-Gian's P.O.V-
Huh?! May P.O.V na agad ako? Eh tatlong chapter pa lang ang nakakalipas simula nung ipakilala ako eh, well actually dalawa kasi dun sa una eh hindi pa sinasabi kung anong pangalan ko. Ah basta, tinatamad pa akong mag-P.O.V! Kainis ka naman, author eh! Bwisit naman, trip ko pang maging mysterious character eh tapos bibigyan mo ako ng P.O.V?!
(Author: Wag kang mag-inarte dyan! May bayad 'to!)
May bayad? Sus, bat ngayon mo lang sinabi? Okay fine sige gagawin ko na. Pero teka, ano nga ba ulit yung sasabihin ko....ah okay gets, naalala ko na. Naistuck nga pala ako kasama si Scarlet hanggang sa matapos itong punyaterang dance fest at hanggang sa maka-adjust ako sa bago kong school. Oh, tinitingin-tingin nyo dyan, hindi ko rin sasabihin sa inyo kung paano ko nakilala si Scarlet. Mamatay kayo sa pagiging curious dyan, hindi pa rin ako magsasalita. Bakit ako naiinis sa dance fest? In fairness ang daming tanong, pero sige na nga. Naiinis ako hindi dahil hindi ako marunong sumayaw, naiinis ako kasi tinatamad ako at ayoko talagang nagsasayaw sa harap ng lahat, baka madiscover ang talent ko eh, mahirap na baka mas dumami ang fans.
But anyways, here I am standing infront of the school library. Bakit ako nakatayo dito? Well for one, bukod sa tinatamad akong pumasok sa loob at matao masyado, wala pa rin akong library card-kailangan kasi yun para makapasok ako sa loob and for reason number two, hinihintay kong lumabas si Scarlet. Sya yung nag-ayang magpractice sya din yung may ganang magpahintay. Wala eh, prinsesa daw sya eh. Pagbigyan na lang.
"Bloody hell, ang tagal naman ng babaeng 'yun." bulong ko sa sarili ko. Tinignan ko yung wristwatch ko. Bad trip naman oh, fifteen minutes na akong naghihintay dito. May dalawang oras na lang ako para magpractice bago ko gawin yung trabaho ko bilang isang student assistant.
Napatingin ako dun sa may pinto ng bigla itong bumukas. Napa-iling naman ako bigla ng iba yung lumabas. Grabe ano bang ginagawa ng babaeng yun at ang tagal nyang lumabas?! Nakakainip kaya maghintay ng matagal.
"Oh? Bigla ka atang nadismaya dahil ako ang lumabas at hindi si Scarlet." puna nung lumabas. Tinignan ko lang sya ng maigi.
"Wala akong alam dyan sa pinagsasasabi mo, Mr. Mendez." sabi ko. Sa pagkakaalam ko, masungit ang isang 'to. Bakit ba nya ako kinakausap...hindi kaya?
"Deny pa more. Malaki ang matutulong nyan sa'yo." inikot lang ni Matthew yung mga mata nya. Ah, wala namang masama kung itatanong ko sa kanya yun di ba?
"Nagseselos ka ba?" tanong ko. Oo para kasing nagseselos itong si Matthew. Wala tayong magagawa dyan.
"Nagseselos? Hahaha! Nakakatawa ka nga naman." ang plastic nung tawa nya. Nakakainis lang. "Di hamak naman na mas gwapo at mas matalino ako kaysa sa'yo kaya naman bakit ako magseselos?" pati yung ngiti nya plastic.
"Malaman ko lang na gwapo at matalino ako okay na ako kaya hindi ako nakikipagkompetensya dyan ang sinasabi ko lang ay..." itutuloy ko pa ba? Parang tanga lang ako eh.
"Oh tumigil kang bigla?' pinagtaasan nya ako ng kilay.
"Sige na sige na, itutuloy ko na yung sasabihin ko. Hindi ka ba nagseselos kasi lagi na kaming magkakasama ni Scarlet? Girlfriend mo sya di ba?" biglang natahimik si Matthew. Ilang segundo din nya akong tinitigan bago sya natawa.
BINABASA MO ANG
Sorry ha, Sorry! ((ON-HOLD))
Teen FictionAng kwentong ito ay pawang puro kalokohan lang na walang masamang intensyon. Basahin nyo kung ninanais nyo at baka sakaling matuwa kayo sa adventures ng Prestige Perfects, ang grupo ng anim nating bida.