Special Chapter: Mr. Sungit meets Ms. Friendly!

151 3 6
                                    

-Matthew's P.O.V- 

Araw ng Sabado ngayon at dapat nasa bahay ako, nagpapahinga. Pero anong kalokohan ang ginagawa ko at nakatayo ako dito sa harap ng isang mall? Well ano sa tingin nyo mga shunga? Naghihintay ako syempre. Sino naman ang hinihintay ko? Malamang ang Prestige Perfects, sino ba naman ang maglalakas loob na paghintayin ako bukod dun sa limang yun? Bakit ako naghihintay? Eh 'to tanong ko sa'nyo, bakit ba matanong kayo? Hindi nyo na lang basahin yung chapter kayo nang hindi kayo tamarin dyan.

Kalahating oras na din ako naghihintay dito sa harap ng mall. Pasalamat sila at ramdam ko pa yung aircon at nakaupo ako kundi, ha, malalagutan silang lima ng hininga.

*Bzzzt Bzzzt* 

'Wag kayong mag-inarte kung ganyan lang ang tunog ng cellphone ko, navibrate lang kasi.

"Sabihin mo kung nasaan kayo ngayon din kung ayaw mong malagutan ng hininga." gandang pagbati, ano po?

"Chill ka lang dyan Matthew, on the way na kami. Tsaka hindi ka pa ba 'nya' nakikita? Ang sabi ko sa kanya dumiretso na dyan ah." sabi nung kausap ko, malamang.

"Nya? Sinong nya? Hoy Drian, pwede ba, wala ako sa mood manghula kung sino ba yang tinutukoy mo. Pwede bang sabihin mo na lang kung sino sya?" naiinis kong sagot.

"Wala ako sa mood sabihin kung sino sya...makikita mo din naman sya kapag nasa harap mo na sya." kung di ko lang kaibigan ang babaitang ito---nako! Naiirita na talaga ako.

"Adrianne Illustre! Tigilan mo na ang pang-aasar sa'kin. Hindi na ako natutuwa." 

"Kasi naman, sinabi ko nang huminahon ka. Darating din kami dyan. At malamang hinahanap ka na nya."

"Sino ba kasi---" 

"Um, M-Matthew?' naputol yung sasabihin ko dahil may biglang tumawag sa'kin. Isang pamilyar na mahinahon na boses.

"Natalie?" nilingon ko ang tumawag sa'kin. Laking gulat ko nang makita ko ang kaklase ko mula grade 3 na si Natalie Carillo.

"Oooh~ Nakita ka na rin nya sa wakas~!" mapang-asar na sinabi ni Adrianne. "Sige, bye~!" at binabaan na ako ni Adrianne.

"Bakit mo ako hinahanap?" tanong ko.

"Sabi kasi ni Adrianne, pumunta daw ako dito at hanapin ka. May sasabihin ka daw kasi sa'kin eh." nakayuko nyang sagot. Problema nito at nakayuko sya?

"Wag ka nang yumuko. Bihira ang magkaroon ng ganyang kagandahan kaya maging proud ka at ipakita mo sa mundo na mas maganda ka kaysa sa iba." mataray kong sabi. Ayoko kasi sa lahat yung taong kulang sa confidence. At mas lalong ayoko nang itinatago ni Natalie ang maganda nyang mukha. Oh makatingin kayo dyan, bakit hindi ba ako pwedeng magkaroon ng crush? Oh ano naman ang nakakagulat dun? Kaya kong aminin sa sarili ko na crush ko si Natalie Carillo. Period. Tapos ang usapang ito.

"H-ha?"

"Alam kong hindi ka bingi kaya hindi ko uulitin yung sinabi ko." nagkibit balikat ako.

"S-salamat ha, h-hindi ko a-alam na ganyan ka pala kabait." ngumiti sya sa'kin. Tama ang nabasa nyo, wala kaming alam sa isa't isa. Kahit na mula pa grade 3 kami magkaklase, never ko pa syang nakausap.

"Ang galing mo rin mag-joke ano po? Ako mabait? Tatawanan ka lang ng Prestige Perfects kapag narinig nila 'yan." ngumisi ako.

"Okay lang, basta ba ang alam ko mabait ka eh." nakangiti pa rin sya.

"Bat nakangiti ka dyan?" tinaasan ko sya ng kilay.

"Eh ikaw, bat ka naman nakasimangot? Alam ko naman na alam mo na mas maraming muscles ang ginagamit sa pagsimangot kaysa sa pagngiti." lumawak pa ang ngiti nya. Ayos din ah.

Sorry ha, Sorry! ((ON-HOLD))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon