Chapter 70

553K 13.5K 4.1K
                                    

Thanks jelicious_me :)


Chapter 70


Dahil natakot siguro ang limang shokoy sa sinabi ko wala na silang ibang nakakahiyang ginawa hanggang sa makarating kami sa isang maliit na supermarket.

Hindi ko na dinala ang mga Shokoy sa wet market, nakakahiya naman sa mga imported nilang damit. At baka sabay sabay pa silang himatayin kapag nakita nila ang mga kapwa nila lamang dagat na kinakatay ng tao. Damn, naiiling na lang ako sa mga pumapasok sa isip ko. Shokoy thoughts, malamang. Magkakasama na naman kasi sila.


Sino ba naman kasi ang may sabi na magandang kasama ang limang ito ng sabay sabay? Mukhang nakalimutan ko nang buntis ako at kung ipagpapatuloy kong pakisamahan ang kalokohan ng limang ito, talagang duduguin ako.



Si Owen at Troy ang may sulong ng push cart habang kami ni Nero ay nasa mga beverages para pumili ng gatas na kakailaganin ko. Si Aldus at Tristan ay hindi ko na makita, sana lang hindi sila masabit sa kung sinong babae.



Muli kong tiningnan ang dalawang shokoy sa di kalayuan. Napapaismid na lang ako nang makita ko na supportive na pinipicturan ni Owen si Troy sa tabi ng napakadaming nakihelerang itlog.



"What's wrong with them?" ngiwing tanong ko kay Nero habang nakatingin kay Owen at Troy na mukhang nasisiyahan sa kalokohang ginagawa nila.



"Don't ask me, hindi ko din alam" kunot noong sagot sa akin ni Nero. Nagkibit balikat na lang ako.

Pumunta kami sa mga seasonings na kakailanganin ko sa aking pagluluto. Dapat kami na nga lang ni Nero ang magkasama, namumroblema tuloy ako kung saan na nagsuot ang natitirang apat na Shokoy.



"Nero, tawagin mo ang isa sa mga pinsan mo. Ilalagay ko lang ito" ang dami ko nang napipili na bibilhin, wala naman ang cart. Bumuntong hininga lang sa akin ang hari ng mga Shokoy bago siya tamad na naglakad para hanapin ang mga nawawala niyang pinsan.



Panay lang ang paglalakad ko para makakita pa ng mga bibilhin nang muli na naman akong napairap.

Kasalukuyan nga palang nagkalat sa maliit na supermarket ang mga Shokoy, bakit pa nga pala ako magugulat kung lumalandi sila ngayon? Wala naman silang pinipiling lugar.

Si Tristan Ferell lang naman na may tinutulungang babae na hindi yata maabot ang dapat kukuhanin.



"Thanks" kita ko pa ang pamumula ng babae sa pagtulong sa kanya ni Tristan. Bahagya pa niyang isinumping ang kanyang buhok.



"No problem, have we met before? I'm sure, I've seen your beauty" malakas ang hinala kong hindi pa siya nakikita ni Tristan. Galawang Ferell na naman po. Nagkunwari na lang ako na nagtitingin tingin habang pinapakinggan ang pagsisinungaling ng isang Shokoy.

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon