A/N: Hello there, readers! Kung saka-sakaling hindi nyo na binasa yung note ko nung last chapter kasi tinatamad na kayo, pwes ngayon basahin nyo muna 'to. Wag bastusan. Para hindi kayo maguluhan kung bakit nasa P.O.V na 'to ni Scarlet, ipapaalam ko lang sa inyo na ito na ang start ng arc ni Scarlet (nakabold at nakaitalicized pa 'yan para mapansin nyo.) kasi nga di ba, tapos na yung kay Adrianne? Tsss. oh sya, magpatuloy na tayo sa chapter na ito.
_____________________________________________________________________________
-Scarlet's P.O.V-
*yawns* Haaaaa! Nakakaantok naman ang klase ngayon, bakit ba kasi pinagpilitan pa nila June at Landi na pumasok kami ngayon? Buti pa si Adrianne at si Pierre, hindi na pumasok ngayon kasi daw aalis daw sila. Speaking of Adrianne, ganda talaga ng ugali ng babaeng 'yun. Ala-singko pa lang kaninang umaga, pinalayas na kami sa bahay nila. Badtrip lang eh, sino ba kasi sa'min lima ang nagpa-alarm, nainis tuloy si bunsoy.
"Huy!" anak ng---
"Ano bang problema mo, Matthew?! Inaano ka ba at nang-gugulat ka na lang bigla?!" inis kong tanong. Hindi maganda ang gising ko kaninang umaga dahil nga biglaan at wala sa plano ang ginawang pagpapalayas ni Adrianne sa'min.
"Ang pangit mo kasing tignan kaya naman ginulo kita." kita mo 'tong lalaking 'to. Nanahimik ako tapos langyang guguluhin ako?! Eh kung ipakalat ko kaya sa lahat na may gusto 'to kay Natalie?! Bwisit lang!
"Che! Tigilan mo nga ako. Inaantok ako eh! Si Landi na lang guluhin *yawns* mo." hinampas ko sya sa braso nya.
"Eh di matulog ka...common sense di ka naman papagalitan ni Ma'am Christa." hindi na pinatulan pa ni Matthew ang paghampas ko sa braso nya.
"Ayokong bastusin si Ma'am. Sya na nga lang at si Sir Yuri ang matino dito eh, babastusin ko pa. Hindi naman ako katulad mo eh, lahat sinusungitan maliban kay Natalie." napatakip ako ng bibig ko kasi biglaan na naman akong napahikab.
"Eh, kesa naman mukha kang timang dyan na pumipikit-pikit na. Tsaka kahit naman tulugan mo si Ma'am, hindi naman magagalit sa'yo yan. Di mo gayahin si Drian, tinutulugan halos lahat ng klase. Tignan mo," tinuro nya si June.
"Oh, anong meron kay June?" tanong ko.
"Nagdodrowing lang sya at hindi na nakikinig kay Ma'am..." batukan ko kaya 'to si Matthew. Hindi ako bulag para di malaman kung anong ginagawa nya, ang gusto ko lang malaman ay kung ano ang point nya at ginawa pa nyang example si June at Adrianne.
"Alam kong nagdodrowing sya, hindi ako bulag. Ano ba kasi ang gusto mong iparating?" inis kong tanong.
"Point is, kahit hindi ka naman makinig, basta ba mataas ang grade mo, matutuwa si Ma'am sa'yo." nakibit-balikat si Matthew. Totoo ba 'tong naririnig ko?
"Concern ka ba? Ganun kasi ang dating sa'kin eh..." yun na lang ang nasabi ko.
"Kung oo, matutulog ka na ba? Kanina pa kasi ako naiirita sa pagmumukha mo eh, ang pangit kasi." wow, ang gwapo ng nilalang na 'to ha.
BINABASA MO ANG
Sorry ha, Sorry! ((ON-HOLD))
Teen FictionAng kwentong ito ay pawang puro kalokohan lang na walang masamang intensyon. Basahin nyo kung ninanais nyo at baka sakaling matuwa kayo sa adventures ng Prestige Perfects, ang grupo ng anim nating bida.