-Michael's P.O.V-
Bwisit! Naiinis ako! Deputang letche nga naman oh! Bakit ba kasi napakalandi ng mga nilalang na yun. Akala mo naman kung sinong malapit sa'kin para ilahad ko ang nanyari sa'min ni Kuya Jayden.
Wag na kayong makulit at pilitin akong magkwento kung ano ba talaga ang nanyari baka mapatay ko kayo ng wala sa oras.
Nananakit yung kamao kong pinangsuntok ko sa pader. Napalakas kasi kaysa sa inaasahan. Yung phone ko nabato ko din sa sahig. Haaaaay, bayaan mo na nga, mapapalitan ko yan agad-agad.
Napansin ko ang mga titig ng mga kaibigan ko.
"Alam kong gwapo ako lalo na't kapag galit kaya wag nyo akong titigan. Pag ako nainis, maghahanap kayo ng mga donor ngayong araw para ipamalit sa mga sinira kong mata." nag-'tsk' ako sa inis.
"Wala nang mas gaganda pa kaysa sa mga mata ko kaya kapag sinira mo 'to, ang susunod mong kakausapin ay si San Pedro." tinignan ako ng masama no Adrianne.
"Gaga ka talaga kahit kailan, Drian!" natawang bigla si Keanne.
"But that's why you all love and adore me dearly." she smiled sweetly.
"Kaplastikan nyang ngiti mo ah. Alisin mo yan bago kita burahin sa mundong ibabaw." inis pa rin ako hanggang ngayon at hindi nakakatulong ang mga kaibigan ko para paganin ang loob ko, lalong-lalo na si Adrianne. Pero kung sabagay sinabi na nga nya na hindi nya ako icocomfort at pababayaan nya akong sarilihin ang problema ko.
"Hindi mo rin magagawa yan kung uunahan kita sa mga pinaplano mo, baliw. Kumalma ka nga, hindi masaya kung hindi kita kalevel eh." binato ako ni Adrianne ng isang maliit na box ng Ferrero Rocher. Yung tiglilima isang box.
"Guys, icheck nyo nga kung nilalagnat o kaya naman sinasapian yang babaeng yan." tumango sila June at hinampas ang palad nito sa noo ni Adrianne para icheck kuno ang temperatura ng nilalang.
"Tawag kayo ng ambulansya dali. Malala na ang kalagayan ng isang 'to!" nagfake panic si June.
"Hoy mga letsugas, ayusin nyo mga buhay nyo kung ayaw nyong ipadala ko kayo sa asylum." na-offend yata ang Drian namin. "Kung ayaw mo nyang Ferrero ko, pwede mo namang ibalik eh. Sorry ha sorry, yan lang kasi yung available sa bag ko eh. Malay ko bang mababad-mood ka. Di sana bumili ako ng 2 liters na coke para ibato sa'yo. Pasalamat ka nga at hindi masyadong masakit yang box na yan eh." kumuhabsi Adrianne sa bag nya ng isang box ng Almond coated Pocky.
"Ang awkward mo namang magcomfort ng isang tao, Drian. Wag mo na ulit gagawin yun ah. Pabayaan mo na lang sila Scarlet dun. Mang-asar ka na lang, dun ka naman magaling eh." ngumisi ako.
"Oo na lang, oh sya kayo na bahala mag-entertain dyan sa lalaking yan." ang bilis kumain ng gaga, biruin mo, ubos nya agad yung isang box.
"Oh ano Michael, kailangan ko na bang tawagan si Natalie nang ma-amuse ka ulit nitong si Matthew?" tawa nang tawa si Keanne habang si Matthew naman masama ang tingin sa kanya. Mukhang nag-iisip na si Matthew kung paano nya iaassassinate si Keanne ah.
"Mamatay ka na ngayon din Keanne." sinipa ni Matthew si Keanne sa may binti habang nagbabasa ng libro. Matutumb n sana si Keanne kung June kung hindi nga lang sya umiwas. Natumba si Keanne, face first.
"Aray ko naman! Junny bakit di mo ako sinalo! Ang sakit tuloy ng mukha ko!" sabi ni landi. Ang shunga nyo na kung hanggang ngayin hindi nyo pa kilala kung sino si landi.
"Tigilan mo na ang kasasabi ni Junny, Keanne! Naiirita na ako!" hinampas ni June si Keanne at alam ko namang sobrang lakas nun. I should know, nasampolan na nya ako eh.
BINABASA MO ANG
Sorry ha, Sorry! ((ON-HOLD))
Teen FictionAng kwentong ito ay pawang puro kalokohan lang na walang masamang intensyon. Basahin nyo kung ninanais nyo at baka sakaling matuwa kayo sa adventures ng Prestige Perfects, ang grupo ng anim nating bida.