Chapter II: Lunchtime Mayhem!

153 3 0
                                    

-Lunchtime- 

Lahat ng mga estudyante ay either nasa high class cafeteria ng academy or nasa malapit na high-class cafe dahil nga di ba, lunchtime ngayon.

"Ahhhhhhhh, napasarap ata tulog ko. June, anong oras na?" napahikab pa nang nagtanong si Adrianne kay June.

"12 lang nman. Ayos ka din no, hindi kayo nagpractice ni Kevin, tinulugan mo lang yung buong practice session natin eh." iniikot ni June ang mga mata nya.

"Talaga? Tinulugan ko pala sya, maaaaah~ bahala sya, kaya naman namin makasunod eh." kuntentong sagot ni Adrianne.

"Sira ka! Tama ba yang ganyang asal, aber?" pinagtaasan ng kilay ni Matthew si Adrianne.

"Ararara~ Kailan ka pa naging mabait, moreover, kailan pa kita naging nanay, aber?" syempre, pinagtaasan na rin ng kilay ni Adrianne si Matthew.

"Wala din naman patutunguhan yang ayaw nyong dalawa, tara kumain na lang tayo~" masiglang sinabi ni Scarlet habang hinihila si Matthew at Adrianne patayo.

"Hephep...ano nga ulit yung naging usapan natin tungkol sa physical contact?" mataray na tanong ni Matthew. Iniikot lang ng mga kasama nya ang mga mata nila.

"Ang arte mo. Promise!" sabat ni Keanne.

"Ikaw ba kausap ko? Wag kang sasabat, malandi ka talaga!" tinignan ng masama ni Matthew si Keanne.

"Woah! Tara kain na nga tayo, gutom lang yan..." tinulak lang ni Michael si Matthew palabas ng napakalaki at high-class, air-conditioned gymnasium ng Reinhold. Nais pa sanang magprotesta ni Matthew pero hindi na nya nagawa dahil nilagyan na ni June ng magic tape ang bibig nito.

"Tanggalin mo yan at kakalmutin kita sa mukha, subukan mo lang..."pagbabanta nito kay Matthew. Bumuntong hininga lang ang nasabing lalaki bago tinanggal ang tape.

"Teka, hindi na nga ako mag-iinarte, sige na stop na 'ko! Tara't kumain na lang." sa huli, umayos na rin ng kilos si Matthew. Paglabas nila ng gymnasium, nabangga sila ng Miracle Idols.

Ang Miracle Idols ang rival group ng Prestige Perfects. Sa totoo lang, wala naman talagang binatbat ang mga Idols na yan sa mga Perfects natin. Lagi silang talo, hindi nga maintindihan ng mga perfects kung bakit hanggang ngayon, nilalabanan pa rin sila ng mga talunang yon. Hay, pinapahiya lang nila ang sarili nila.

Hindi alam ni Adrianne kung sinadya ba ni Lucas, ang kambal ni Alicia, na matapunan sya ng mineral water o aksidente talaga. Nang marinig nyang tumawa ang lalaki, tinitigan nya ito ng mabuti.

"Uh-oh, patay kayo. Maling tao pa ang napagtripan nyo." bulong ni Matthew. Siguradong isang magandang palabas ang manyayari ngayon.

"Napagtripan?! Hoy, anong akala nyo sa'kin, cheap? Sasayangin ko yung mineral water ko para lang mabasa sya, huh. Dream on, hinding hindi kita pag-aaksayahan ng panahon, dapat nga mag-sorry ka pa sakin dahil binangga mo ako! Muntik nang malaglag yung iPhone ko!" galit na sinabi ni Lucas.

Sorry ha, Sorry! ((ON-HOLD))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon