-Pierre's P.O.V-
Oolala~ Another P.O.V ko? Hahaha! Ansaya naman talaga, thanks my dear Author~!
(Author: che! Wag kang clingy sa'kin kay Adrianne na lang...oh sya, bago ko pa maisipang pataying kang bigla, simulan mo na itong chapter na 'to.)
Hmmmph! Sungit ni Author-sama, but anyways, simulan na nating itong chapter na 'to at ng mabawasan na rin ang kadaldalan ko, magalit pa si Adrianne ko.
Speaking of Adrianne, ito sya ngayon, payapang natutulog. Yakap-yakap ko sya at hindi ko magawang bumitiw hindi lang dahil sa alam kong kailangan nya ito, kundi kasi gusto ko ang pakiramdam na yakap ko sya. Oh, ano, may memory gap at nakalimutang mahal na mahal ko itong super gagita, super tamad, super talino, super sarkastik, at syempre ang isa sa mga dyosa ng kagandahan na napadpad dito sa mundong ibabaw? Pwes, uulit-ulitin kong mahal ko sya kahit ilang beses pa, kaya lang...sa sarili ko lang, ahm, well tsaka sa inyo. Hindi ko sinasabi 'to kay Adrianne hindi dahil sa torpe ako, kundi dahil alam kong iisipin nya na kalandian lang 'to. Promise!
Bigla kong naalala ang sinabi sa'kin ni Adrianne kanina. Nanlumo ako bigla...so all this time, para sa'kin ang ginagawa ni Adrianne. Yung plano nya at yung pagbabago nya. Naguguilty ako. Bwisit! Kung mas maaga ko lang nalaman ang lahat edi sana natulungan ko na si Adrianne! Hindi na sana sya nasaktan pa. Kainis naman, ako yung lalaki, ako pa yung pinoprotektahan! Ang bading naman ng dating ko! Ako dapat ang Knight in Shining Armor nitong si Adrianne eh. Bakit ba, kahit naman ang pinakamatatag at pinakamalditang babae kailangan din ng Knight in Shining Armor kahit pa ipagtulakan ka nila palayo eh. Kaya lang, mukhang abnormal talagang ito si Adrianne at di talaga nya kailangan ng isang Knight in Shining Armor. Haaaay, bahala na nga lang.
"Kaasar ka, Drian..." sabi ko, bumitiw na ako sa yakap ko at pinagmasdan ang natutulog na mukha ni Adrianne. Ganda talaga nya, kahit tulog. Nagulat ako ng may kumatok sa pinto.
"Adrianne?" boses yun ni June. Mapagbuksan nga ng pinto.
"Anong ginagawa mo sa kwarto ni Adrianne?" inis na tanong sa'kin ni Matthew ng binuksan ko na yung pinto at pinapasok sila. By sila, I mean ang Prestige Perfects.
"Bawal ba ako dito?" nakangiti kong tanong. Ewan ko, may galit talaga sa'kin ata itong si June tsaka si Matthew.
"Pilosopong nilalang..." naamuse si Scarlet. Tingin ko alam ko kung bakit. Minsan lang naman kasi talaga magpakita itong si Matthew ng pagiging concern. Well, ayon sa Adrianne ko yun ah. Malay ko ba, eh hindi ko naman talaga kakilala 'to mga taong 'to.
"Tulog na pala si Adrianne kaya hindi na bumalik pa dun sa baba..." sinundot-sundot ni Keanne ang pisngi ni Adrianne. Hahaha, good luck sa kanya kapag nagising yang si Adrianne.
"Mapapatay ka nitong babaitang ito, Landi. Anyway, ano bang nangyari sa kanya. Bakit parang kagagagaling lang nya sa pag-iyak?" pinagmasdan ni June si Adrianne ng maigi. Nakaupo na sya sa tabi nito.
"Napaiyak mo si Adrianne?! Nice!" medyo nawirduhan ako dito kay Michael. Imbis na magalit, parang natuwa pa ng husto na umiyak itong si Adrianne.
BINABASA MO ANG
Sorry ha, Sorry! ((ON-HOLD))
Ficção AdolescenteAng kwentong ito ay pawang puro kalokohan lang na walang masamang intensyon. Basahin nyo kung ninanais nyo at baka sakaling matuwa kayo sa adventures ng Prestige Perfects, ang grupo ng anim nating bida.