Thanks @VeniceSiervo08 :)
Chapter 64
Akala ko may itatapang pa ako pero nang sandaling makita ko na ang malaking bote na hawak ni Cassidy habang marahang lumalakad papalapit sa akin na may nakangising mukha ay nag unahan nang magpatakan ang mga luha ko. Wala na akong takas sa sandaling ito, wala pa akong naririnig na kahit anong senyales na may tulong akong darating.
All I can hear are her stilettos footsteps.
Panay ang pag iling ko sa kanya. No, no, alam ko na ang mangyayari sa akin kapag lumapat sa aking balat ang asidong hawak niya. Hindi lang ako maaaring pumangit.
It might kill me brutally. I'm sorry Nero, mukhang hindi ko magagawang protektahan ang anak natin. I am facing my death right now.
"No Cassidy...no, wag, wag. Maawa ka sa akin.." umaatras ako habang nakaupo sa posisyon ko.
Ilang pang ganitong tagpo pa kaya ang mararanasan ko? Oo, nakaligtas ako sa nguso ng mga baril na ilang beses na tumutok sa akin. Pero sa pagkakataong ito, hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng swerte.
"Hawakan nyo siya" utos niya sa mga tauhan niya. Dalawang lalaki ang mabilis na humawak sa akin para hindi na ako makagawa ng kahit anong kilos. Napapikit na lang ako sa kirot na nararamdaman ko sa balikat ko, hindi na biro ang dugong nawawala sa akin.
"Please Cassidy, hindi mo makukuha si Nero kahit patayin mo ako. Sinisira mo lang ang buh---" hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin nang malakas niya akong sampalin. Halos magpanting ang pisngi ko sa lakas ng sampal niya sa akin.
"Manahimik ka, mang aagaw! Mahal na ako ni Nero, mahal na niya ako. Tang ina ka! Bumalik ka pa" muli niya akong sinampal sa kabilang pisngi ko. Nag iinit na ang mukha ko sa mga sampal niya.
Matotorture pa pala muna ako, what a life.
"Buksan nyo ito" inabot niya sa isa sa mga tauhan niya ang bote at mabilis niya itong binuksan at saka niya muling ibinalik kay Cassidy.
"Saan ko muna kaya ito ilalagay? Wag muna sa mukha, sa main event 'yon. Tatanggapin ka pa kaya ng mga Ferell kung mukha ka ng impakta?" namaywang siya sa harap ko habang iniikot niya ang kanyang paningin.
"Where's my bear? Dalhin nyo siya dito" agad namang may sumunod sa kanya. Hindi naman tumagal ng ilang minuto ay nakabalik na ang tauhan niya na may hawak nan g bear at mabilis itong ibinigay sa kanya.
"Look at this Almero" basta na lang niya binitawan ang bear na hawak niya at nakangisi niya itong pinatuluan ng asidong hawak niya. Halos manginig ako nang unti unti kong nakikita ang pagkalusaw ng bear na nalalapatan ng asido.
BINABASA MO ANG
Back In His Arms Again
RomanceI used to be the girl in his eyes. I used to be the girl who can make him laugh, I used to be the girl who can taste his lips. I used to be his everything. Now that I came back, I need to get used seeing another girl in his arms. Written in F...