HAPPY READING GUYS ♡ sorry sa typos. ^_^
-Dove-
CHAPTER 4
"Girlll!! Sorry Imma Late. Huhuhuhu hindi na mauulit." Nagulat ako sa pagdating ni Xienie mula sa likod ko. Nandito kasi ako sa labas ng starbucks nakikiupo.
"Sorry? Anong magagawa ng sorry mo hah? At ano kamo hindi na mauulit? Hindi mo masasabi yan, kung ung taong ngang nagkasala at nagpromise nagagawa pa rin magkamali ikaw pa kayang tao lang d-"
"Aray ano ba?!" Irita kong sigaw. Abay nahugot pa ko hindi ako pinapatapos putspa naman. Pano ba naman binatukan ako ng loka.
"Eh kasi nagsisimula ka na naman humugot. Akala mo naman lahat ng lalaki niloko ka." Sabi niya saka umupo sa harap ko.
"Aba'y pake mo ba. Nagugutom na ko ang tagal tagal ni Ruffles." Saad ko.
"Sabi niya sakin kanina nagbibihis pa lang siya nung otw na ko" What the hell?!
"Putspa naman ang tagal tagal pa naman nun magbihis."
"Hindi naman namin kasi sinasadyang hindi sabihin yung time girllll diba? Saka magtatanong ka kasi girlalu." Wow so kasalanan ko pala? Hindi man lang ako nainformed.
"Oo nga kasalanan ko. Kasalanan ko na naman kaya nga hindi kami nagtagal diba? Kaya nga iniwan niya ko diba? Diba?" Hugot ko na namang sabi.
"Alam mo mabuti pa maglakad lakad muna tayo. Bored ka lang girlalu kaya kanina ka pa hugot ng hugot."
"Bored? Baka gutom tagal tagal niyo kasi letche."
Nagsimula na kaming maglakad lakad para maglibot at wala pa rin yung si Ruffles. Masasampal ko ang bruha na yun pagdating. Kaya sinumulan kong magkwento. Yung kaninang nangyari sakin sa Pancake House natawa naman siya dahil sa inasal ko. Sinabihan pa kong loka loka.
Saka siya nagsalita ulit para magyakad.
"Bookstore tayo girlalu." Ano pa bang magagawa ko hinila na niya ako. May sapak rin talaga tong si Xienie minsan eh.
"Ano pa nga bang magagawa ko." Kibit balikat ko saka sumunod.
Pagdating pa lang namin naghiwalay na kami dahil iba ang taste namin sa libro. Ako pumunta ako sa Pop Fiction section siya naman sa Science Fiction. Bookworm siya at mahilig siya mag aral. Ako, mahilig magbasa ng love story. Omg hahahahaha. Kinikilig tuloy ako asdfghjkl.
"Gerlalu andito na daw si Ruffles. Sabi ni Xienie. Kaya pumunta kaming counter para bayaran ang binili kong libro. Mahilig din ako sa novels kaya bumili rin ako ng bagong novel book.
"Okay." Sabi ko saka inabot ang bayad ko sa counter.
Hindi pa man din ako nakakalabas may nakasalubong kaming lalaking tumatakbo. Dahil nga sa tumatakbo sila pareho nila kaming nabangga ni Xienie kaya napaupo kami sa sahig. Kung minamalas malas ka naman oh. Ang sakit ng balakang ko. The hell! Take note tatlo sila at dalawa ang nakabunggo ko. Si Xienie naman ung isa ang nakabunggo so bale 3.
"Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan." Sabi ng nakabangga ko. Dahil sa kanya kaya sobrang lakas ng impact ko sa pagkakabagsak dumagdag lang yung lalaking nagpabagsak pa lalo sakin.
"Ayan na nga ba sinasabi ko eh kahit na obvious na obvious naman kung sino ang may sala ako pa rin ang mali. Okay lang sanay na naman ako." Ibang klase Azzip Ara Angasal nakuha mo pang humugot kahit na nasaktan na yang balakang mo. Pagkatapos kong humugot ay tumingala na agad ako sa lalaking epal na nakabangga ko.
Nung nagtama ang mga mata namin ay bigla na lang akong may naalala. Umiwas din siya ng tingin at tila akala mo eh nakakita ng multo. Sa gandang kong toh tsk. Si Zj ung kababata ko ang naalala ko. Aish hindi na dapat pa inaalala ang mga taong iniwan ka na. Iniling iling ko ang ulo ko dahil sa naalala. Tumayo akong magisa samantalang tinulungan ng lalaki si Xienie na tumayo. Napakabait naman talaga ng nakabangga ko oh.
"Sorry ah hindi ko kasi kasalanan humarang harang sa dinadaanan niyo mahal na hari." Sarcastic kong pagkakasabi saka hinila si Xienie at kinaladkad ito palayo sa tatlong lalaki.
BINABASA MO ANG
Kung wala siguro ang twitter wala na rin ako. Ay hindi erase erase kung walang twitter hindi ako sisikat . Pero pake ko ba kung sumikat ako? Gusto ko lang naman mailabas ang damdamin ko. Napakabitter ko daw hahahaha. Isang nakakalokang tawa lagi ang...