-June's P.O.V-
OO, Prologue ko 'to! Walang aangal.
Ako nga pala si June Capiobianco, 16 years old, anak ng may-ari ng mga airports and train stations sa ibang bansa. Mayaman, nman! BLUNT, oh yes. Mahilig mambara, lalong oo. Ako at ang mga kaibigan ko ay mga malidito't maldita, may halong sadista din. hahaha, oh ano, trip mo pa bang awayin kami?
Paano nga ba ako nang-aaway? Watch and learn...
-Library, isang araw bago itong prologue na 'to-
Tahimik akong nagbabasa ng mythology book sa aming fabulous library. Ayos na sana lahat eh; malamig, tahimik, maganda ang ambience kaso...may mga dakilang epal eh...
"Babe, san ka galing kanina?"
"Sorry Babe, nakatulog ako eh."
"Okay lang Babe. Kumain ka na ba?"
"Hinda pa, Babe."
One word: MALALANDI. Hay iba na talaga ang panahon ngayon, puro malalandi na ang tao, saan ka man tumingin, nagkalat ang may mga sakit na kalandian, para bang nakakahawa 'to. Buti na lang nagpa-vaccine ako para dyan.
"Babe..."
Yuck, kadiri. Masampolan na nga 'tong dalawang nakakadiring nilalang na 'to.
"Sa pagkakaalam ko kasi, library 'to, hindi park o mall. Kaya kung puro landian lang ang gagawi nyo, lumayas na lang din kayo ngayon din. At isa pa 'wag kayong feeling, hindi kayo cute tignan. Nagsasalamin ba kayo sa bahay nyo? Bago kayo lumandi siguruhin nyo munang hindi kayo mukhang nakakasurang nilalang 'kay? Nakakasuka kayong tignan." Haha, ang sarap talaga magtaray. Syempre with matching taas kilay dapat para fierce.
"Teka, sino ka ba---" Aba sumasagot pa 'tong isang to.
"San lumalop ka ba galing at di mo ako kilala?" Nakapameywang na ako.
"Sorry po, Ms. Capiobianco, pagpasensyahan nyo na po sya." Sagot nung babae. Hah, matakot kayo! Hahaha!
"Okay lang basta next time di nyo na uulitin." ngumiti ako ng plastic, yung ngiting nakakaloko ba. "Ngayon, alis."
"Teka nga, wala akong---" Aba...sige kuya sagot lang, maganda yan.
"Sorry ha, sorry. 'Di ko alam na tanga ka pala na hindi nakakaintindi ng tagalog. Anong lenggwahe ba naiintindinhan mo? Italian? Spanish? Tsss...Shunga, alis na nga. Ayoko ng pinaghihintay!" Hindi ko na pinagsalita pa ulit yung lalaki. Nakaramdam na siguro yung babae kaya hintak na lang nya palabas yung nakakairitang boyfriend nya. Hahaha! Ano, aangal pa eh.
-End of Flashback-
Oh, fierce ko 'di ba? Hahaha, I can't wait na magkaroon ulit ng next victim~ Hahahaha!
_____________________________________________________________________________
A/N: pasado na ba ako sa pag-gawa ng humor, and plotless story? hahaha, comments naman dyan oh!
BTW, si June yung nasa pic.
BINABASA MO ANG
Sorry ha, Sorry! ((ON-HOLD))
Novela JuvenilAng kwentong ito ay pawang puro kalokohan lang na walang masamang intensyon. Basahin nyo kung ninanais nyo at baka sakaling matuwa kayo sa adventures ng Prestige Perfects, ang grupo ng anim nating bida.