Chapter 13

12 3 0
                                    

Happy Reading ^_^

-DOVE-

CHAPTER 13

Gumising ako ng maaga dahil sa mag-eexcercise ako. Kaylangan ko ng good and healthy body. Laging ganto ang ginagawa ko tuwing monday every week. Once in a week lang kasi ako nageexcise dahil sa I'm not a morning person.

Dinala ko ang bike ko at nagbike papunta dun sa oval sa subdivision. Saka ito pinark saka nilagyan ng padlock. Tumakbo ako ng tumakbo sa oval ng limang beses hanggang sa nakaramdam ako ng pagod saka umupo malapit sa bike ko. Uminom ako ng tubig at nagpunas ng towel.

Maya maya may narinig akong boses ng babaeng umiiyak. At di lang yun, naririnig ko rin ang boses nyang dakdak ng dakdak.

"Bakit k-kasi g-ganun? Akala ko....huhuhu ...m-mahal niya ako. A-akala ko lang pala yun." Broken Hearted ang gaga tsk.

"P-Pinaasa niya lang pala ako.....huhuhuh... ang tanga tanga kong maniwala......huhuhuhu ....ang sakit sakit. Nakakainis siya......paasa siya ...huhuhu yun pala may girlfriend siya. " Muntik na kong mahulog sa kinauupuan ko dahil sa narinig. Ano ba naman klaseng tao toh? Tanga ba siya? Dapat alam niyang may girlfriend ang tao.. Yan kasi ang problema eh nakikipaglandian ka tapos hindi mo naman pala siya sobrang kilala.

Bago pa ko mainis ng sobra dahil sa sinasabi nito eh nilapitan ko na siya at saka umupo dun sa railings na katapat ng upuan niya.

Nagsalita ako at sinabing "May dalawang klase ng taong paasa, Yung isa papasayahin ka ng hindi nila sinsadya dahil ganun talaga sila, kumbaga gusto nilang masaya ang taong nakapaligid sa kanila. Importante man o hindi. Kaya ayun kung malambot ka at tatanga tanga mahuhulog ka. Ung pangalawa naman na klase ay papasayahin ka nila pero intensyon nila yun dahil sa trip nila, wala silang magawa sa buhay o isa silang 'PLAYBOY' Basta ganun. Pero nasa sayo rin kung mahuhulog ka o hindi eh. Kaya sa susunod na mahulog ka tumayo ka agad hindi ung hihintayin mo pang may tumulong para puluti--"

"Pfft"

Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko eh may narinig akong parang natatawa na ewan? Hindi naman si ateng kaharap ko kase kanina pa siya tango ng tango sa pinagsasasabi ko.Linibot ko ang paningin ko pero wala talaga eh. The hell! Guni guni ko lang siguro hehe.

"Okay back to reality. Kalimutan mo na siya at wag iyakan dahil sayang ang luha. Sayang ang effort mong uminom ng tubig kaya wag kang umiyak. WALA SIYANG KWENTA PERIOD. " Pagkasabi ko nun iniwan ko na siya dahil mukang wala naman siyang balak sumagot. Ako tuloy ang nasayangan ng tubig dahil sa kakadada kaya uminom uli ako bago sumakay sa bike ko at nagbike naman.

Umikot lang ako sa oval gamit ang bike nang....

"Ahhhh!"Sigaw ko dahil nawalan ako ng balance sa bike dahil may tumawid na bata kaya iniwasan ko siya. Sa kamalas malasan nga naman tumama ang bike ko sa bato samahan pa nung nawalan ako ng balance kaya ayan natumba ko. Damn. Masakit.

Ano ba yan Azzip sanay ka na naman masaktan diba? Sanay na sana ka naman diba? Kaya anong problema mo?

Ang sakit ng tuhod ko. Plus na may bruises ako na medyo maliit sa kamay at braso. Takte ang malas mg buhay ko ngayon huhuhuhu.

Binasa ko ung towel ko ng tubig na dala ko para malinis ung sugat kong puno ng dumi. Ewan ko ba kung matutuwa akong hindi ko nabangga ung bata o ano eh. Tsk

"A-ARAY!" Napasigaw ako ng malakas dahil sa hapdi na naramdaman ko. Aish pano ako makaka 2 piece nento? Dafq. Err bahala na

Habang pinupunasan ko ang tuhod ko para malinis bigla na lang may nagabot ng bulak, betadine at band aid. Agad agad ko tong kinuha sa nagabot ng hindi ko man lang siya tinitignan dahil sa kaylangan ko na ito ASAP. Saka hindi ko basta basta makikita ang muka dahil nakaupo ako kaya tinanggap ko na lang.

Matapos ko itong lagyan tumingala ako at nadismayang wala na siya. Ano ba naman yan.

"Ano ba naman yan? Akala ko nasa tabi ko pa. Ayaw niya ba ng thank you ko? Tss." Pagkasabi ko niyan nagsimula akong maglakad habang pinapagulong ang bike ko sa gilid ko para umuwi na..

Pero tumigil rin ako saglit dahil hindi pa naman ako nakakalayo talaga at saka sinigaw ang salitang "SALAMAT!"

Malay mo naman marinig niya. Atleast nagthank you ako.

TwitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon