A/N: May isang nilalang sa tabi ko na nagsabi sa'kin na ipaliwanag ko daw yung sistema ng Reinhold at naguguluhan daw sya. Pwes, ito oh, para sa ikaliliwanag ng storya ko at para sa ikatatahimik ng nilalang na ito.
•§ Boarding type ang Reinhold Private Academy. May nakalaan na dorm para sa mga studyante na nasa loob din ng super lawak na campus ng Reinhold. (As in malawak talaga to the point na may forest at lake pa sya) Malayo ito sa main grounds ng Reinhold pero walking distance lang naman sya. Nasa mga studyante na lang kung magdodorm sila o kaya naman magpapapkahirap sila para lang umuwi sa bahay nila araw-araw.
•§ Ang Prestige Lounge ay special room na exclusive lang para sa Prestige Perfects. Ito ang nagsisilbing dorm nila at tanging mga authorized person at mga Perfects lang ang pwedeng pumasok sa special building kung nasaan ang Prestige Lounge. Unlike sa ibang dorm buildings, anytime of the day pwedeng pumasok dito ang mga Perfects.
•§ Sa Chapter I: Meeting the Prestige Perfects, galing sa bahay nila Adrianne sila June, Keanne at malamang sa malamang si Adrianne. Wala lang magawa sa buhay yung dalawa kaya naman binulabog nila ng dis-oras ng gabi si Adrianne. Sa bahay naman nila Matthew galing sila Michael, Scarlet at syempre si Matthew. Gaya nila June at Keanne, nambulabog lang din sila Michael at Scarlet ng dis-oras ng gabi at ginambala ang pagpapahinga ni Matthew.
•§ May mga araw talaga na umuuwi ang Prestige Perfects sa mga pamamahay nila...kung bakit, it's either na sawa na sila sa Prestige Lounge o kaya naman may emergency o okasyon.
There. Magtanong lang yung may itatanong tungkol sa story. Sasagutin ko lahat yan.
BINABASA MO ANG
Sorry ha, Sorry! ((ON-HOLD))
Teen FictionAng kwentong ito ay pawang puro kalokohan lang na walang masamang intensyon. Basahin nyo kung ninanais nyo at baka sakaling matuwa kayo sa adventures ng Prestige Perfects, ang grupo ng anim nating bida.