Adrianne Illustre

192 3 0
                                    

-Adrianne's P.O.V-

Kailangan ko pa bang gawin to? As in talagang kailangan? Hayyy, sige na nga...okay basic info. muna.


 Adrianne Illustre, 16 years old. MAYAMAN: check! MATALINO: check! TAMAD: check! SARCASTIC: check na check! Half maldita half sadista: check! Magandang nilalalang: big check. 


Yan, tapos na ba? What? Hindi pa...lulubus-lubusin ko na nga.


 Anak ako ng may-ari ng mga clothing lines/ fashion industries at recording company. Taray no? Isa ako sa mga pinakasikat sa school namin, kasama ng mga nagsisigandahan at nagsisigwapuhan kong mga kaibigan. Aba syempre dapat lang na maganda't gwapo sila. Sa dami ng humahanga sa'min, halos lahat ng mga students dito sa school ay lumilinya tuwing umaga para batiin kami. Shocking? No, not really. BUT, hahahaha, 'wag kayo, super maldito't maldita kami. May mga times nga din na lumalabas yung pagka-sadista namin eh.


Hay, anyways, kung nagtataka kayo kung saang lupalop ako nagproprologue, ako lang naman ay nasa aming air-conditioned, hotel like restroom. Bongga ng school namin noh? hahaha, so ngayon, naghuhugas ako ng aking kamay nang biglang may pumasok na isang babaeng may suot na SHORT shorts at HANGING blouse! My gosh ha, ang pangit nyang tignan. Pokish yung dating eh.


Lumapit sya dun sa may sink tapos naglabas ng make-up kit then na retouch. Bago pa ako matapos maghugas ng kamay, tinanong ako ni girl.


"Miss maganda ba yung suot ko? Bagay ba sa make-up ko?"


Tinignan ko sya with my ever so famous bored plus impassive look. Tapos pinagtaasan nya ako ng kilay.


"So, ano na miss?"


"Tinatanong mo ako kung bagay yung damit mo sa make-up mo di ba?" Tinanong ko sa pinakasweet kong boses.


"Yup. Kailangan ko pa ba ulit-ulitin?" Inirapan nya ako sandali sabay balik ng tingin sakin. Aba, loka ka ah! May gana ka pang mang-irap?! Ingudngud ko kaya yang pagmumukha mo sa toilet bowl nating laging may Lysol?!


"Ah, hindi naman at OO, bagay yung make-up mo dyan sa damit mo---"


"Ay talaga?"


"Bastos lang?! Hindi pa nga ako tapos magsalita eh...tsss. As I was saying bagay nga, para kang clown eh. Tignan mo nga yang mukha mo, sobrang puti. Ano ka espasol? Tapos yung lips mo sobrang red? Idagdag mo pa yang damit mong napaka-tingkad ng kulay! See, perfect clown!" Ngumisi ako.


"WHAT?! Miss nakaka-offend ka ha! Isa pang tanong, pag di ko na gustuhan yang sagot mo, humanda ka."


"Hn..."


"Maganda ba ako miss?" Tanong nya, halatang galit na. Namumula na sa galit yung mukha nya eh.


"Oo, isang magandang hinog na kamatis."


At dahil isa ako mischievous na bata, ha! Nilayasan ko sya. Sa sobrang inis nung babae hinigit nya ako pabalik sa loob ng CR at tinignan nya ako ng masama, yung kuko nyang neon pink ay bumabaon na sa balat ko. Ugh! She dared to do that?! Hindi nya ata ako kilala eh...hmmm, we'll see after I take my final wave of pure sarcasm!


"Miss, ano bang problema mo?! Tinanong kita ng maayos eh!"


"Sorry ha, sorry! Ang alam ko kasi sinagot din nman kita ng maayos eh. At hoy ikaw na babaeng espasol na nagkatawang tao....ang kapal din ng mukha mong tanungin ako kung anong problema ko eh ikaw nga itong nanghaharass?! Gusto mo ayusin ko yung sagot ko? Oh sya sige pagbigyan. Oo maganda ka..." Magsasalita pa lang sya pero pinigalan ko na. 


"Wag kang bastos di pa ako tapos...maganda ka, kasing ganda mo nga yung basurahang naglilimahid sa dumi at lumot eh! Bitiwan mo ako kung ayaw mong magkaroon ng away." Kakangisi ako habang sinasabi yun. Binitawan nya ako at napansin kong nanginginig na sya. Tumingin sya sakin at natawa ako sa mukha nya.


Yung mukha nya, bukod sa namumula ay basang basa na...yung mascara nya sumasama na sa luha nya tapos may sipon pang lumalabas...ewwwwwww!


"Ikaw..."


"Hindi mo talaga ako kilala no...b**ch? Oh eto, isang pagpapakilala, truly yours..."At dahil hindi pa ako nakuntento sa pagpapaiyak at pangiinis sa kanya, I did what I call my final shot. 


*PAAAAAK!*


"Adrianne Illustre..." Sinampal ko sya. Yung right cheek nya na kanina pa namumula sa galit ay lalo pang namula mula sa sampal ko.


"A-Adrianne Illustre?" Nagulat sya.


"Yes, my clown...ako nga si Adrianne Illustre...and I'm going to make sure that you would regret ever picking a fight with me~! Adieu!" At umalis na ako sa banyo.


Ha! Serves that b**ch right! Oh, see? Kaya nga dapat wag nyo na akong subukang banggain, kasi baka magaya kayo dun sa babaeng kamatis na yun. Shishishi~ Oh well, it was fun! Sana may maglakas loob ulit na kalabanin ako~!

_____________________________________________________________________________

A/N: how was it? hahaha, natatawa akong isulat tong chapter na 'to xD

Opo, si Adrianne po yung nasa pic.

Sorry ha, Sorry! ((ON-HOLD))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon