-Scarlet's P.O.V-
It's my turn na? Yes....ohohohoho~ Ako muna bida ngayon!
Ako nga pala si Scarlet Naervaez, isang magandang nilalang na 16 years old. Anak ako ng may-ari ng mga hospitals dito at maging sa ibang bansa. Mayaman, matalino, mabait...'yan ako....kung kaibigan kita, kung hindi, ha! Prepare yourself sa sandamakmak na kapilosopohan na maririnig mo lalo na kung isa kang malanding katawang lupa. Isa rin akong aminadong plastic! Wala eh, sa panahon kasi ngayon, di ka tatagal kung di ka makikipagplastikan. Pwera na lang kung sing-galing nyo yung mga kaibigan ko. One more thing, half maldita-maldito half sadista kami, aangal pa? Kaya nga nirerespeto kami dito sa school namin eh.
"Scarlet, dear...pwedeng pa favor?" Kilalang kilala ko itong boses na 'to.
"Pano kung ayaw ko?" Tanong ko. Kainis eh, panira moment! Tignan na lang natin kung makataggal sya. Ohohohoho~
"Naman eh! Scarlet, kailangan ko talaga 'to ngayon! Please last na talaga 'to!" Pagmamaka-awa nya.
"Shirley, dear" Nandiri ako dun sa sinabi ko. "The last time I check, kasasabi mo lang sakin nung isang araw na last na yung favor na 'yun. Tsaka hihingi ka ba ng favor kung di mo kailangan?" Tanong ko sa kanya with matching taas kilay para bongga ang dating.
"Use your common sense, Shirley." Dagdag ko.
"Sorry, last na talaga 'to! Pweeeeeese!" Pagmamaka-awa nito. Yuck ha, nagawa pang mag-puppy dog eyes.
"Sabi nang ayaw eh. Paulit-ulit? Unli ka? Dun ka na nga, alis. Sinisira mo yung magandang atmosphere dito sa garden." Sabi ko nang walang pakundangan.
"Wag ka namang ganyan, parang walang pinagsamahan eh!" Nagpout siya. Oh-em, did she really think na gagana sakin yun?! Kapal ah, hindi nya ako alipores so no effect sakin yang napakalandi nyang pout.
"Bakit meron ba? Pwede ba 'wag kang FC, dahil kailan man di tayo magiging close, kahit magunaw pa 'tong mundo!" Sabi ko with so much fierceness. Ha, natural na sakin yan no!
"Andamot mo naman!" Ngumisi lang ako dun sa sinabi nya.
"Aba, ako pa nga ngayon...grabe ka, sige na nga..." At there goes my ever so plastic goody-good smile.
"Yes! Thanks, my dear!" Yayakapin na sana nya ako nung bigla kong naisipan na patirin sya.
*BOOOGSH!*
Hahahaha, nakakatawa! Nadapa nga ang shunga!
"That's for not letting me finish what I was about to say." Sabi ko nga.
"Aray ko naman! Pwede naman sigurong sabihan ako di ba? Look what you did to my beautiful face?!'" Naghihysteric na sya.
"Beautiful face? Hala, kung maganda ka, edi wala nang pangit dito sa mundo. Try to remember that. Tumayo ako at papalakad na paalis nung tinawag nya ulit ako.
"Scarlet, san ka pupunta?!" Sigaw nya.
"Sa lugar kung saan walang pangit na katulad mo." Nakangisi kong sagot. Sarap nyang inisin eh.
"Pano na yung favor?! Kala ko ba gagawin mo yun?!" Sigaw nya ulit. Grabe vocal cords nya ha. Ang tatag!
"May sinabi ba akong gagawin ko yun, teh, wag feeling!" Sabi ko sa kanya.
"OO meron!"
"Sorry ha, Sorry! Sa pagkaka-alala ko, ang dapat na sasabihin ko nun ay, sige na nga, aalis na ako, baka madamage pa yung eye sight ko eh, ang kintab kasi ng mukha mo, puro oil. Magpriprito ka ba?!" Mataray kong tanong.
"Scar---" Pinutol ko na yung sasabihin nya.
"Hindi kita kilala, so pwede bang 'wag mo akong kausapin?!" Natameme na lang sya sa sinabi ko. Umalis na ako palayo mula sa kanya.
Oh, di ba? Ang taray ko?! ohohohohoho~ tama lang sa kanya yun. Sino kaya ang next victim ko? I wonder...
_____________________________________________________________________________
A/N: Another update! Yay! Hahaha, ang sarap isulat nitong kay Scarlet, nakakatuwa eh! xD
And opo. Si Scarlet po yang nasa pic.
BINABASA MO ANG
Sorry ha, Sorry! ((ON-HOLD))
Teen FictionAng kwentong ito ay pawang puro kalokohan lang na walang masamang intensyon. Basahin nyo kung ninanais nyo at baka sakaling matuwa kayo sa adventures ng Prestige Perfects, ang grupo ng anim nating bida.