Chapter XIV: Adrianne's Story!

84 2 0
                                    

-Adrianne's P.O.V- 

Ang hassle naman ng gustong ipagawa sa'kin ng tatlong 'to. Oh wag shunga, wag nang itanong kung sino yung tatlong sinasabi ko. Nakakayamot naman, bakit ko ba kailangan sabihin sa kanila? Pero...siguro nga para naman maintindihan ni Pierre ang dahilan ko...

Ha! As if! Hindi ako tanga para sabihin ang lihim ko, kaya nga lihim eh...sikretong malupit yun!

"Adrianne..." hinila ako ni Keanne. Hindi naman malakas, tama lang para tumigil ako sa palakad-lakad ko. Pinagtaasan ko sya ng kilay.

"Hn?"

"Wala kang balak magsabi ng totoo, ano?" oh, sharp as ever, I see. Mapagmasid talaga itong si Landi.

"Minsan, may mga bagay na mas maganda kung hindi na sasabihin. May mga bagay na dapat manatiling sikreto para sa ikabubuti ng lahat. Parang ikaw lang at si Michael. Lahat naman tayo may mga bagay na ayaw natin ipaalam sa iba..." umupo ako sa tabi nya. Napabangon mula sa kama ko si Michael.

"Pero alam din nating tatlo na hindi ka titigilan nila Matt hangga't hindi nila naririnig ang gusto nilang malaman. Ako man ay interesado din eh, maaring nalaman namin ni Keanne ng hindi sinasadya kung anong meron sa pagitan nyo ni Pierre pero, hindi din naman namin alam kung ano talaga ang nangyari sa'yo...kulang-kulang ka kasi kung magkwento." napahikab si Michael tapos nahiga ulit.

"Kung inaantok ka, bumalik ka na lang sa kwarto mo...wag kang matulog dito sa kwarto ko. Tsaka isa pa, gaya nga ng sabi ko kanina, may mga bagay na mas maganda kung mananatiling sikreto." iniikot ko lang ang mga mata ko. Tsk, ito ang ayaw ko sa lahat eh, yung pinipilit akong sabihin ang mga nalalaman ko. 

May kumatok sa pinto. Walang tumatayo sa'min para pagbuksan kung sino man yun. Patuloy yung nilalang sa pagkatok.

"Alam ko naman na gising kayong tatlo dyan sa loob...at alam kong naiinis na kayo sa pagkatok ko, kaya nga buksan nyo na po kaya itong pinto ng matapos na 'to? Malalagot kasi tayong apat kay Ms. June at Mr. Matthew kung hindi pa kayo lalabas dyan." mahinahong sabi ni Pierre pero parang may mali sa kanya.

"Pierre...pumasok ka muna dito. Kayong dalawa, layas muna!" utos ko dun sa dalawang surot na nakikibahay dito sa kwarto ko.

"Wag kayong gagawa ng kung ano ah~! Sige bye~!" masayang pinagbuksan ng pinto ni Keanne si Pierre bago sila lumabas ni Michael. Bago nila isara yung pinto narinig kong tinawag na malandi ni Michael si...well, hulaan nyo na lang.

"Adrianne, tara na dun kila Ms. June..." hinila ni Pierre yung kamay ko pero hindi ako tumayo. Nakaupo lang ako dun sa couch sa kwarto ko at tinititigan sya.

"Sinabi mo talaga sa kanila...baliw ka talaga. Dito ka nga muna, maupo ka." hindi na sya umangal pa at umupo na lang sa tabi ko. Nakayuko sya at hindi nagsasalita.

"Haaaaay, bakit mo ba kasi sinabi pa sa kanila yun? Nagtapang-tapangan ka pa kanina at sinabing okay na ang lahat, tapos ngayon...haaay, tignan mo nga, nanginginig ka sa takot ngayon." hindi ko na pinansin ang paghigpit nya sa hawak nya sa kamay ko. Hinayaan ko na lang syang gawin yun.

Sorry ha, Sorry! ((ON-HOLD))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon