Chapter VI: Payback's a B**CH! (part 1)

130 3 0
                                    

-Michael's P.O.V-

Thursday ngayon, ang araw kung kailan namin napagkasunduan na gawin ang so-called "Payback de Grande."  Kung gusto nyong malaman kung anong gagawin namin, hala sige 'wag kayong magpakashunga at basahin nyo na lang itong chapter na 'to. Kaya nga inupload 'to eh.

"Oh, Michael? Bat bumalik ka?" tanong ni Adrianne na ngayon ay nakatambay sa Lounge at nanunuod ng T.V.

"Ha, nakalimutan ko yung camera. Siguraduhin mong maayos ang gagawin mong video ah. Para may keepsake din tayo at sa continuation ng plano natin bukas." ngumisi ako. Narinig kong natawa si Adrianne.

"Hay, oo na oo na. Bumalik ka na lang. At ako naman, kailangan ko nang maglibot para gawin ang isa ko pang parte sa planong ito." pinatay ni Adrianne yung T.V pagkatapos ay tumayo at isinuot yung boots nya. Pagpasensyahan nyo na ang babaeng 'yan, or rather pati ang buong Prestige Prefect. Hindi kami marunong magsuot ng uniform ng maayos. Customized ang uniform namin eh.

Iniwan ko na sya nang makuha ko na ang nakalimutan kong camera. Naglakad ako papunta sa may playground/park na malapit sa primary level building. Sa mga hindi nakaka-alam, ang ibig sabihin ng primary level ay elementary, pinaganda ko lang ang tawag. Dapat nyong malaman na ang Reinhold ay mayroon kindergarten hanggang collage kaya naman super yaman na ng school.

Bakit dito ko gagawin ang payback part ko? Aba syempre para madaming batang makakita. Alam naman nating lahat na likas sa mga bata ang pagiging bullies. Isa pa, marami-rami din ang mga tumatambay dito mula sa highschool at college division kaya naman mapapahiya talaga nang bongga ang gagantihan ko-si Ms. Clarith Salazar.

"Oh bat naman sa dinami-dami ng lugar ay dito mo ako pinapunta? Alam mo bang ang sakit sa balat nung araw?" pagbati ng isang boses na matinis.

Speaking of the devil, sa wakas ay dumating na sya.

"Wag kang mag-inarte dyan Ms. Clarith. Sino ba ang nagpakashunga at hindi man lang nagpayong nang pumunta dito? Tsaka paki mo ba kung gusto kong dito makipag-usap?" walang gana kong sagot.

"Bakit mo nga pala ako gustong maka-usap?"pagbabago nya sa pinag-uusapan. Heh, alam nyang may punto ako dun sa sinabi ko.

"May sasabihin kasi akong importante..." acting time na. Serious mode muna.

"Ano naman yun?" wow, nagpacute ang loka porque nakaserious mode ako.

"Kasi alam mo..."

"Oh, Michael..." yuck ha, hindi ko gusto yung pagkakasabi nya sa pangalan ko. Kadiri pakinggan. Ewww... "Hindi mo na kailangan pang ituloy yang sasabihin mo. Alam ko naman na may patay na patay ka sa'kin kaya nga papansin ka nang papansin sa'kin eh." 

"Excuse me?!" ambisyosa kang hinayups ka ah! Nakakagulat lang ha!

"Oh bakit hindi ba tama naman ako?" nakangiting tanong nya. "Wag kang mag-alala, hindi naman masama yun eh." gusto kong sumuka sa mga pinagsasabi-sabi nya.

"First of all Ms. Clarith, dinala mo ba yung utak mo? Kasi sa totoo lang, walang kwenta yang pinagsasabi-sabi mo. Second, excuse me? Ako patay na patay sa'yo?! Wow, sino kaya itong may altar ko sa locker nya?" binato ko ang mga nakatagong mga picture nang locker nya sa hanging kaya naman kumalat agad ito. Lahat ng nandoon ay napatigil at umabot ng picture. Agad silang natawa/ nandiri.

Sorry ha, Sorry! ((ON-HOLD))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon