-June's P.O.V-
Araw ng Sabado ngayon at katatapos lang ng Dance Fest kahapon. Dahil champion ang klase namin, may one-week trip kami sa Baguio bilang premyo namin. Libre lahat, ang hotel fee, food expenses at travel expenses. Haaaay~ Ang sarap naman ng buhay namin! One week break sa klase, may grade pa kami agad sa lahat ng subject ng linggong 'yun
"Nandito na ako..." nilingon ko si Scarlet na kapapasok lang sa sala ng Prestige Lounge. Mukhang maayos naman ang lagay ni Gian dahil hindi haggard ang isang 'to.
"Kamusta?" Tanong ko nang makaupo sya sa armchair na katabi ng inuupuan ko.
"Ayun, nakalabas na sya sa ospital. Kung ako naman ang kinukumusta mo, as you can see, beautiful pa rin ako!" Good mood masyado si Scarlet, pero 'di ko rin naman sya masisi. Alam ko naman na sobrang nag-alala sya para kay Gian eh. To think na nag-volunteer pa syang magbantay. "Oo nga pala, anong ginagawa nya dito?" sabay turo kay Pierre na nakaupo sa couch namin.
"Pinapunta ni Keanne at Michael. Gustong makipaglaro sa kanya eh. Masanay ka na sa pagmumukha nya." Kumaway pa si Pierre kay Scarlet at ngumiti sa kanya. Kinawayan lang sya ni Scarlet pabalik. Ni hindi man lang nabother si Pierre eh.
"Hindi ba ako welcome dito?" tanong nya. Umiling si Scarlet.
"Wala akong sinabing ganoon. Tinatanong ko lang kung bakit ka nandito. Asan nga ba si Keanne at Michael?" tanong ni Scarlet sa'kin.
"Ginigising si Adrianne. Pagkakain kasi kanina ng agahan ni Bunsoy, mga sampung minuto ang lumipas tapos bumalik sa pagtulog. Kung si Matt naman ang hahanapin mo, umalis sya. Umuwi sa kanila at bumisita daw ang Auntie nya." Sagot ko.
"Ikaw, wala kang plano ngayon?" tinaasan ko sya ng kilay.
"Ayaw mo akong makita?"
"Wag kang magdrama, June. Tinatanong ko lang...masamang maging curious?" ngumiti sya sa'kin. Nginitian ko lang din sya. Actually may plano talaga ako ngayon, kaya lang di na ako tumuloy kasi tinatamad ako eh.
"Arara~ Nakabalik ka na pala Scarlet? nilingon ko si Adrianne. Kagigising lang nya pero may hawak na agad na laptop.
"Asan si Keanne at Michael?" tanong ko.
"Naglalandian pa...hahaha! Joke lang, si Keanne sinagot yung phone nya, si Michael naman nag-CR. Sakto...Pierre, kausapin daw natin si Uncle William. Tinawagan ako kagabi ni Kuya Gab, tayo na daw ang magsabi kay Uncle William dun sa nangyari kay Gian. Di pa rin pala sila nagkakabati eh." Umupo sa tabi ni Pierre si Adrianne atsaka binuksan yung bitbit nya laptop.
"Oho? Close pala talaga kayong dalawa kay Gian?" tanong ko. Ang dami kasing alam ng dalawang 'to tungkol kay Gian eh.
"You could say that." Sagot ni Adrianne. Mukhang mag-iiSkype 'tong dalawang 'to ah.
"Wag kang magseselos, Scarlet ah? Friends lang si Gian at Drian." Natawa naman ako dun sa sinabi ni Pierre. Hahaha! Wow! The best mang-asar ang isang 'to, kahit mukhang inosente at mabait, grabe din pala kung mang-asar 'to!
BINABASA MO ANG
Sorry ha, Sorry! ((ON-HOLD))
Fiksi RemajaAng kwentong ito ay pawang puro kalokohan lang na walang masamang intensyon. Basahin nyo kung ninanais nyo at baka sakaling matuwa kayo sa adventures ng Prestige Perfects, ang grupo ng anim nating bida.