Chapter I: The Prestige Perfects!

194 2 0
                                    

-Monday morning; Reinhold Private Academy-

"OMG! Andyan na sila!"

"Tara bilis, bago pa tayo maunahan ng iba!"

"Kyaaaaa!!!! Dali paparating na sila!"

"Hala, friend bilisan mo, baka hindi natin sila maabutan! Dalian mo!"

Ayan na naman ang mga students ng Reinhold, walang sawang nag-aabang sa kanilang mga crush/idol. Araw-araw, papasok ng sobrang aga ang mga taong iyan para lang masaksihan ang pagdating ng Prestige Perfects.

OO, tama ang nabasa nyo, inaabangan nila ang pagdating ng ever so popular and gorgeous group of students ng kanilang Academy, ang Prestige Perfects. Binubuo ito ng anim na students, puro mayayaman, matatalino at nagsisigandahan/gwapuhang nilalang. PERO! Hindi naman pwede ang maging perfect sila at magkaroon ng bukal na kalooban at napakabait na ugali. Ang anim na yan, pag nilapitan, sobrang maldita/maldito at mga sadista din sila.

Siguro nga pinanganak na natural na weird ang mga students sa Reinhold. Bakit kamo? Hello, excuse me, sino ba naman ang nasa matinong pag-uutak ang mabibighani sa Prestige Perfects?! Ang sama kaya ng ugali nila...sa totoo lang. Pero mukhang hindi iyon pinapansin ng mga fans nila. Parang wala lang sa kanila na masama ang ugali ng anim na yun. Minsan nga natutuwa pa sila pag may nabubully ang mga idols nila eh. Weird? 100% yes.

Pero hayaan na lang natin ang mga weirdong students ng Reinhold at pumunta na tayo sa ating mga bida, ang Prestige Perfects! Oh ano? Akala nyo ba mababait ang bida dito? Kung ganon, malamang hindi nyo po binasa yung mga naunang chapters dito. 

Unang bumaba mula sa isang kotse si Adrianne Illustre, sinundan ni June Capiobianco at ni Keanne Alcantara.

"Ah, ang aga mo ata nagising ngayon Adrianne..." pagpuna ni June.

"Bwisit na alarm yun...ang aga sinet ni Ate Marie...tsk. yan tuloy napa-aga gising ko." napahikab si Adrianne.

"Woah, nagising ka ng alarm?! Himala...kadalasan kailangan kami pa ni June ang mang-gising sa'yo eh." natawa si Keanne.

"Oo na lang, Keanne. Sige na ako na matakaw sa tulog." boredly na sinagot ni Adrianne ang lalaki sa tabi nya.

Napansin nila na may tumigil na kotse sa harap ng golden gates ng Reinhold. Bumaba doon si Scarlet, Matthew at Michael.

"Wow, naunahan nyo kami ngayon!" gulat na sinabi ni Matthew.

"Grabe ha, ganun ba talaga ako kalate magising at lahat kayo gulat na gulat?!" inis na tanong ni Adrianne.

"Actually, oo. Kay aga-aga mong matulog kung magising sobrang late..." singit naman ni Michael.

"Fine! I get your effing point!" nag-'tsk' lang si Adrianne tapos lumakad na rin papunta sa loob ng sobrang laking main building ng academy. Habang naglalakad sila doon, yung mga fans nila todo bati sa kanila kahit alam naman nila na walang pake sa kanila yung mga binabati nila.

Sorry ha, Sorry! ((ON-HOLD))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon