alam kong wala pa ring ibang mangyayari. Kaya napagpasiyahan ko nang bumangon at halos mapadaing na lang ako sa nananakit kong katawan.
Ngayon ko pinagsisihan na dito kami gumawa ng milagro ni Nero Ferell. Pwede naman sa kama?
Pero ano pa ba itong nirereklamo ko? I enjoyed the whole night. Making love near the fireplace was quite romantic. Lalo na kung kasing wild lang naman ng isang Ferell na katulad ni Nero. Haist.
Agad kong hinanap ang long sleeve na puti ni Nero na kinuha ko pa kagabi at mabilis ko itong isinuot.
Nagsimula na akong maglakad papalabas pero muli kong nilingon ang kabuuan ng library. Hindi ko maiwasang hindi pamulhan sa nakikita ko sa hitsura ng malaking library na ito.
Bakit kailangan naming manira dalawa? All we need to do was to crash and feel each other's body. Why do we need to crash this whole library? Bakit kailangan pa naming idamay ang mga inosenteng libro na nagkalat ngayon? Bakit kailangan naming mamasag ng mga bagay dito?
Hindi ko na naintindihan na sinuyod na namin ni Nero ang kabuuan ng library ito.
Napapailing na lang ako habang inaalala ang nangyari kagabi. Bawat sulok ng aklatang ito ay iniwanan lang naman namin nang maiinit na alaala. Haist Nero Ferell. You're amazing in so many different ways.
Tuluyan na akong lumabas ng library. Ano kaya oras dadating ang mga pinsan niya? Nagsimula na akong bumaba ng hagdan. Isa lang ang masasabi ko, nahihirapan akong maglakad. What the fvck?
Hindi ko na lang ininda ang dinadaing ko at hinanap ng aking mga mata si Nero Ferell na mainit ang ulo. Hindi ko na alam kung papaano ko ba ito mapapalamig, dahil alam kong mas lalong iinit ang kanyang ulo sa anumang gusto kong sabihin sa kanya.
"Nero..." mahinang tawag ko sa kanya. Sinilip ko siya sa harap ng malaking tv pero wala siya. Maalala ko nga pala, wala nga palang kuryente sa mansyon na ito. Kailan pa sila naputulan ng ilaw? Mga Shokoy talaga kahit kailan.
Nagpunta ako sa kusina at sa pagkakataong ito, nakita ko na ang lalaking pinakamamahal ko.
Hindi ko maiwasang hindi mapatulala sa kanya. Lahat na lang ata ng anggulo ni Nero Ferell ay talagang perpekto. Buong magdamag ko nang nakita ang buong katawan niyang 'yan.
I even felt the every inch of his body on bare hands. But what's wrong with me? I can't take my eyes on him. Bakit ganito pa rin ang reaksyon ko kapag nakikita ko ang katawan ng hari ng mga Shokoy? Bakit sa paraan ng pag iinit ng lalamunan ko ay parang unang beses ko pa lang nakita ang bawat detalye ng katawan niya.
God! Florence.
Hindi ko maiwasang hindi mapalunok ng ilang beses habang pinagmamasdan si Nero. Kasalukuyan siyang tamad na nakasandal sa lamesa habang kumakagat ng pulang pulang mansanas.
Napapakagat labi na lang ako sa marahang pagkagat niya sa pulang mansanas na hawak niya. Damn. Halos lahat na lang ng kilos ng hari ng mga Shokoy na ito ay talagang nakakapang akit. Lalong nag iinit ang pisngi ko nang tumaas ang mga mata ko sa buhok niyang gulong gulo dahil sa walang tigil na pagsabunot ko kagabi. Damn.
Pero mas lumukso ang puso ko nang lumingon siya sa akin. Nakakunot ang noo niya sa akin, habang ako naman ay napaatras. Bakit parang umurong ang dila ko?
BINABASA MO ANG
Back In His Arms Again
RomanceI used to be the girl in his eyes. I used to be the girl who can make him laugh, I used to be the girl who can taste his lips. I used to be his everything. Now that I came back, I need to get used seeing another girl in his arms. Written in F...