CHAPTER 21
Azzip's Pov
De p*ta naman kung minamalas ka talaga oh. Pumunta na lang ako sa cottage namin at nakikain sakanila. Hello? Gutom na din ako noh.
"Azzip lika dito!" Sigaw ni Kuya Zander mula sa labas dahil nagiihaw siya.
"Teka!" Sabi ko at saka lumabas.
"Oh? Problema mo?" Nakairap kong sabi dahil hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niya.
"Eto nga pala si Stanley ung tumawag sayo." Sabi nito. Nilahad naman ng lalaki ang kamay niya sakin.
"Oh hello. Azzip nga pala." Sabi ko at nakipagshake hands.
"Classmate ako ng kuya mo. If you want to know." Sabi nito at saka inalis ang kamay niya ganun din ako.
"Oww hahaha." Yun na lamang ang nasabi ko.
"May sasabihin ata yan eh diba gusto mong man-" Biglang sinubo ni Stanley ang bbq sa ihawan kaya natigil ang pagsasalita ni Kuya Zander.
"Hehe wala yun. Sige balik ka na sa loob." Sabi nito at saka pinagpatuloy ang pagiihaw.
Tawang tawa naman ako sa itchura ni kuya Zander. Mukang tae eh nanlalaki ang ilong.
"Hoy baklita ang saya mo ata!" Sigaw ni Mariel na nakain.
"Porket ba natawa masaya na agad? Hindi ba pwede tinatakpan ko lang ang lungkot sa puso ko?" Nakangiwi kong sabi.
"Hoy lintek lumayas ka na nga dito. Ang daldal mo." Sabi ni Kim.
"Tse mga bading." Sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain.
"Larissa you're not afraid to be maitim? Kakagaling mo lang ng boracay diba?" Saad ni Xienie.
"Nahhhhh~ kase magpapaderma na lang uli ako haha. Saka masarap magswimming. Kyah~" Tili nito.
"Hoy babae ang ingay mo tili ka ng tili."
"Kj mo Kim. " Nakairap na sabi ni Larissa.
Maya maya biglang nanahimik ang lahat dahil sa pumasok. Well, ang boys ay nasa labas at kaming girls ang nasa loob.
"Err natatae na ko. Teka lang ah hahahaha." Awkward na sabi ni Mariel at lumabas kahit na di naman talaga siya natatae. Obviously?
Lumabas din naman agad si Zark at kinuha lang ang cellphone. Lumabas ito na may katawagan.
Lumabas din ako at naglibot nang nakakunot ang noo. Napadpad ako sa isang hot spring dito kaya agad akong bumabad.
Ang sarap shet. Damang dama ko ang tubig habang nakapikit ako ng may narinig akong pagbagsak sa tubig. Umahon ito at nakita ko kung sino. Napamura ako ng ilang beses sa inis letche.
"Oh bakit ka andito?" Tatawa tawa niyang sabi.
"Pake mo ba?"
"See your surroundings. " Sabi niya habang nilingon ang mga nakapaligid saming mga pashnea.
'Tangina!' Mura ko sa isipan ko. Bakit puro mga couple ang nandito?
Nabasa ata ni Zark ang iniisip ko at tinuro ang karatula na for couples only.
Nanlumo ako sa nakita ko. Bwiset. Bwiset. Bwiset. Kaya pala puro lampungan at mga ungol ang naririnig ko.
Langya.
Inis akong tumayo dahil sa pagkakapahiya ko.
"Oy oy oy teka lang...hahaha
" tatawa tawa niyang pigil sakin.Di ko siya pinansin at derestso pa rin sa paglalakad.
"Buti nga sinamahan kita eh para di ka mukang single you know." Dahil sa sinabi niya binigyan ko siya ng death glare. Err mamatay ka sana.
Pumunta ako sa counter para sisihin ang babaeng nagbabantay sa hot spring.
"Hoy miss. Di mo naman sinabi na para pala toh sa mga couple. Bwiset!" Sigaw ko sakanya na kinagulat niya
"A-Ahh eh mam kala ko p-po kasama niyo si Kuya." Turo niya kay Zark na nasa likod ko.
"Bwiset!" Sigaw ko at ambang aalis ng may tinuro siya sa gilid ng spring.
"Dito po ung para sa mga singles at may pa-" Sa inis ko binato ko sakanya ang nasa desk na towel na tumama sa bibig niya.
Lintek kaya kong ibato ang buhangin sa inis ko.
Tweet post
Can I have a peaceful summer? Yung di ako mamalasin araw araw.
BINABASA MO ANG
Kung wala siguro ang twitter wala na rin ako. Ay hindi erase erase kung walang twitter hindi ako sisikat . Pero pake ko ba kung sumikat ako? Gusto ko lang naman mailabas ang damdamin ko. Napakabitter ko daw hahahaha. Isang nakakalokang tawa lagi ang...