Chapter XVII: Apologies!

84 2 0
                                    

-Adrianne's P.O.V- 

Mabuti na lang talaga at walang ni isang gamit dito sa kwarto ko ang namisplace nitong mga taong super kakapal ng mukha.

"Kwarto nyo, no?" sarkastiko kong tanong pagpasok ko sa kwarto ko. Ayun ang Prestige Perfects, feel na feel ang pagtambay sa kwarto ko. Si Keanne at Michael nilalaro na ang latest model ng XBox 360 ko at mga walangyang di man lang nagpaalam! Kainis, ginamit na nga yung 50" LCD Smart T.V ko, pati ba naman yung XBox 360 ko gagamitin! Wow, parang wala silang ganyan ah, bigyan ko pa sila tig-lilima nyan eh para maranasan ko naman magkaroon ng barya sa wallet ko.

"Ang kwarto ng isa ay kwarto ng lahat." walang ganang sinabi ni Matthew. Andun sya nakaupo sa isang armchair malapit sa bookshelves ko, nagbabasa ng isang libro. At least sya yun lang ang ginalaw, kamusta naman si June at Scarlet? Hala, ayun sila sa may mini-living room ko, kung ano-anong album ang kinakalikot.

"Oh, may naiwang kauri nyo dito, mga bwiset." tinulak ko si Pierre nang maalala kong ganyan din ang ugali nya, hindi marunong magpaalam.

"Welcome to the club!" sabi ni June at naghagis sya ng isang album kay Pierre.

"Wow! Gamit mo eh, salamat sa paghagis! Much appreciated! Thank you talaga!" lumalabas na ang pagiging sarcastic ko. Kainis kasi, mga pandagdag badtrip 'tong mga 'to.

"Extra sarcastic ka ata ngayon..." puna ni Matthew, hindi nya inaalis ang tingin nya sa librong binabasa nya.

"Share mo naman 'yan! Ah sht! Deads na naman ako! Master ka ata dito Michael eh!" nagwhine si Keanne.

"Landi mo!" sabay-sabay kami nila June, Scarlet, Michael at Matthew na nagsabi.

"Wow! Chorus talaga? Kailangan ba yun?" natatawang tanong ni Keanne.

"Lumayas ka na nga dito sa pamamahay ko, Keanne. Naiirita akong makita yang mukha mo eh." napansin kong pinause nila Michael yung nilalaro nila, sinarado nila June ang mga photo album na tinitignan nila, binaba ni Matthew ang librong binabasa nya at nilapitan ako ni Pierre.

"Oh, natigilan kayong lahat?!" tanong ko na may halong inis.

"Anong nangyari? Alam naming hindi ka okay kaya wag mong iexpect na tatanungin ka namin ng okay ka lang ba. Hindi kami shunga." isa-isa silang lumapit sa'kin. Nakaupo ako sa kama ko, at sila, nakaupo sa gilid at harap ko.

"Hindi naman ganun kabigat, pero kasi naman, nayamot ako kila Mama. Gusto kasi nila ako itransfer ng school. Alam nyo namang ayaw ko ng magtransfer pa ulit. Hassle lang." narinig ko ang mahinang pagtawa nila June at Keanne.

"Hassle nga lang ba, o sadyang ayaw mo lang mahiwalay sa'min?" nakangiting tanong ni June.

"Si Junny lang ang pwedeng maging tsundere dito. Hindi bagay sa'yo, Drian!" sabat naman nitong si Landi.

"Hindi ba pwedeng in denial muna ang Drian natin? Tsundere agad?" isa pa 'to si Scarlet. Pagbuhulin ko kaya silang dalawa ni Keanne.

Sorry ha, Sorry! ((ON-HOLD))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon