-June's P.O.V-
Kinagabihan habang kumakain kami ng dinner, sinubukan kong kausapin si Keanne pero wala eh, nagtatampo o baka inis lang talaga. Ewan ko, minsan nahihirapan akong basahin ang mood ni Keanne kahit halos buong buhay ko na sya kilala.
Awkward silence ang meron sa hapag-kainan ng Prestige Perfects nung gabing yun. Si Scarlet at Matthew, walang pake ang mahalaga kumakain sila. Si Adrianne at Michael ayaw makielam kasi daw problema namin ni Keanne at Sky 'to. Disappointed at inis ako kasi akala ko kahit si Bunsoy man lang tutulungan ako gawa nga na sya ang pinakaclose kay Keanne dito pati na rin kay Sky bukod sa'kin.
Napabuntong hininga na lang ako, and mind you, malalim na buntong hininga.
-Flashback-
Matapos mag-walk out si Keanne, plano ko sanang sundan agad sya pero inunahan ako ni Sky. Tumakbo si Sky paakyat ng Lounge at sinamantala ang pagkakataon na bukas yung pinto ng lounge para pumasok. Grabehan 'tong lalaking 'to, kauuwi lang kung ano-ano na ang gustong gawin. Si Keanne pa talaga ang gustong pagtripan. Palibhasa hindi sya yung nakukunsume eh.
Sinundan ko na lang yung dalawa at habang papasok ako sa Lounge, narinig ko ang pagtawa ni Adrianne at Michael. Mga leche! Mamatay sana kayo sa kakatawa dyan. Langya 'tong mga 'to, walang balak tumulong, alam nang malakas topak ni Sky at Keanne eh.
"Good luck, June~!" nakisali pa talaga itong pulang 'to! Langyang Scarlet nakitawa na rin. Panigurado, nagpipigil na rin ng tawa si Matthew.
"Mamatay na kayo!" sigaw ko mula sa loob ng Lounge. Dumiretcho ako kung saan naroroon ang kwarto ni Keanne at jusme talaga itong si Sky! Kinakalikot nya yung lock sa pinto ni Keanne! High ba ang isang 'to?
"Kii~ dali buksan mo na 'tong pinto! Kwentuhan naman tayo oh! Ikaw kaya pinakanamiss ko!" yung tono ni Sky mapagbiro pero yung ngiti sa mga labi nya ay tunay, yung tipong sincere talaga. Napasandal na lang ako sa tabi ng pintuan ni Keanne at pinapanood sya habang kinakalikot yung lock. Sa totoo lang, kung gaano kainis si Keanne kay Sky, ganoon naman kagusto ni Sky si Keanne, sadyang mapang-asar lang talaga sya. Maaring mong sabihin na lalaking bersyon sya ni Adrianne pero ang pinagkaiba lang, walang filter ang bibig nito ni Sky at si Keanne lang target nya lagi. Aminado naman kasi si Sky na parang nakababatang kapatid ang turing nya kay Keanne eh.
Noon kasi, nung mga bata pa lang kami, close talaga sa isa't isa si Keanne at Sky. Yung tipong feeling ko lagi ako out of place pag magkasama yung dalawa. Ewan ko kung anong nangyari at ang laki na ng galit ni Keanne kay Sky.
"Mukha bang may pake ako kung namiss mo ako?!" sagot ni Keanne mula sa kwarto nya.
"Naman eh! Don't be so cold, Kii! Ang tagal nating di nagkita at hindi mo rin sinasagot yung mga tawag ko!" nag-whine si Sky at natawa naman ako.
"Give me a good reason why I should have answered your calls." medyo di marinig boses ni Keanne gawa nga na sarado yung pinto nya.
"Because you love me, silly!" natatawang sagot ni Sky.
BINABASA MO ANG
Sorry ha, Sorry! ((ON-HOLD))
Teen FictionAng kwentong ito ay pawang puro kalokohan lang na walang masamang intensyon. Basahin nyo kung ninanais nyo at baka sakaling matuwa kayo sa adventures ng Prestige Perfects, ang grupo ng anim nating bida.