-Scarlet's P.O.V-
"Ang totoo kasi nyan..." panimula ko. Huminga muna ako ng malalim bago ako nagpatuloy sa sasabihin ko. "Wag kang tatawa kundi makakatikim ka ng sapak na may sampal at tadyak on the side." sabi ko.
"Seryoso kasi, pero sige hindi ako tatawa. Tsss, kung makapagbanta ka, kala mo di ka babae ah. Sus, sweetheart pa nga ang tawag sa'yo ni Ma'am Christa..." pagcocomment pa nya. Dami talagang alam ng isang ito eh, pwede naman pag-aagree lang, dinagdagan pa ng kalandian.
"For once, pwede bang maging maayos kang kausap?" napabuntong hininga ako. Ang sakit sa ulo kausap ni Gian. Try nyo minsan nang hindi lang ako ang sumasakit ang ulo. Nakakaloka kausap 'tong nilalang na ito.
"Sino bang nanguna? Ikaw kaya yung nagbanta sa'kin dyan. Seryoso na ako kanina eh, tapos ano, ikaw nagloko. Tsss, ikaw yung dapat umayos." pinitik nya yung noo ko. Mashaaaakeeeet! Ang lakas nung pitik nya!
"Ouch! Geez, ang bait mo talaga! Pero sige na nga, back to the topic na tayo...pero bago yun..." syempre gumanti ako. Kinurot ko yung kamay nya. Mahaba yung kuko ko, mind you, kaya may naiwang malalim na marka at namumula pa yung part na kinurot ko.
"Aray ko naman!" reklamo nya, pero dahil maganda ako, hindi ko na lang sya pinansin.
"Tanong ko lang ha, naexperience mo na ba yun may naalala kang mga bagay-bagay pero hindi mo naman matandaan na nangyari sa'yo o kaya naman may napapanaginipan kang mga bagay na hindi mo malaman kung panaginip nga lang ba talaga 'yon pero parang imposibleng mangyari dahil sobrang makatotohanan?" napaisip naman sya sa tanong ko. Good, mukhang umaayos na talaga kausap 'tong isang 'to.
"Una sa lahat wala pa akong naeexperience na ganyan. Pangalawa, anong malay ko dyan sa mga pinagsasasabi mo, gaya nga kasi ng sabi ko, hindi ko pa naeexperience yang mga ganyan." kaloka ang isang 'to. Pwede naman simpleng hindi na lang. Pinagtitripan talaga ako ng Gian na 'to eh!
"Kinakausap ka ng maayos ah. Akala ko ba tutulungan mo ako sa problema ko?" iritado kong tanong.
"Wala akong sinabing ganyan, ang sabi ko lang, kakausapin kita tungkol sa problema mo, pero hindi ko sinabing tutulungan kita." please, paisang batok lang sa isang 'to. Kahit isa lang basta malakas at pang-alog utak.
"Nyemas, eh wala ka naman palang dulot eh. Nakakabadtrip ka talaga. Ang sarap mong pugutan ng ulo at tapos gagawin kong bowling ball yun." napasimangot na naman ako. Everytime na lang na kausap ko si Gian, sumisimangot ako. Ni hindi man lang ako matuwa-tuwa kapag kausap ko sya.
"Harsh. Pero, kung ikaw nakaexperience na nun, hindi ba dapat naghahanap ka na ng mga kasagutan ngayon? Kung hindi may hindi ka maalala, bakit hindi ka maghagilap ng mga pictures para naman kung saka-sakali eh may maalala ka." sus, kailangan pala tinatakot muna itong isang 'to eh. Pakipot pa, tutulungan din naman pala ako.
"Tingin mo hindi ko pa ginagawa 'yun?" cue, taas ng kilay.
"Anong malay ko...ako na ba ngayon si Scarlet Naervaez para malaman kung ano ang mga nagawa mo na sa hindi pa? Yuck." maka-Yuck 'to, kala mo naman gugustuhin kong maging sya. Ewwww!
BINABASA MO ANG
Sorry ha, Sorry! ((ON-HOLD))
Ficção AdolescenteAng kwentong ito ay pawang puro kalokohan lang na walang masamang intensyon. Basahin nyo kung ninanais nyo at baka sakaling matuwa kayo sa adventures ng Prestige Perfects, ang grupo ng anim nating bida.