Chapter 49
Naramdaman ko na lang ang yakap ng kapatid ko mula sa likuran ko habang nakaharap ako sa napakalaking salamin. Kasalukuyan kaming magkatitigang magkapatid sa repleksyon namin.
"Are you sure about this Florence?" masuyong tanong niya sa akin. Marahan lang akong tumango sa kanya. Ilang beses kong pinag isipan ang bagay na ito at wala na akong lakas para umatras pa.
Ngayon ang araw ng pamamanhikan ng pamilya ni Ashong at kasalukuyan nang nasa baba ang mga tao at ako na lang ang hinihintay.
"Kung ano ang desisyon mo Florence susuportahan kita" ngumiti sa akin si Sapphire, ganoon din ako sa kanya.
Sa lahat ng pagkakamali ni Daddy, ang kapatid ko ang malaking ipinagpapasalamat ko. Iba pa rin talagang magmahal ang sarili mong kadugo, yes may mga kaibigan ako na kailanman ay hindi ako iniwan pero iba pa rin ang init ng mga yakap ng isang kapatid na nagmamahal sa'yo.
Bumaba na kaming sabay at agad kong nakita ang dami ng mga tao sa ibaba kung saan mangyayari ang mabilisang pag uusap tungkol sa magiging kasal namin ni Ashong. Binitawan na ako ni Sapphire nang makita niyang nasa puno ng mahabang hagdan si Ashong na naghihintay sa akin.
"Good evening Ms. Almero" kumindat siya sa akin katulad nang lagi niyang ginagawa sa akin nang nasa US kami. Inilahad niya sa akin ang kanyang kanang braso para dito ko ikawit ang aking mga kamay.
Sumilay ang ngiti sa mga labi nang mga taong agad nakakita sa akin. Maliban sa dalawa kong pinsan na hindi sang ayon sa madaliang kasal na ito dahil alam kong alam nila kung sino talaga ang lalaking totoong nagmamay ari ng puso ko.
Kasama ni Ashong ang buong pamilya niya, si Tita Elena na nakawheelchair, si Tito Albert at ang iba pang kamag anak ni Ashong na pamilyar na sa aking mga mata dahil sa iba't ibang okasyon na nadadaluhan ko sa tuwing may pampamilya silang selebrasyon.
Si Lolo ay agarang umuwi nang malaman ang madaliang kasal na mangyayari, ang mga tiyuhin at tiyahin ko sa partido ng mga Villacorta ay nandito rin para supportahan ako, ang mga kaibigan kong si Aira at Camilla ay nandito rin. Kumpleto silang lahat para suportahan ang nabuo kong desisyon.
Mabilis akong humalik sa pisngi ni Tita Elena at nagmano kay Tito Albert nang tuluyan na akong makalapit. At naupo kami ni Ashong na magkatabi sa isang sofa na nakaharap sa kanilang lahat habang magkahawak ang aming mga kamay.
"You're cold, are you okay?" bulong sa akin ni Ashong. Pilit ako ngumisi sa kanya para iparating na ayos pa ako. Agad nagsalita si Kuya Nik na kumuha ng atensyon ng lahat ng tao.
"Hindi ba parang napakabilis ng kasalang ito?" pilit kong hinabol ang mga mata ni Kuya Nik dahil sa biglaan niyang sinabi pero hindi siya magpahuli sa akin. Nang malaman nilang dalawa ni Gio ang pamamanhikang ito agad kong nakita sa kanila ang hindi pag sang ayon.
"Hijo bakit pa natin patatagalin kung sa altar din ang tungo nilang dalawa? Ang desisyong ito ay sinang ayunan na nilang dalawa, anong malaking problema kung mapapaaga ang kasal?" marahang sagot ni Tito Albert.
Hindi nakasagot si Kuya Nik sa sinabi ni Tito Albert.
"Kayong dalawa, may gusto ba kayong sabihin?" tanong sa amin ni Lolo. Nababasa ko sa mga mata ni Lolo na gusto niyang umalma ako sa mga nangyayari.
BINABASA MO ANG
Back In His Arms Again
RomanceI used to be the girl in his eyes. I used to be the girl who can make him laugh, I used to be the girl who can taste his lips. I used to be his everything. Now that I came back, I need to get used seeing another girl in his arms. Written in F...