Chapter XXIV: Answers.

50 1 0
                                    

-Gian's P.O.V-

Hindi ko alam kung ilang oras na kami dito sa park ni Scarlet. Kanina pa sya tumahan sa pag-iyak pero nakayakap pa rin sya sa'kin hanggang ngayon. Lutang sya ngayon at parang kahit anong oras maiiyak sya. Dahil sa ayaw ko namang mapahiya ang isang ito sa harap ng marami dahil umiiyak sya habang nakaupo kami sa kalsada gawa nga ng pagligtas ko sa kanya kanina, minabuti ko na buhatin sya papunta dito sa park. Huhulaan ko, hindi din nya napansin na binuhat ko sya, pero ayos na rin 'yon. Alam ko naman na masakit yung nalaman nya at siguro lang ha, pero siguro natakot sya dahil muntik na syang mamatay at muntik na rin ako mamatay. Naalala ko noon, kung paano sya...kahit bratty at makulit, sobrang pinahahalagahan nya ako...


"Gian Kurt Strauss? Kung tama ang pagkakaalala ko, matagal mo ng kilala ang kapatid ko." naalala ko yung usapan namin kanina ng kuya ni Scarlet.


-Flashback-

"Opo, but it seems to me she doesn't remember a thing. Nevermind that, ano nga po pala ang kailangan nyo sa'kin?" magalang kong tanong. Ngayon ko lang sya nakausap pero alam kong mabait naman sya. Itsura pa lang pati aura nya eh. Di tulad ng kapatid nya...tsss. Napakamaldita.


"Ah...Gian, pwedeng pa favor? Alam kong ngayon lang kita nakilala pero alam mo ba, pinagkakatiwalaan kita." Ngitian ako ni Kuya Gray. Wag kayo hindi sa feeling close ako, sadyang magalang lang ako kaya kinukuya ko yung kapatid ni Scarlet.


"Hindi po sa umaangal ako ha, pero matanong ko po kung bakit? I mean madalas sabihin sa'kin na hindi ako mukhang katiwa-tiwalang tao." At least honest ako. Ano namang magagawa ko kung gwapo ako pero hindi mukhang katiwa-tiwala kasi masyado daw akong tahimik at misteryoso. Tsss, mysterious my arse, may kilala akong mas hindi mukhang katiwa-tiwala pero at itsurang anghel. 


"Ikaw pa lang ang kauna-unahang lalaking dinala nya dito sa bahay pwera sa mga lalaki nyang kasama sa Prestige Perfects. Madalas kung may party dito sa bahay, dahil required si Scarlet magsama ng escort nya, si Matthew o kung hindi sya available, si Keanne ang dinadala nya. Minsan si Michael din." gusto ko sanang itanong kung bakit kailangan ng escort ni Scarlet, kaya lang baka magmukha ako shunga at pakielamero. Kaya naman iba na lang yung tinanong ko.


"So anong favor po ba yung gusto nyong ipagawa?" kumunot yung noo ko ng iabot nya sa'kin ang isang susi. Kinuha ko ito at pinagmasdan. Mukhang vintage ang isang ito. "Maganda yung susi pero ano naman po ang gagawin ko dito?" tanong ko.


"Pumunta kayo ni Scarlet sa kwarto nya. Hanapin nyo yung kapartner ng susing 'yan- isa yung vintage chest. Gian, gusto ko kapag nalaman na nya yung laman ng chest na iyon, wag kang aalis sa tabi nya. Kailangan ka nya..." 


-End of Flashback- 

Hindi ko na kasi tinanong kay Kuya Gray kung bakit nya ako gustong manatili sa tabi ni Scarlet nung mga oras na 'yun kaya naman maski ako nagulat sa naging reaksyon ni Scarlet. Hanggang ngayon gulat pa rin ako. Hindi ko inakala na makikita kong ganito si Scarlet.


"Gian?" napakurap ako ng marinig kong tawagin nya yung pangalan ko. Woooo, ang lalim siguro talaga ng iniisip ko kanina pa. Siguro mga ilang beses na rin ako tinawag ng isang ito.

Sorry ha, Sorry! ((ON-HOLD))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon