Chapter X: Arrival and Revelation!

119 2 0
                                    


Bago ko simulan itong chapter na ito, paalala lang, ito na po ang start ng "Past Arc" ng bawat characters, so sisimulan natin kay Adrianne:

_____________________________________________________________________________

-Adrianne's P.O.V- 

Fudge! Bakit kasi ngayong ko lang naalala, dapat kasi kanina pa ako umuwi! Moreover, dapat hindi na ako pumasok eh! 'Wag nang magtanong, busy akong magmadali.

"Kuya Claude, bilisan mo, dalhin mo agad ako sa bahay." utos ko pagsakay na pagsakay ko sa Mercedez-Benz CL65 AMG Coupe ko. Imported from Germany 'yan. Taray ano? Ahahaha! Teka hindi ngayon ang oras para magyabang! Kailangan kong magmadali!

Pagdating ko sa aming mansion, oh yes, mansion lang ang bahay namin dito sa Pilipinas. Medyo maliit nga eh. Mala-kastilo kasi ang bahay namin sa France eh, hahahaha! Ok na, tama na. Nagbihis agad ako at nagmadaling bumalik sa kotse ko.

"Kuya, dali sa airport na! Kailangan nating makarating doon within 25 minutes." kaya ni Kuya Claude yan basta ba inutos ko eh. Personal butler ko sya at mas matanda sya sa'kin ng 6 years. Kayo na bahalang magbilang kung ilang taon na sya, may utak kayo di ba?

"Kasi naman Ms. Adrianne, bakit ka ba kasi nagpumilit pumasok? Wala naman sa'yo yung CD na ginawa mo kagabi, hindi ka na nga ginising ni Marie. May pagka-abnormal ka din, ano po Ms. Adrianne. Kung kailan hindi ka dapat maaga gumising, tsaka ka naman nagising nang maaga at kusa pa. Oh ha, san ka pa?" natatawa nyang sabi.

"Tigilan mo ako. Wala ako sa mood makipagtarayan sa'yo." tinignan ko sya nang masama. Tinawanan lang nya ako. "Ano nasiraan ka na ba ng bait at tumatawa ka nang walang dahilan?" iniikot ko yung mga mata ko.

"Mauuna kang mapadala sa asylum kaysa sa'kin, Ms. Adrianne. Oh sya andito na tayo. Ikaw na bahala magmadaling tumakbo papasok, dito na lang ako at maghihintay." oh, sabi ko naman sa inyo eh, mabilis magpatakbo ng kotse si Kuya Claude eh.

"Ang sabihin mo, tamad ka lang. Sige na nga, lalabas na ako." at yun na nga, ginawa ko na kung ano dapat ang gawin, magmadaling pumunta sa loob. Saktong pagdating ko, nakita ko na yung taong ipinunta ko dito.

"Ara~ Adrianne dear, ikaw na ba yan?" gusto kong mag-face palm sa totoo lang pero nagpipigil ako.

"Hindi, hindi ako ito, Kuya. Pwede bang umayos ka nga!" umiwas ako sa nakamamatay nyang yakap. Oo, tama nga ang narinig nyo kaya wag nyong ipaulit-ulit sa'kin. Bigyan ko kayo pambili ng cotton buds para maglinis ng tenga nyo para di tanong ng tanong.

Ang nasa harap ko ngayon at ang dahilan kung bakit ako nandito sa airport ay walang iba kundi ang super kapalmuks kong one and only Kuya/ kapatid, si Gabriel Illustre.

"Drian dear naman eh, apat na taon kitang hindi na kita tapos ganito ang trato mo kay Kuya? Anong nanyari sa sweet little angel ko?!"  I'm so glad hindi ako nagmana sa kanya, dakilang OA kasi eh!

"Kuya Gab, s**t things happened to your lil' sis. Kaya nga ako nadamay din eh. Not to worry, love ko pa din naman sya eh." sabi nang isang pamilyar na boses.

"Ohh, I feel so honored na sinalubong ako ng sweet little devil ko." dito naman ako proud sa Kuya ko. Sa kanya ko namana ang walang kupas na pagiging sarcastic to the bones!

Sorry ha, Sorry! ((ON-HOLD))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon